PTG27- Her Past (4)

90 4 0
                                    

Hi chinners, sorry if mabagal akong mag-update ngayon dahil this week and also last week ay naging busy ako. Naghahabol ng requirements at exam week namin ngayon. Sorry chinners.... Enjoy your christmas break everyone. Stay safe. LOVEYOUALL

•○•○•○•○•○•

Tumingala  ako sa langit sa sobrang kalungkutan. Ipinikit ko  ang aking mata para dambahin ang patak ng ulan na nagbabadya sa aking katawan. Nakikisabay sa pag-agos ng aking mga luha. Mas okay na ito para hindi ako mapansin na umiiyak.  Biglang kumidlat ng malakas at mas lumakas ang ulan  pero pinagpatuloy ko paring laban ang lamig. Mariin akong napapikit at nakayakap  ng mahigpit sa aking katawan.

Ginamit ko ang natitira kong lakas para katukin ang pinto ng kanyang apartment. Nakakailang katok ako pero walang lumabas ni anino niya. Napakagat ako sa aking labi ng maramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin na nagpadagdag sa ginaw na nararamdaman ko. Parang may bagyo dahil sa lakas ng ulan at kidlat isama mo na din ang hangin. Sumasayaw ang sanga ng puno at iilang halaman sa lakas nito.

“Mikael.” Mahina at nangunginig  kong sambit.

Ilang minuto akong kumatok pero wala paring lumabas. Napatingin ako sa doorknob, nagtatalo ang isip ko kung pioihitin iyon. Pero sa huli ay nagdesisyon akong pihitin iyon. Kung sinuswerte nga naman, hindi namanpala nakalock ang doorknob. Nangingnig ang tuhod ko ng buksan ang pinto. Dahan-dahan akong oumasok sa kanyang apartment.

Madilim ang loob ng kanyang apartment ng makapasok ako. Kinapa ko ang switch sa gilid ng  pader. Eto ang ikatlong bisita ko sa kanyang apartment. Pagnagagalit si Papa dito ako tumatakbo upang pakalmahin ko ang sarili ko. Alam na ni Mikael na hindi na kami gaano nagkikibuan ni Papa. Simula nun siya na ang lagi kong gabay. Siya na yung nagpapasaya sa akin tuwing nalulungkot ako.

The eerie silence of his apartment sent chills on my spine. Hindi ko mapigilan matakot... takot ako sa dilim, iyon ang kinakatakutan ka sa lahat bukod kay papa. Nang mabuksan ko ang ilaw sa kanyang sala ay nagtungo ako sa kanyang kwarto. Baka tulog siya kaya hindi niya nabuksan ang pinto ng kumatok ako. Masarap pa naaman matulog kung ganito ang panahon.

Namiss ko si Mikael dahil dalawang araw ko ng hindi siya nakikita. Ang paalam nito ay may gagawing importante.

“Lice, bakit hindi na lang ako? Bakit si Ty pa?! Ako na lang please.” Nangunot ang noo ko ng marinig ang pagmamakaawa ni Mikael. Kuryoso ako sa aking narinig. Maingat kong binuksan ang pinto at nakakasigurado akong hindi ako makakagawa ng ingay. Sumilip ako sa siwang ng pinto.

Napanganga ako ng makitang nakaluhod si Mikael sa sahig sa harap mismo ng isang babae. Hindi ko maanigan mabuti ang kanyang mukha dahil hindi about ng lampshade ang ilaw nito sa kanyang mukha.

“Kael, how many times do I have to tell you na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa iyo?!” inis niyang sigaw kang Mikael.

“Lice, kahit kaibigan lang ang turing mo sa akin ginawa ko ang lahat ng paraan para lang mapasaakin ka pero FUCK laging si Tyrion na lang! Laging nakapokus ang mata mo sa kanya kaya hindi mo man lang nakikita lahat ng efforts ko!” He whispered softly, his voice cracking. “Ako laging sumasalo sa iyo tuwing sinasabi biya na hanggang kaibigan lang ang tungin niya sa iyo.!”

“That was a big lie. Tyrion is into me, so don’t push yourself to me dahil hindi kita gusto.”

Tumawa ng pagak si Mikael, “Hindi iyon kasinungalingan dahil iyon ang totoo!”.

“You don’t know  how my I jumped in triumph ng marinig kong wala siyang gusto. Sabi ko sa sarili ko eto na ang chance ko para mapasaakin. I’m madly inlove with you, Lice. So please I’m begging you this time, chose me intead of your own will. I will promise to you, mamahalin kita ng lubusan. Hihigitan ko ang pagmamahal na binuhos mo kay Tyrion.” Sabi niya. I bit my lowerlip because of the words came out on his damn fucking mouth.

“I will do everything to make you mine by hook or by crook.” He spat coldly.

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng marinig iyon sa kanya habang sinasabi sa babaeng nasa harapan niya.

“I will never be yours, Kael. My heart belongs to him. Not to anyone else.” Nagdadabog at naiinis niyang sabi kay Mikael. Habang nakalubog si mikael buong lakas niyang tinatanggal ang kamay na nakalulusot sa kanyang hita.

For the first time, nakita ko si Mikael na wasak na wasak at hhinanghina. Ganyan na ba ka-importante ang babaeng iyan para sumugod at magkaaway siya? Sana ako na lang iyong babae. Sana ako na lang ang mahal niya. Sana sa akin na lang siya magmakaawa. Sana….

The next thing I knew my world stopped and my heart, mind and everything of me stopped the moment he got up and attacked the girl with a kiss. Hindi ko  nakuhang gumalaw sa kinatatayuan ko at nangangatog ang mga tuhod ko. Naiiyak na ako, tinakpan ko ang aking bunganga para pigilan sa hikbing kakawala sa aking bibig.

Fuck! I’m mad dahil sa nakita ko at lalo na sa kanya pero mas galit ako sa sarili ko dahil mas pinili ko siya kesa sarili kong pamilya.

Bakit? Bakit ako pa? Bakit siya pa? Bakit ang pamilya ko pa? Bakut ngayon pa? Bakit dalawa pang sakut sa isang araw? Tang-inang bakit iyan!

Sa narinig ko sapat na iyon para matauhan ako sa pagmamahal na ito. Nakailang babala na si Papa na layuan ko siya pero marupok at mahal ko siya kaya hindi ko pinakinggan ang sarili kong pamilya. Punyetang utak ang meron ako mas pinairal ko ang puso ko kesa sa utak ko. Sabi nila matalino ako pero ngayon hindi ko ginamit ang katalinuhan ko.

Ang tigas ng ulo mo, Catriona! Ayan tuloy ang napapala mo! Hindi mo muna inisip ang magiging kinalabasan ng desisyon mo! Next time think before you take an action! Sa digmaan tali ka na agad dahil hindi ka nag-isip ng mgandang estratehiya para mapanalo mo ang laban pero ano? Sumugod ka na lang bigla dahil sa gusto mo! Sigaw ko sa aking sarili.


Panalo siya at ako talo, talong talo dahil mahal ko siya sobra…..

Akala ko siya na yung the one sa akin gaya ng kinukwento ng mama ko sa story book. Siya ang prinsipe na makailang nakaw na ng halik sa akin. Siya ang hero ko sa mga masasamang tao. Siya ang pinili ko para lang makaligtas sa taong tutol sa amin. Siya ang nagpapasaya sa akin. Siya ang the one ko pero nagkamali ata ako dahil siya ang sumira sa fairytale story namin.

Totoo lang pala ang sinabi lahat ni Papa na ginamit niya lang ako para maghiganti sa pamilya ko. Pamilya ko na wala namang kasalanan simula sapul. Nakuha niya na ang revenge na gusto niya pati na din ang puso ko kinuha niya na din. Nagtagumpay siya sa misyon niya, nagtagumpay siya na mahulig din ako sa bitag.

Gusto kong simigaw sa sakit dahil higit pa sa sobra ang sakit na nararamdaman  ko. Nabulag ako sa katotohanan .

I should accept that he is not my prince.

Tinipon ko ang natitirang lakas ko para makaalis sa impyernong ito. Tama ito isang impyerno na lang saan mo makikita ang katotohanan na nagkamali ka. Etong lugar na ito ay nasaksihan ang sakit na binigay nila. I hate him, I hate this place, and I hate my life.  Now, my existence in this world is futile.

Pumunta ako sa malapit simbahan. Siya na lang  ang meron ako at siya na lang ang mapapalitan ko.

Lumubog ako sa kanyang harapan. Wala akong pakialam kung mukhang kaawa-awa ako. Pinagsikop ko ang aking palad at pinilit ang aking mata.

Is this my karma for direspecting my family? Ang bilis naman ng karma ko. Wala pang 24 hours bigla na lang sumingit. Nawala na ang mga taong mahal ko sa aking piling. Two pain in a day. How can I did of this pain im feeling. Sana dahan-dahan lang muna kasi binigla mo naman. Papano na ako makakatayo  sa aking pagkakamali?


Father God, please stay beside me. Ikaw na  kang ang meron ako. Alam ko kahit nagkamali ako patatawarin mo pa rin ako dahil anak mo ako. Now, im trapped in the darkness with no escape. I lost inside walking alone with fear and shattered heart.  Please, kayo na po ang bahala sa akin kung papaano lumaban sa kadiliman.

Naalimpungatan ako sa sakit ng ulo ko. Parang pinupukpok ng libo-libong martilyo. I slowly open my eyes as light pours into my pupils. I sighned and massaged my head just to ease the pain im feeling. Umupo ako sa pagkakahiga.  Inilibot ko ang paningin ng kwarto, where am i? hindi pamilyar ang kwarto kung saan ako nakakulong.  Hinang hina ako bumangon para hawiin ang kurtina na tumatakip sa bintana.

Nailagay ko ang aking palad sa aking mata dahil sa liwanag. Maganda ang sikat ng araw hindi kagaya kagabi na ang pangit ng panahon. May nakita akong mga batang nagwawalis sa labas.  Ang saya nilang pagmasdan ganyan din ako noon nung kasama ko si Mama lagi kaming nagwawalis sa bakuran namin.

“Gising ka na pala, hija.” Napalingon ako kung saan nanggaling ang tinig.

Isang madre na nakatayo sa gilid ng pintuan. Lumapit siya sa lamesa na tabi ng kama na hinigian ko. Inilapag niya ang tray na may lamang pagkain. Sinenyasan niya akong maupo sa upuan na tabi niya. Sinunod ko ang utos niya kaya naupo ako sa upuan para makaharap ang pagkain na dala niya.

Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng Tshirt na suot ko, “Paano po ako nakarating dito?” magalang kong tanong sa kanya.

She touched my hair and tuck a strand behind my right ear. Hindi ko mapigilang mapapikit sa ginawa niya, biglang namiss tuloy si Tita Chia. Kumusta na kaya sila? Sana okay lang sila, ang tanga ko kasi kaya heto ako ngayon nasasaktan. She smiled ear to ear showing almost all of her perfect white teeth  and said,  “Anak, nasa simbahan kasi ako ng panahon na iyon. Nakita kita kung paano ka nanalangin sa Diyos. Aalis na sana ako kaso nakita kitang nahimatay kaya dinala kita muna dito sa bahay ampunan para alagaan kita dahil mataas ang iyong lagnat.”

Inabot ko ang libreng kamay niya at mahinang pinisil iyon, “Thank you, mother. Kung hindi dahil sa inyo patay na ako sa nginig at patay na rin po sana ako dahil sa pagtitipid na lagnat ko po.”

“Anak, anong problema bakit malungkot ka lalo na ang mata mong magaganda?”

Natahimik ako sa tanong niya. Napayuko ako ng ulo ng matandaanan ko ang aking problema. Napapikit ako ng maramdaman ko ang luhang nagsisiunahang tumulo.  I bit my lower lip to keep from crying out, and instantly tasted blood. My both shoulder is now shaking.

“Nagkamali po ako ng pinili, mother.” I said. Hindi din nagtagal ay kumawala na ang hukbo sa aking bunganga. I signed is getting heavier. I felt numb my whole body. Naramdaman ko na lang na kinulong ako sa isang mahigpit na yakap, yakap na dadamayan ka sa hirap.

“I choose him over my family, mother. That is the biggest mistake ive made in my entire life, mother. From now on, im existence is full of regret and sorrow making my heart tear. My papa warned me about HIM but I keep pushing the thought na hindi niya iyon magagawa dahil mahal niya ako.” Mahinang pagkukuwento ko. Pasalamat ako kay mother hinahayaan niya akong magkwento, “Since the day I confessed the love I felt towards him. Nakatatak na sa puso ko na siya na yung prinsipe na hinihintay ko. Gaya ng kinukwento ni Mama sa akin, kung paano  nahulog ang mga prinsesa sa kanilang prinsipe. Ang prinsipe na nagbigay sa kanila ng real first kiss. Ang prinsipe na naging tagapagligtas nila sa masasamang tao. Ganun na ganun po ang prinsipe ko pero niloko lang po pala ako, mother. Ang pagpili sa kanya ay isang masamang bangungot na gusto kong takbuhan.” Dagdag ko. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap kay mother. Hinang-hina na ako at pagod na din.

I wasted my life for him…

“Anak, gumising ka sa dahil eto ang reality. Kung saan ka magsisisi, makararanas ng sakit, at walang katapusang iyak ng mga tao. Nagkamali ka man pero patatawarin  ka pa rin niya dahil mahal ka niya at anak ka niya. Siguro may plano ang Diyos kaya binigyan ka niya ng napakalaking pagsubok. Nakararanas tayo ng sakit dahil may rason. Rason na naghihintay sa finish line. Pag natapos mo na ang pagtakbo at nakarating ka na doon. Doon mo makikita ang isang trophy na nagpapaalala sayo na tapos na yung sakit na dinanas mo sa pagtakbo.”

Isang linggo akong nanatili sa bahay ampunan. Nakararamdam ako ng sakit sa ginawa ko pero masaya ako dahil sa binibigay na mga ngiti ng bata. Tutal walang helper ay nagprisinta ako. Tinutulungan ko sa mga gawain ang mga madre. Ang bahay ampunan ang lungkot sa akin. Ang bahay ampunan ay ang ikalawa kong bahay. Nandiyan sila para damayan ako para pasayahin ako. Sa isip ko parang nagiging pabigat ako kaya  sinusuklian ko silang ng isang kasipagan at pagmamahal.

