Unice pov.
Nakakainis din na ulan ito kung kailan pa paalis na ako saka naman bumagsak ng malakas. Pinatigil ko muna yung ulan ng mga ilang minuto bago ulit naglakad-lakad dito sa gilid ng daan kailangan ko kasi talagang maka hanap ng trabaho para naman sa ganon ay di ako maging pabigat kila tita at para na din sa sarili kung mga pangangailangan gaya ng cellphone.
Mamaya pa namang hapon yung practise namin sa basketball kaya marami pa akong time maglakad-lakad dito sa gilid ng daan. Di ko na din alam kung saang lugar na ito basta ang importante makahanap ako ng taranaho ngayon araw na to at malapit lang siguro ito sa bahay nila tita.
Tahamik akong palingon-lingon sa paligid dahil tumitingin ako ng mga building dito ang tatayog at ang gaganda ng mga building dito. Tama naman talaga sila sa probensiya na maganda talaga yung maynila.
"hi miss? Anong hinahanap mo?" napatitig ako sa lalaking nagsalita.
Maraming tattoo ang braso at leeg niya tapos na ka sando lang maganda naman yung pangangatawan niya kaya lang nakakatakot yung uara niya sabay mo pa yung hikaw niya sa tenga, kilay at sa labi niya.
"ah, ano po. Naghahanap po kasi ako ng trabaho kuya." nakita ko yung ngiti sa labi niya.
"trabaho? Buti nalang at nakita kita kasi kailangan ko kasi ng katulong sa bahay." ngising sabi niyo. Wait pati dila niya may hikaw din grabe siya ah. Diba masakit yun.
Pero ano sabi niya kailangan niy daw ng katulong sa bahay? Pasimple ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Mukha kasi siyang tambay, sa mukha niya palang parang di ako maniniwala sa lalaking to..
"ah, ganon ba. Sa iba mo nalang i-alok yan kuya." sabi ko sa kanya bago nag lakad ulit pero nakaka ilang hakbang palang ako ay bigla niya nalang hinawakan yung braso ko at tinakpan agad yung bibig ko.
Pinilit kong tumakas sa mga bisig niya pero ang lakas ng hayop na to.. Gumawa talaga ako ng paraan para lang makawala sa lalaking to pilit kong tinatapakan yung paa niya pero di man lang natinag. Nagsimula na ding tumulo yung luha ko sa subrang kaba.
Lord niyo po sana akong pabayaan sa lalaking to.
Napapikit ako habang nanalangin na sana ay makawala ako sa lukong lalaking to. Napa ungol ako sa sakit ng bigla niya akong pinasandal sa pader habang nakaharang yung dalawang bising niya sa magkabila kong gilid.
"mukhang masarap ka miss." nakita ko yung pag apoy ng mata niya.
"kuya please pakawalan mo na ako." pinakita ko talaga sa kanya yung luha ko para sa ganon ay maawa siya sa akin.
"papakawalan naman kita pero ngayon pero kailangan muna kitang matikman." hahalikan niya na sana ako pero agad kung tinuhod yung ari niya dahilan ng paghiga niya sa seminto, mabilis naman akong tumakbo palabas sa masukal na lugar na yun, takbo lang ako ng takbo di ko nga alam kung saang lugar na ako napadpad. Wala pa naman ako pera na pamasahe pa uwi sa barangay namin.
Bahala na basta ang importante ay matakasan ko yung manyak na lalaking yun. Tumingin muna ako sa likod kung sinundan niya ba ako at di nga ako nagkamali kasi nagtama yung mata namin habang may ngiti sa labi niya.
Saan ako pupunta nito??
Ng makita kung papalapit na siya sa akin ay agad akong tumakbo at pumasok sa isang mall pero nakasunod parin siya sa akin nakapasok parin siya. Naghanap ako ng lugar na pwede pagtaguan para di niya ako makita. Pa simple akong naglakad sa kahit saang sulok ng mall para iligaw yung lalaki takot din akong magsumbong sa mga tao at baka saktan niya pa ako lalo. May nakita akong parang papuntang cr ata ito kaya doon na ko pumasok tiningnan ko muna yung lalaki pero wala na siya.