Part20

319 7 0
                                    

(After 6 years)

Unice pov.

"Mommy kailan ka ba talaga babalik dito?" malungkot na tanong ni zi.

"baby, sa graduation mo." masayang sagot ko. Nakita ko yung ngiti sa labi ni zi.

"promise po yan mommy ah." ngumiti na din ako dahil sa subrang kakulitan ng baby ko.

"promise, cross my heart. Ako kaya yung mag sasabit ng mga medals mo." sambit ko nalang.

"yeahh, sige na po mommy mamaya nalang po ulit ah. Babye po i love you." nag flying kiss siya sa akin kaya nagpanggap akong nakuha ko yung flying kiss niya at saka tinapat sa labi ko yung palad ko.

"bye baby, i love you din. Ingat ka dyan always. At wag kang pasaway kila lola at lolo mo." paalala ko sa kanya.

Pinatay kona yung video call at saka nahiga sa kama ko.. Napapikit nalang ako dahil sa nangyari sa loob ng anim na taon.. Hanggang grade12 lang yung tinapos ko.

Di kona pinapagpatuloy ang pag kaka-collage kasi ang dami ko ng utang kila tita at tito. Nakakahiya nga kasi sila pa yung nag alaga sa akin habang pinag bubuntis ko si zi.

About naman kay zel wala parin kaming balita hanggang ngayon, nawalan na din ako ng pag-asang babalik pa siya. Kaya nag paalam na muna ako kila tita cora kung pwede ay uuwi muna ako dito sa probensiya namin. Iniwan ko muna si zi sa kanila kasi malulungkot daw sila pag sinama ko pa si zi. Si zi lang kasi yung nagpapangiti kila tito at tita..

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sakit na naramdaman ko. Oo masakit pa din yung pangyayari kahit matagal na. Parang fresh na fresh parin, walang gabing di ako miiyak at nalulungkot. Ni minsan naisip kung patayin yung sarili ko pero diko kaya kasi pinagbubuntis ko pa si zi noon.

Ayaw kung idamay yung inosenteng bata sa sakit na naramdaman ko. Habang tumatagal yung paghihintay ko sa bahay nila zel ay parang nawalan na ako nag pag asa. Walang txt or chat..

Dapat sana nag txt nalang siya sa amin kung saan siya para di na kami nag alala.

"ano ba naman ito. Iyak na naman!!! Move on kana girl. May asawa na yun for sure. At baka may anak na din siya." napabuga nalang ako ng hangin.. Di ko kasi na tupad yung pangako ko kay tita cora na hihintayin ko yung anak nila. Pero nakakapagod din palang mag hintay sa taong walang planong bumalik.

Last, last year pa akong umuwi dito sa probensiya namin. As usual ako na naman yung center of chismis. Pero wala naman akong paki alam sa kanila eh..

"inday!!!!" si aling lena itong sumigaw eh siya lang naman yung malakas ang boses dito sa baryo bamin eh.

Bumangon na muna ako bago pumunta sa pinto,

"oh, te lena. Unsa man?" ngiti kung tanong. Wala naman akong utang sa matandang to, ano kayang kailangan nito.

"na'ay nangita sa imuha(may nahahanap sayo)." kunot noo naman akong napatingin sa kanya.

"kinsa man(sino)?" sino kaya tong naghahanap daw sa akin. Baka sila acel nalang ito yung mga tropa ko noon.

"wala gani ko ka ila no. Basta naa siya sa dalan(hindi ko kilala, basta andoon sa daan)." naglakad na siya paalis papuntang daanan kaya sinundan ko lang siya pagtingin ko sa daan.... "kaila ka ana niya day? Gwapo kayo siya day no(kilala mo yan day ang gwapo no)." halos di ako makagalaw sa tinatayuan ko dahil sa subrang.... Sakit!! Subrang sakit!! Subrang sakit ng ginawa niya sa aking pag iwan sa amin ng anak ko.

Nakita kong naglakad na siya papalapit sa amin ni aling lena.. Pero bago pa siya tulayang makalapit at bago pa tulayang bumuhos ang luha ko ay iniwan kona siya sa daan at mabilis na tumakbo pabalik ng bahay. Narinig ko pa yung pag tawag sa akin ni aling lena pero wala akong paki. Bahala siya sa buhay niya.

Zel Mendes[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon