PTG19- Nararamdaman

111 5 0
                                    

"Ma'am okay na po ba?" Tanong sa akin ni Oman. Buhat buhat nilang dalawa ni Carlito ang mahabang picture frame.

"Kuya Carlito pakitaas po ng konti." Bilin ko sa kanya. Tinaas naman niya ng konti hanggang sa nakuha namin kung gaano ito kataas isabit sa dingding. Nag-thumbs up ako para ipako na ito. Ginawa naman nila agad. Pagkatapos ay umalis na agad sila. Pinagkrus ko ang aking kamay, sa laraawan a iyon ay maraming rason kung bakit ganyan kami sa larawan.

Nakaharap ako sa camera, we both look fierce in the picture. He locked his hands around my waist. Tyrion rested his chin on my shoulder blade, his breath on my ear. The picture taken on our wedding day. Nakadisplay siya mismo sa itaas kung saan kita mo pag tumaas ka ng hagdan.

"Alam mo Catriona mas nahuhumaling ako kay Sir Calyx. Unang kita ko pa lang sa kanya nabighani na niya ang puso ko. Pero medyo nakakaturn-off din yung issue sa kanya." Pagkukwento ni Mane. Nandito kami sa hardin. Kasama ko din ang ibang katulong na sila Josephina, Carlota, at Maria. Sina Carlota at Josephina ay magkapatid samantalang si Maria at Mane ay magpinsan tiya nilang dalawa si Aling Cora.

"Gwapo nga si Sir Calyx pero hindi ko alam na kaya niya palang gawin iyon. Ang balita ko ay tinutulungan siya ni Sir Tyrion na hanapin yung babae." Sabi naman ni Carlota habang may fries sa kanyang bibig.

"Baka sa takot niya natrauma na iyon kaya hindi na nagpapakita. Kahit magulang niyang doctor ay hindi na din nagpapakita. Masasabi ko lang magaling silang magtago." Gatong naman ni Josephina. She's right, baka sa takot niya hindi na siya nagpapakita. How tragic for the both of them. Hindi ko pa lubos na kilala masasabi ko lang naawa ako para sa kanilang dalawa. Kahit malaki ang pagkakasala ni Calyx hanggang ngayon hinahanap niya parin yung babae.

"Leave it in the hands of destiny. Someday , pagtatagpuin ng tadhana silang dalawa. Baka hanggang ngayon masakit parin sa kanilang dalawa. Who knows baka may munting anghel na babago sa pait ng nakaraan nilang dalawa." Sabat ko sa kanila. Tumanga-tango silang lahat sa sinabi ko.

"Diba Maria crush mo si Sir Austin?" tanong ni Mane kay Maria. Halos kasing pula na ng kamatis ang kanyang mukha ng tanyngin siya ni Mane. Ngumisi ako ng konti samantalang ang tatlo ay todo kantyaw kay Maria.

"Balita ko may babae na iyon, binata na ang crush mo. Pero ouchy wala ka na palang pag-asa sa kanya." pang-aasar sa kanya ni Mane. Ang nahihiyang mukha ay napalitan ng lungkot. "Alam mo Mane daig mo pa ang reporter sa dami na ng nasagap mong balita, daig mo pa ang chismosa ops sorry chismosa kadin pala." Balik asar sa kanya ni Carlota. Mas lalo akong napahalakhak sa sinabi niya. Nakakatawa silang panoorin. Binatuhan ni Mane si Carlota ng fries.

"Tumigil ka nga diyan, alam ko naman na hindi kami bagay. Ano naman laban ko mayaman siya ako mahirap. Ang mahihirap ay para lang sa mahihirap ang mga mayayaman ay para sa mayayaman. At saka crush lang iyon mawawala din itong puppy love ko kay Sir Austin." Matapang niyang sabat ay Mane na nagpatiklop ng bibig ni Mane.

Ganyan din ang perspektibo ko noong nakilala ko si Tyrion. Hindi kami bagay dahil sa layo ng eatado namin sa buhay. Pero kahit ganun nagustihan ko siya hindi sa pera niya kundi bilang isang Tyrion na seloso, mahiyain, edukado at mabait. Minsan ay hindi kami nagkakaitindihan pero naggigive-way na lang ako dahil in the first place wala akong karapatang sumabat.

"Saan mo nakuha yang word of wisdom mo?" manghang tanong ni Mane. "Dito oh." Tinaas ni Maria ang middle finger niya. Napatawa na lang ako sa asaran nila. Hindi ko alam na may ganitong ugaling mapang-asar si Mane.
.
"Magsipasok na kayo, nandito na sila Sir." Sabi ni Aling Cora sa amin.

Kumunot ang noo ko ng banggitin nila ang SILA ibig sabihin may kasamang iba si Tyrion. Malapit ng sumapit ang kadiliman. Hindi ko namalayan sa simpleng asaran at kwentihan ay aabutan kami ng dilim.

Playing Tyrion's Game (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon