Unice pov.
lunch break na pero di parin ako kumakain kasi tinatapos ko pa tong tula ni sir zel kasi ayaw kong gawin sa bahay baka di ko pa magawa to dahil utos ng utos naman yung mag iina mamaya.
Bwisit kasi naka ilang ulit ako na ako dito sa tula na to pero di parin perfect meron talagang mali. Bobo mo talaga, nako na utak to bakit kasi di ako pinanganak na malusog yung utak.. Di naman sa ayaw ko ngayon sa sarili ko pero kasi wala talaga akong utak napaka bobita ko..
Pero laban lang na day. Kaya nimo ni para kay lolo!!
"para kay lolo." bulong na sabi ko sa sarili ko pag si lolo yung nasa isip ay mas magiging mamatag ako at matalino kahit di naman. Haha!!
Habang busy ako sa pagsusulat ay bigla nalang may naglagay sa aking arm chair ng isang pack lunch..
Pack lunch?
Pag-angat ko si kyle lang pala na seryosong nakatingin sa akin. Bakit niya ako binigyan ng pack lunch eh may baon naman ako.
"kumain kana muna mamaya muna tapusin baka mabiliw ka." seryosong sabi niya sabay upo sa tabi ko.
"eh, may baon naman ako at saka di pa naman ako gutom." napahawak ako sa tyan ko ng bigla itong nagwala.
"talaga?" yan nalang yung lumabas sa bibig niya dahil siguro narinig niya din yung pag ingay ng tyan ko..
Wala naman akong magawa kundi kainin yung binigay niya total bleesing naman to, nag thank you muna ako kay kyle syempre bago nilantakan yung binigay niya pack lunch nakakahiya kayang kung saka ka lang mag thank you kung ubos na diba?
Pagkatapos kung kumain ay pinagpatuloy kona yung ginagawa kung tula para maibigay kona ito kay sir kahit sabi niyang bukas pa yung dead line gusto ko kasing tapusin to ngayon para pag uwi ko mamaya wala na akong problema..
Nong uwian na ay nagpasama mona ako kay kyle kung saan yung office ni sir zel kasi di ko pa talaga kabisado tong school na to sa subrang laki sa totoo lang baka maligaw lang ako..
"pwede naman bukas mona yan ipasa bakit atat kang ipasa yan kay sir?" napaka seryoso talaga nitong si kyle sa buhay kahit sa pagsasalita wala man lang ka dala-dala yung bang ngingiti. Puro seryoso lang yung mukha niya..
Gwapo pa naman sana si kyle kasi di marunong ngumiti tong lalaking to sayang. Buti pa si sir zel kahit papaano ay nakuha niya pang ngumiti minsan.
"bakit ipabukas mo pa kung pwede namang ngayon diba?" tiningnan ko yung mukha niya kung meron bang reaksyon pero waley parin. Hay nako maaga talaga tong tatanda sayang pa naman yung mukha niyang gwapo.
Tinuro nalang sa akin ni kyle yung pinto ng office ni sir kasi di na daw siya sasama hihintayin niya nalang daw ako sa labas ng school, bahala siya umo-oo nalang ako sa kanya, ako naman ito nagdadalawang isip kung kakatok ba o hindi baka kasi busy si sir eh baka bukas ko nalang ipasa ito. Pero baka kasi mawala ko pa tanga pa naman ako minsan. Bahala na...
Kumatok muna ako ng tatlong beses at saka hinintay yung sagot niya sa katok ko.
"come in." english. Nako baka duguin tong ilong ko dito.
Dahan-dahan kung pinihit yung doorknob at saka sumilip sa loob nabigla naman si sir ng makita ako.
"ms. Suarez bakit? Pasok ka" pumasok naman ako dahil sabi naman niya eh.
"sir pasa kona sana tong tula na pinagawa niyo." lumapit ako sa kanya at saka ko binigay yung papel kung saan nakasulat yung love letter ko para kay sir- tula pala.
"ang aga naman, bukas mo nalang ibigay to ms. Suarez baka may gusto ka pang idagdag dito."
"ah, wala na po sir yan lang po yung nakayanan ng utak ko." tiningnan muna ni sir yung gawa ko sana naman walang mali yan kasi dumudugo na yung utak sa kaiisip kung ano ba talaga yang wika na yan. "sir pwede na po ba akong umalis?" tanong ko sa kanya.