Part16

287 5 0
                                    

Unice pov.

Ang bilis talaga ng araw no? Di ko akalaing patapos na naman ang october. At sayang lang dahil di ko madadalaw sila mama, papa at lolo sa darating na undas. Nimiss kona kasi silang dalawin sa puntod nila doon sa probensiya namin. Di ko nga alam kung makaka uwi pa ako sa dati kong bayan.

Andito nga pala kami ngayon sa gym kung saan nag tipon-tipon yung mga studyante kasi opening ng intramurals namin ngayong araw, napaka enjoy kasi ang daming studyante pati yung sa night class ay nandito kaya subrang gulo at subrang ingay buti nalang talaga ang laki din ng gym nila kaya keri lang..

"nakalimutan kung bumili ng mineral." hingal na sabi ni ana. Gagaling lang kasi namin sa parade at subrang layo ng nilakad namin tapos imikot lang pala kami,

Nagtaka kapa girl, sa dati mo nga school pinabalik din kayo.

Tong isip ko talaga minsan pa epal, quite kana nga dyan kung ayaw mong masaktan kita. Kanya-kanya kaming umupo dito sa loob ng gym pero bawal kang maki salamuha sa ibang grade. Kasi may mga color coding kami.

Ang grade7 is white, grade8 is yellow , grade9 is violet, grade10 is pink, grade11 is black, and lastly grade12 is blue yung mga guro naman ay naka pulo according din kung ano yung hawak nilang advisory, ang gwapo nga ni sir zel kasi bagay na bagay sa kanya yung polo kulay itim.

Ako naman is naka black at saka naka fitted black din na jeans ano nga tawag nito yung hanggang bewang. Merong tawag nito pero nakalimutan ko lang.. High waist ata basta yun. Tapos white adidas na shoes binili sa akin ni zel ito nahihiya nga ako kasi alam kung mahal to pero nong di ko tinanggap nag tampo nalang bigla kaya no choice ako kundi kunin. Marami na din siyang binili sa akin pati si tita cora bigla bigla nalang bubungad sa condo ko at ang dami ng dalang paper bag. Gusto ko mang tanggihan pero may pinagmanahan ata yung anak sa ina. Kaya di na ako nagtaka. Hahaha..

"gutom na nga ako eh." walang ganang sabi ni shella.

"buti ka pa joy may baon ka." nakangusong sabi ni nena.

Naalala pala kanina na bago ako umalis ay binigyan ako ni zel ng isang pack ng sky flakes at dalawang mineral water. Nagtaka nga ako at ngayon alam kona kasi ganito pala ang mangyayari. Bawal kasing lumabas hanggang di pa tuluyang nabubuksan ang ceremony.

"madami naman to eh. Wait lang." naka indian sit kaming anim dito sa gilid ng gym. Binuksan ko yung bag ko at kumuha ng lima na biscuit at binigay ko sa kanila tuwang tuwa naman ang mga bruha kasi daw sa wakas ay malalagyan na yung mga tyan nila.

"thank you joy." sabay-sabay nilang sabi. Nag kwentuhan nalang kami about sa intrams na magaganap. Pagkatapos pa pala nito may cheerdance compitation. At malamang di kami kasali di naman kami marunong sumayaw eh. Sampo lang ata yung kinuha sa section namin.

Nong may nagsalita na sa stage ay wala kaming paki alam kasi di naman namin alam kung ano yung mga sinabi nila basta kung may marinig lang kaming palakpakan ay sumasabay nalang kami..

Nagtawanan pa nga kami kasi sila jay at kyle minsan may pinag titripan napaka bully talaga tong mga to. Pero hindi naman tulad sa iba na nakakasakit na talaga ng damdamin. Sa kanila kasi pinapacutan nila tapos ang babae naman ay kinikilig. Tapos minsan iniirapan nila sabihing bakla sila. Hahaha!!

"guys gusto niyo bang kumunta si sir mendes??!" sigaw na tanong ng SSG president, babae siya maganda at bagay talaga sa kanya yung pag e-emcee kasi maganda yung boses niya.

"yess!!" rinig ko namang sigawan sa paligid..

"sir, wag kanang umayaw ah. Marami kami." tumawa naman yung mga studyante dahil sa sinabi ng emcee.

Zel Mendes[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon