HWHP.21

858 28 1
                                        

Dedicated to all the readers in our Facebook Page: ACzAlnofficial (https://www.facebook.com/ACzAln/)

Chapter 21

Ilang minuto na ang lumipas simula ng tulugan ni Amelie si Steven.

They are having a video call, it's been an hour since they started. Steven doesn't feel sleepy at all that's why he's enjoying watching her wife snoring and hugging her pillow like a baby.

Naubos na ng asawa nya ang mga binili nya pero malayo pa sila sa kanilang pupuntahan.

Dalawang oras pa bago sila makarating sa pinaka dulo ng Pangasinan kung saan isasagawa ang medical mission nila. Habang ang hotel na uuwian nila ay nasa silangang bahagi pa ng Pangasinan.

Halos magkabilang dulo ang layo nuon sa lugar ng medical mission nila pero hindi nila iyon alintana dahil lahat ng gusto ay may paraan tayo nalang ay may problema kung hindi kayang solusyunan.

Isang katok sa pinto ang nakapag patigil kay Steven sa pag-iisip. Tinignan nya munang muli ang asawa bago binuksan ang pinto.

"Mr. King mayroon pong naglalako ng mga paninda na gustong umakyat sa bus. Papaakyatin po ba natin?" tanong sa kanya ng isa pang driver ng bus.

Tatlo ang bus na ginamit para magkasya lahat ng doktor, nurse, volunteers, at ng iba pang mga admin na nais tumulong sa mission nila.

"Wag na paakyatin sa mga bus. Pababain nalang muna saglit ang mga gustong bumili. Give them 5 minutes to buy what they want." sabi nya nalang dito at tumango namn ito.

Inanunsyo na ito ng driver at ang mga mabibilis na yabag na parang mga kabayo ang narinig nya.

Ibinalik nyang muli ang tingin sa asawa at nakitang wala na ito. Tanging ang unan na bigay nya nalang at ang upuan ng bus ang nakikita nya.

"Wife?"

"What the fuck!?"

Binuksan nya muli ang pinto at sinilip ang mga estudyanteng nasa labas.

At andun nga ang asawa nya. Huling huli sa akto kung paano nagtuturo sa mga paninda ng isang matandang babae.

Amelie smells something that makes her mouth salavate so bad. Nagising sya sa pagkakaidlip at mabilis na binuksan ang pinto.

Ang mga estudyante ay naguunahang makababa para lang makabili ng kung ano sa labas.

She saw a whole pot of nuts.

Mainit at halatang bagong luto ang mga nilagang mani na iyon.

Kinuha nya ang wallet nya at mabilis na lumabas papunta sa matandang babae na nag titinda nuon.

"Manang magkano po dyan?"

"Merong sampu, lima, at bente. Magkano ba ang gusto mo hija?" masyadong kokonti para sa kanya ang bente kaya namn tinignan nya ang mga supot ng ibang tindera.

"Sandali lang manang ah."

Lumapit sya sa isang tindera at nanghingi ng dalawang medyo may kalakihang plastik.

"Two hundred pesos po palagay nalang dito sa plastic Manang." ngiting ngiti pa sya sa matanda na hindi makapaniwala sa kanya.

"Sigurado ka ba dyan hija? Npakarami nuon, baka sakitan ka ng batok!" hindi makapaniwlaang sbai nito pero tinangu tanguan nya lang.

Nagsupot na ang matanda at nagpasalamat sa kanya ganun din sya dito.

Lumipat pa sya ng ibang tindera at ng makita nya ang siling green na nakabalot sa lumpia wrapper ay di na sya nagdalawang isip at bumili na agad.

His Wife, Her ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon