Part21

362 8 0
                                    

Unice pov.

"OHH!! umuwi ka pa?" bungad ko kay zel na kakapasok lang ng bahay.

"Oo, saan pala ako matutulog?" tanong naman niya.

"doon kila rose matulog, wag dito." pagtataboy ko sa kanya.

"ito naman selos agad. Nakipag kwentuhan lang naman sa akin yung mga babae sa lugar niyo."

Bwisit na lalaking to akala mo naman sinong gwapo. Yung rose naman na tinutukoy ko siya yung pantasya ng barangay namin. Maganda kasi maputi at kung di ko nagkakamali half Japanese   siya kaya ayun maganda...

Siya din yung narinig ko na tumili kanina akala mo naman kung sino. Kung maka tili wagas. At ito namang lalaking to tuwang tuwa pa kasi nakakita na naman ng maganda. Di niya lang alam kung gaano ka demonyita yung rose na yun.

"di ako nagseselos no, pano naman ako mag seselos sa inyo. Bakit ano ba kita at hoy!! Di na kaya kita mahal." taas noo kung sabi sa kanya.

Nakita ko naman yung pag ngiwi ng panga niya. Bahala siya kung masakatan ko siya sa sinabi ko. Bakit siya din naman ah sinaktan niya din ako at tagos yung hanggang back bone ko..

Pumunta na ako sa kusina para maghanda ng hapunan naming dalawa ng lalaking to. Feeling ko nga para kaming mag asawa..

Feeling mo lang yun wag kang assuming..

Oo na nga diba? Feeling ko lang yun. Ito namang konsensya ko pa epal masyado.. Tawagin kona sana siya pero halos na nuyo yung lalamonan ko ng makita ko siya naka hubad ng damit.

Yung maganda niyang katawan noon ay lalong maganda pa ngayon. Para atang nadagdagan yung bundok niya sa tyan. Tapos yung dibdin niya lalong lumapad.. At mukhang mas masarap pa siya siguro ngayon kaysa noon..

"matunaw ako." taas kilay ko naman siyang hinarap.

"asa ka!! Pangit ng katawan mo akala mo naman sino. Damot." naglakad na ako pabalik sa kusina at umupo nalang ako kasi gutom na din ako. "kain na." sigaw ko nalang kay zel. Sinulyapan ko muna siya bago binalik yung mga mata sa ulam namin. Umupo na din siya sa harapan ko at nakaka ilang lang kasi nakikita ko yung maganda at mala pink niya nipple.

"bakit?" tanong niya.

"bakit din? Kain kan nga dyan. At ihahatid pa kita sa bahay nila rose." pang inis ko na sabi.

"sure ka?" tiningnan ko siya ng masama. Ng aasar talaga tong lalaking to sa akin. "cute mo talagang mag selos sweety." dagdag niya.

"sweety mo yang mukha mo." kumain nalang ako. Pero di ko talangang maiwasan yung mata ko na titigan yung dibdib niya. Ang sarap niya na siguro.

Ano ba tong isip ko. Fucos ka nalang sa pagkain mo girl at di yang ibang bagay ang inaatupag mo.

Sinulyapan ko muna yung mukha niya at wala nga siyang arte kasi kumakain nga talaga siya ng tuyo at udong na may sardinas. At malala pa ay naka kamay siya. Gusto ko mang pigilan yung tawa ko pero di kon kaya. Napatawa ako ng mahina pero agad ding nawala kasi nakatingin na pala siya sa akin.

Inikot ko yung mata ko at kumain nalang ng kumain..

"isa lang yung kama ko dito, saan ka mamatulog?" tanong ko sa kanya.

"tabi tayo." confident niyang sagot.

"wow ha!! Tabi talaga. Ano ka sinuswerte. Baka pagnasaan mo pa ako eh." tumawa naman siya sa sinabi ko. For real? Naka ilang tawa na siya ngayong araw na ito.

"seriously, baka ako pa yung gapangin mo eh." kapal talaga ng mukha ng lalaking to.

"kapal mo. Alam mo yun?" tanong ko sa kanya.

Zel Mendes[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon