Unice pov.
Ewan ko sa lalaking to ah, bigla nalang nag txt na magkikita daw kami sa labas ng school, pagkatapos ko kasing magbihis ay nabasa ko yung txt niya na andon na daw siya sa labas ng school at paglabas ko nga ay nakita ko sa di kalayuan ang kotse niya. Tumingin muna ako sa paligid bago pumasok, mahirap na marami pa namang studyante ngayon kasi kakatapos lang ng pageant..
"saan na naman tayo pupunta?" tanong ko. Di niya ako sinagot at binuhay na niya ang makina ng kotse niya..
Wala nag salita sa amin habang nasa byahe kami, napapansin ko din si zel na maya-maya napapatingin sa selpon niya. Meron kaya siyang problema?
Kanina po kasi na papansin yung pagka balisa niya. Napatahimik niya. Parang kailangan lang ang saya niya kanina habang nag picture-picture kami kasama nong mga studynate niya.
Napatingin ako sa labas ng huminto na yung kotse niya... Teka may niririnig akong hampas ng alon.. Tinanggal ko yung seatbelt ko at lumabas. Sumalubong sa akin ang lamig ng simoy ng hangin..
"sweety anong ginagawa nati dito?" tanong ko. Pero di parin siya nagsasalita.
Lumapit lang siya sa akin at hinawakan yung kamay ko. Naglakad kami sa isang madilim na parte ng dagat. Natakot tuloy ako.
"gusto ko lang makasama ka ngayon gabi." biglang sabi niya. Huminto siya sa paglalakad kaya napatingin ako unahan niya. Wait? May bahay pala dito? Inopen niya yung pinto at pumasok na siya sa loob, hinintay ko munang umilaw yung paligid bago pumasok.
"kaninong kubo to sweety? Baka pagalitan tayo dito ah." alalang sabi ko. Baka pala may nakatira dito tapos biglang dumating edi papagalitan kami. Or baka makulong kami kasi baka sabihin niya na akyat bahay kami.
"wag kang mag alala, isa to sa pag aari namin." sagot naman niya. Umupo na ako sa tabi niya. "ang galing mo kanina, at ang ganda." bulong niya sa tenga ko.
"salamat. Ikaw din naman ang gwapo mo kanina." papuri ko din sa kanya.
"sweety, kahit anong mangyari lagi mong iisipin na mahal na mahal kita." napatingin naman ako sa kanya kasi yung pagbigkas niya ng salita parang aalis siya na ewan..
"Oo naman, mahal na mahal din kita." di ko nalang inisip yung nararamdaman kung kakaiba sa kilos ni zel baka lang pagod siya.
"mahal na mahal kita kahit saan pa ako mapunta. Hindi-hindi kita malilimutan." si zel.
"alam mo ang O.A mo, kung makapag salita parang aalis ka." napanguso akong humarap sa kanya.
Hinalikan niya ako sa labi ng mabilis lang. Wag kayo dyan baka ano na yang nasa isip niyo ah.
"di ako aalis sa tabi mo. Nandito lang ako palagi. Kung gagawin ko man yun may dahilan naman ako kung bakit ako lalayo sayo." natatakot talaga ako, ewan ko lang kung bakit.
"di mo naman ako iiwan diba?" tanong ko sa kanya.
Tumingin ako sa mga mata niya, at ang ganda talaga ng mata niya pero may parang may mali. Di ko alam pero parang may lungkot sa mata niya.
"h-hindi." utal niyang sagot.
Bakit parang iba yung pinapakita niya sa akin ngayon di ako sanay sa zel na kasama ko ngayon. Ngumingiti siya pero di tulad dati. Yung ngiti niya kasi ngayon ay parang pilit lang...
"gusto mong maligo?" tanong niya sa akin. Bigla naman nag ningning ang mata ko. Matagal-tagal na din akong di nakakaligo ng dagat..
Sabay kaming lumabas ng kubo, grabe subrang sarap ng hangin sa labas..