Part6

324 8 0
                                    

Unice pov.

LUMIPAS ang ilang araw ay ganon parin yung routine ko. Pagsapit ng hapon ay dumidiretso na ako sa office ni sir mas naging malapit na nga ako kay sir at isa lang yung napapansin ko sa tuwing pupunta na ako sa office niya..

Masaya ako..

Minsan nakikita ko nalang yung sarili kong kinikilig habang nakatingin sa kawalan. Ewan ko nga kung ano ng nangyari sa akin.

Buang na siguro ko ani??!!

Siguro nga, about naman sa tita ko ay sinabi kona sa kanya na may trabaho na ako kaya minsan ay late na akong nakaka-uwi pag gabi. Yung cellphone ko naman ay tinatago ko nalang pag nasa bahay ako nila tita di ko ito nilalabas kasi baka makita pa ng ate sandy ko yun baka kunin niya pa ito. Dito ko na nga lang china-charge sa office ni sir eh.

Sila kyle naman ay di na ako sumasabay sa kanila pag uwi kasi gabi-gabi na akong umuuwi pero pag umaga naman ay sabay-sabay naman kaming pumapasok at minsan sumasabay na din ako sa kanila sa canteen kapag kumain kahit may baon ako buti nalang pwede kumain sa canteen kahit di ka mag order..

At ngayon araw na ito ay ang hinihintay namin, kasi ngayong araw kami maglalaro ng basketball naka bihis na nga kami si sir nalang yung hinahintay namin, nag warm up muna kami nag shooting-shooting, tapos pinaaalahanan din kami nila jay at klye kung anong gawin namin ang unang pumasok samin na lalaki sa first five ay si jay, bawal kasi ipagsabay yung dalawang lalaki at dapat yung lalaki din yung magbantay sa lalaking kalaban namin para maiwasan daw ang hipuan...

Nakakainis lang kasi may isang matangkad sa kalaban namin, may matangkad naman si ana pero di kasing tangkad sa kalaban.

Ng dumating si sir ay pinapunta niya kami sa gitna at isa lang ang masasabi ko ang gwapo niya sa sout niyang v-neck na black. Ito na naman yung puso ko bigla-bigla nalang lumalakas ang tibok pag nakikita si sir.

Concentrate girl!!

Ni refresh ko muna yung isip ko, saka nakinig na kay sir. Sinabi niya yung mga bawal..

"laro lang ito, walang pisikalan ok??!!" sigaw ni sir.

Nag 'yes sir' muna kami bago nakipag shake hands doon sa mga kalaban. Ito na kinabahan na ako pano kung matalo kami ngayon? Edi babye na akong 100 points..

Laban girl, di ka pinalaki ng lolo mong duwag. Nag usap muna kami ng team ko. Nag pray na muna din kami para naman mabawasan yung kaba sa puso namin.

"matalo man tayo o manalo wala tayong dapat pag sisihan kasi ginawa natin yung best natin. Ok bayun?" pangpalakas loob na sabi ni kyle sa amin. 

Tumango nalang kami bago kami pumunta sa gitna.

Lord guide niyo po kami.

Nag sign of cross muna ako sabay

Inhale, exhale...

Pumwesto na sa gitna si ana at yung matangkad na kaklase namin..

Nagpito muna si sir bago nila hinagis sa taas yung bola. At dahil matangkad yung babaeng kalaban namin ay dito niya sa gawi namin ni jen lumanding tung bola, dahil medyo di marunong si jen at natakot din siya na mataam ay agad na nakuha ko ito. Tumakbo ako papuntang ring namin at mabilis na pinasa kay jay yung bola.

Mabait naman si jen yung nag usap pa nga kami bago nag jump ball sabi niya takot daw siya sa mga ganitong laro. Bobo din ang isang to bakit niya sinabi sa akin mag kalaban kami mas lamang kami ngayon. Nakita kung pinasa ni jay ang bula kay shella dahil medyo tanga din yung bantay ni shella at nalusotan niya at...

Zel Mendes[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon