Unice Joy Suarez pov.
Napatingala ako sa taas kung saan naka ukit ang "Mendes National High School" Natatakot akong pumasok sa loob kasi Transfere lang ako dito. At bakit kasi kailangan ko pang lumipat ng ibang paaralan. Ok naman ako sa dati kung school..
Siguro kung di lang namatay si lolo edi sana hanggang ngayon nasa probensiya parin ako, kahit kailan di ko pinangarap na tumira dito sa maynila. Di naman kasi ako tulad ng mga kapitbahay namin na halos bukang bibig ay kung gaano ka ganda ang maynila.
Masasabi ko ngang maganda ang maynila pero kahit anong pilit ko na sabihing maganda ang lugar na ito ay mas pipiliin ko parin ang probensiya namin kung saan ako lumaki at kung saan ako nararapat.
"iha, baka malate ka dyan. Pasok kana." sabi nong lalaking naka bantay sa gilid ng gate.
Pumasok na ako sa loob at isa lang ang masasabi ko napaka lawak ng lugar at napatayog ng mga paaralan dito Nakakahilong tignan. Ibang-iba talaga sa paaralan sa probensiya, binilang ko yung taas niya at mga 6floor ang taas niya. Napaka yaman siguro ng may-ari ng paaralan na to.
Nagsimula na akong maglakad kasi kailangan ko pang hanapin yung room ko kung saan banda ito.
Patay na, aha man ko una mangita ani?
Ang laki kasi talaga at ang lawak ng paaralan na to nakakahiya naman kasing magtanong.
Bahala na ni uy kung asa ko moabot...
Naglakad-lakad nalang muna ako at baka sakaling makita at matagpuan ko yung room ko. Siguro naman di matapos tong araw na to ay makita ko na yung room ko..
Pag-tong-tong ko palang sa pangatlong palapag ng building na ito ay sigawan at tilian agad ang sumalubong sa akin.
"guys andyan na si sir." rinig kong sabi nong isang studyante habang nakasilip sa pinto..
Sinundan ko naman yung mga tingin nila.
Hala ka?! Ganito ba kagwapo ang mga guro dito sa paaralan na ito.
Nabalik ako sa normal ng may marinig ako parang 'ring' ano kaya yun di pa naman siguro time yun kasi sa probensiya namin 'ting' yung tunog eh.
Tiningnan ko ulit yung mga studyante na nagtitilian pero wala na pala sila sa pinto at yung gwapo guro yung nakatayo doon habang nakatingin sa akin.
"ms. Time na ikaw nalang yung nag iisa dito sa hallway." kalmadong sabi niya sa akin. Oo nga ako nalang shet nakakahiya, so time na talaga yun..? Magtanong nalang ako dito kay sir kung saan matatagpuan yung grade11-5..
"sir di ko po kasi alam kung saan dito yung grade11-5, bago lang kasi ako dito sir." nakayuko kung sabi.
"itong nasa harapan." napatingin naman ako sa taas ng pinto Oo nga no 11-5 yung nakalagay.
"pasensiya na po sir." nakakahiya ka talaga joy. Pinapasok na ako ni sir at agad naman akong nakakita ng upuan, sa pinakadulo ako naka upo mas mabuti ng dito ako kaysa saharapan.
"ok class. Bago tayo magsimula sa ating klase ay nais ko lang munang magpakilala dahil alam kung di lahat ng mga nandito ay kilala ako.. My name is Zel Mendes 26yrs old. Just call sir. zel.." mendes? Sa kanila itong paaralan na ito.. "at ngayon ay nais kong magpakilala kayo isa-isa dahil parang meron akong mga ibang studyante na di namumukhaan.." ang galing niyang magtagalog siguro filipino ang tinuturuan niya.
"sir, pano kami na kilala niyo na so di na kami magpakilala?" tanong nong babae sa harapan.
"nasasa inyo kung magpakilala kayo." sagot naman si sir.