CHAPTER TWENTY-TWO -Their Black Playmate

98 10 29
                                    


Nikka, exited the white room on the top of Academy's building. Kinuha ng mga nakalab gown ang contacts niya,  ang skin gloves at maging ang Code Name na nasa wrist niya.   

Kinuha rin ng mga ito ang lahat ng gamit. Maging ang bangle na galing kay Sasuke ay kinuha ng mga ito. She only had her clothes, black boots , black shorts and lousy white shirt.

She sighed.

They are prohibited to ask questions. She knew it happened because they defy the fourth rule of the game but she didn't know what would happen to them next.

Sinalubong naman agad siya ng  lalaking nakablue coat at pinusasan. 

" Nakahanda na ang lahat sa baba. Na notify na rin namin si Dr. Virus. You know your responsibilities,"

" Yes, Lieutenant," sabay na wika ng tatlong lalaki sa likod ko at nagsalute.

"You can go," - Liutenant.

She then, find herself inside  a carriage.

__________________________________

Two hours ago, I was so excited to go home. Now I'm trapped inside this carriage, feeling only numbness.

My gaze fixated on my wrist and I can't stop myself from caressing it. I got used to living as Nikka that it felt so empty without seeing my name tattooed on me.

Saan kami pupunta? Ano ang mangyayari sa'min?

I have a bad theory of what might happen. Yet it's so bad I can't bring myself to think of it again.

Para akong reyna sa sinaunang panahon ng Korea. Di ba nila alam na ang init dito sa loob? The carriage was covered with white cloth. I wanted to peep but I'm scared that it would add up to my offense. Nakakatrauma na.

Naririnig ko ang mga nakasunod na karwahe saken. Nakasunod din kaya saken ang karwahe ni Gusion?

Dalawang oras kaming bumibiyahe kaya sumasakit na ang likod ko. Katapusan ko na ba talaga? After the struggles I've been through, ito lang ang tatalo saken?

Two hours passed, three hours... four... five.... Nalaman kong gabi na dahil lumalamig na ang hangin at mas nagiging tahimik ang paligid.

Hindi ako natutulog dahil pinagmasdan ko ang paligid na dinaanan namin. Hindi ako nagrereklamo ng gutom dahil sanay akong mag skip ng breakfast and lunch dahil sa pagiging busy ko sa pag-aaral. Pero kumakain talaga ako every supper kaya hindi na'to pwede.

" Excuse me? Alam nyo ba ang salitang pagkain?"  tawag ko sa kanila.

" Naku po! Pasensya na. Hindi kami kumakain kapag may hinahatid kami. Nakalimutan ka namin," narinig kong sambit nung isa. "Truce,  pakibigyan nga ng pagkain yan."

Nakita ko kamay na nag-abot ng pagkain mula sa labas at tinanggap ito.

They are told not to talk to me so I decided not to bother them.

Pero kailangan kong makumpirma ang hinala ko.

" Totoo ba ang sinabi niyo saken? Totoo ba na mawawala lahat ng alala-ala ko sa Code Game?"

Natigil bigla ang karwahe.

" Ano? sinabi mo ba yun sa kanya Truce? You know the rules!"

" Bakit ako ang pinagbibintangan mo? We've been doing this countless times. Kailan ko ba pinaalam sa mga player ang katotohanan?" depensa ni Truce sa sarili.

" Alam mo namang pwede tayong tanggalin sa posisyon diba? We ____."

" Shit! Naisahan niya tayo."

Code Game Where stories live. Discover now