Unice pov.
Naglakad ako ngayon papuntang office ni sweety kasi daw andyan yung mommy ni sammy.. Di ko nga alam kung bakit pa nagpunta yung mommy ni sammy dito siguro dahil gusto niyang malinis yung pangalan ng anak niya.
Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Pagpasok ko pa lang sa loob ay yung magandang babae agad yung nakita ko, maganda siya at maputi din mukhang mayaman ito. Siguro ito yung mommy ni sammy..
"ikaw!!?? Ikaw yung dahilan kung bakit di nakakapasok yung anak ko!!" sigaw niya, aatras na sana ako pero nahawakan niya yung kamay ko..
"ma'am, nasasaktan na po ako.." mangiyak-ngiyak ko na sabi.
"mas mamasaktan ka pa talaga ngayon..!!" sigaw niya ulit sa akin. Tinaas niya yung kamay niya kaya napapikit nalang ako kasi alam kung sa pisngi ko yun dadapo..
Pero.. Bakit ang tagal, bakit walang masakit akong naramdaman. At bakit parang walang kamay na dumapo sa pisngi ko.
Dahan-dahan kung dinilat ang mata ko at nakita ko yung mommy ni sammy na nakatulala habang hawak ni sir zel yung kamay niya na ipangsampal sana niya sa akin..
"wala kayong karapatan na saktan ang mga studyante ko.." may diin na wika ni sir zel sa mommy ni sammy bago pwersang binitawan yung kamay na hawak niya kanina.
"but sir mendes. Siya yung nagsimula ng gulo. At wag mong gawing sinungaling yung anak ko!!" turo niya sa akin..
Napayuko lang ako dahil sa hiya na naramdaman ko kahit alam kung wala akong kasalanan sa nangyari. Bakit kaya lapitin ako ng away. I mean lapitin ako ng mga babaeng mahilig manakit..
"sir mendes. Napaka unfair po ng ginawa niyo, bakit yung anak ko lang at yung mga kaibigan niya yung sinuspende niyo at itong!!..." tiningnan niya ako mula ulo hanggang pa.. "at itong mukhang basura na ito ay di niyo nagawang suspendihin.." dagdag niya..
Kung maka lait naman to, pasalamat talaga siya at di ko kayang sumagot sa tulad niya. Bad daw kasi yun sabi ni lolo. Pero pag ako nainis sa babaeng to baka masagot kon ito.
"mrs. Qinto wala po kayong karapatan na laitin ang kahit sinong estudynate ko dito sa school na pag aari ko, baka nakakalimutan niyong pamilya ko ang dahilan kung bakit kayo nasa ganitong estado ng buhay ngayon.."
Wait? Sa kanya tong school? For real? Sa kanya talaga..
"im sorry sir mendes, pero bakit kasi anak ko lang yung nasuspende at di ito kasali. Alam kung mabait yung anak ko sir." mangiyak-ngiyak na sabi niya.
Napaka O.A niya sa totoo lang kung maka iyak parang practise na practise umupo siya sa inupuan niya kanina. Ako naman nandito lang sa harapan ng pinto naka tayo habang nakatingin doon sa mommy ni sammy..
"im sorry mrs. Qinto pero nakunan po ng CCTV yung ginawa ng anak niyo." paliwanag ni sir.
"sir, baka nagkamali lang po yung CCTV niyo. Sir di ko po pinalaki yung anak kung masama.. Nagmana po yun sa akin." acting niya ulit..
Sarap ipakain sa mga linta sa probensiya tong mommy ni sammy kala mo naman sino. At nagmana daw sa kanya si sammy Kaya pala. May pinagmahan.. Demonyita din.
"ms. Suarez please sit here." turo niya sa harapan na upuan ni mrs. Qinto.
Nagdadalawang isip pa akong lumapit baka bigla nalang akong sugurin nitong. Edi kawawa na naman ko.. Pero bahala na andyan naman si sir.
"mrs. Qinto, di lang naman po yung CCTV ang witness namin dito dahil pati yung mga kaibigan ng anak niyo ay umain na si sammy talaga yung nagsimula ng gulo." paliwanag ni sir sa mommy ni sammy.