“Mother, alis na po ako.” Paalam ko kay mother flor

“Mag-ingat ka hija.” Aniya.

Lumuhod ako para yakapin ang mga batang malungkot ang tingin sa akin. Humagikhik ako dahil sa kanilang itsura, “Ang drama niyo! Papasok lang sa school si Ate.” Sabi ko sa kanila.

“Ate, totoo ba iyan? Baka po mamaya ay hindi na po kayo babalik.” Malungkot na wika ni Line

“True ate.” Sabat naman ni Noynoy.

Ginulo ko ang buhok ni Noynoy kaya inis niyang tinabig ang kamay ko, “Ate you sirasira of my buhok.” Inis niyang usal.

“Hoy, Presidente panot of this Orphange. Wag ka ngang magsalita nakakarindi akala mo ginagwapo mo ang pagiging conyo mo.”

We laughed and agreed, “Your conyo language is suck, beshiewap.” Sabi naman in Cess.

Noynoy rolled his eyes, “Amazing kaya.” Usal niya, “Hey Sunog I’m not gwapo because I’m maganda like ate Cat. So Tsupe.” 

Sumimangot si Fire, “Ikaw ang tsupe. Bake gusto mong matikman ang tigas ng muscles ko.” He said, He began to flex his muscles like a bodybuilder.

"Where is your glory muscles, Fire? All i can see is your....bone that flex in your skin." patol ni Cesar kaya mas lumakas ang tawa sa buong hallway.

"Cess is tama wala you muscles kaya dont bida-bida braso." maarteng sabi ni Noynoy.

Imbes na makitaan ko si Fire ng inis sa kanyang mukha ay nakitaan ko siya ng niyang ekspresyon may kasamang pangulo pa.

“Jusko mga bata malelate na ang ate niyo sa school niyo.” Napatawa ako ng sawayin sila ni Mother Lisa, “Ikaw naman Cat, dapat nakaalis kana medyo malayo din dito yung pinapasukan mo.” Parangal niya sa akin.

Napakamot ako sa akin bata at nahihiyang ngumiti sa kanila. Totoo ang sinabi ni Mother Lisa isang oras ang byahe dito mula sa school. Bumaling ako sa mga beta at binigyan sila ng matatamis na halik sa ulo.

“Babalik is ate kaya ngiti na okay.” Sabi ko ng makita ang malungkot nilang expression, “pag-uwi ko may pasalubong kayo sa akin.”

With that they jumped in joy. A simple statement makes them happy and they make me happy for being with them. I love this second family.

Ang mga bata ay nasanay na sa akin na lagi nila akong kapiling simula nung mapadpad ako dito. Kaya ganun na lang ang lungkot nil ng aalis ako. Aalis para mag-aral. I explained to them why I need to finish Senior High. Kailangan kong makapagtapos sahil simula ng nandito ako sa ampunan na realized kong kailangan kong tumayo as aking sariling para hindi yung lagi na lang akong aasa sa ibang tao.

Pagtapak ko ng school nagpapasalamat ako dahil walang kumakalat na balita tungkol sa pagliban ko ng ilang linggo. I don’t ang friends in this school. I don’t need that basta okay na sa akin yung may nakakausap ako kung may concern sila tungkol sa mga topic namin. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nagtatanong kung bakit hindi ako nakapasok dahil madaming requirements akong na miss. Graduating kaya tambak ng gawain.

“Nagkasakit ako kaya hindi ako nakapasok. Salamat sa concern.” Yun na lang ang nasasabi ko tuwing nagtatanong sila.

Naging maganda at abala kami ngayong araw. Hiningi ko lahat ang mga namiss kong requirements dahil valid ang reason ko ay binigyan nila ako ng pagkakataon upang makapagpasa. Ang natitira kong pera ay pinangbili ko ng pasalubong gaya ng pangako ko sa mga bata at pamasahe. Thankful to have them.

Paglabas ko ng gate ay nabigla ako ng makita si Tita Chia nakatayo mismo sa aking harapan. Gusto kong tumakas pero ng makita ko ang lungkot sa kanyang mata ay nanlambot ako bigla.

Without any words came out in my mouth I suddenly hugged  her tight and longing filled my soul. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking balikat kahit nakasuot ako ng manipis na blouse. The sweet, brave and strong Chia is gone. Minsan ko lang siya makitang umiyak. Hindi ko nadin mapigilan mahawa. Umiiyak kami habang mahigpit na nakayakap sa isat isa, “My baby, my Catriona….”




Playing Tyrion's Game (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon