Devion fetched them and brought them to the place they call " their official white hall ", a three-storey crystal house they never thought existed. The top floor belongs to Commandent and no entry of any official is allowed . Their rooms are on the second floor while the groundfloor is where their U-shaped table is found, nadoon rin ang kitchen at sala." Welcome to your new meeting place. Feel at home white officials," bati ng babaeng naka green coat.
" Gusto ko ng umuwi. Ba't kailangan nating magstay sa hotel na'to? " nakabusangot na reklamo ni Gusion, though he was amazed of the place.
" Let's do everything today para maka-uwi na tayo," suhestyon ni Spongebob.
" Pero dapat 1 week, starting from now, muna bago tayo babalik sa normal lives natin," dagdag din ni Zeus na umupo na sa upuan niya.
Napatingin sila kay Commandment na malalim ang iniisip. They are anticipating his orders.
" We are going to start our meeting now. Close the doors," mungkahi nito sa mga naka green coat.
"Yes, Queen Commandment ," sambit naman ng mga ito at lumabas na.
" So, ano ng gagawin namin ngayon? " Gusion asked.
" Let's decide the name of our team first," - Commandment.
" Mas okay siguro kung isusulat natin sa papel at si Commandment na ang pipili," suhestyon ni Spongebob.
" Okay din para mas madali pero dapat siguro, mag votation tayo para mas democratic," dagdag ni Zeus.
" I'll give you five minutes then. Start now," seryosong sambit ni Commandment.
Kumuha agad sila ng ballpen at papel. Napatingin lahat kay Gusion ng bumungisngis ito.
" Para kang tyanak dyan," puna ni Zeus.
" Wala lang. Para kasi tayong nasa classroom eh. Haha."
" Siraulo. Sabi mo gusto mo ng umuwi?" - Spongebob.
"Oo. Pero__ ."
" 4 minutes and 45 seconds left ."
Pagkawika nun ni Commandment ay walang sali-salitang ginawa ng mga ito ang dapat gawin. Matamang napaisip ang mga officials at nagsusulat ng mga possible Team Names.
As Commandment was reviewing, he asked their reasons behind their chosen names.
" Bakit naman Zero? " tanong nito kay Damon na doon umupo sa pwesto ni Sasuke katabi ni Nikka.
" Zero is a powerful number. It is neutral thus, somehow resembles us. We are neither on Code Game's side nor against it ."
Tumango-tango lang ang ibang officials .
" Also, it appears weak but strong in nature. When you add, subtract or divide a number to zero, nothing happens. However, if you multiply a number to zero, however big it is, it goes back to zero. See? Zero neither win nor lose. It's indestructible," pagpapatuloy ni Damon.
" I like the concept. Yun bang, if they put or take away something to/from us , or they'll try to divide us, nothing will happen. We would remain who we truly are," dagdag ni Zeus.
" If they'll try to replicate us or use us for selfish gain, like what zero did in multiplication, instead of letting them accomplish their goals , we'll drag them down instead. That's awesome," puna ni Zeus.
" It sounds cool as well. No known number could replace zero. Game ako dito," komento ni Nikka.
Nang napatingin sila kay Gusion ay abot tenga ang ngiti nito, tumayo, inilagay ang daliri sa sintido at sumasayaw.