CHAPTER 1: Enrollment

265 5 0
                                    

Author's Note


Ang kwentong ito ay hango sa aking tunay na buhay. Lahat ng aking ilalahad sa storyang ito ay kwento tungkol sa aking naging makulay na pag ibig noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang. Ang kwento na mag papakilig at mag papasaya sainyo sa mga kaganapan na nangyari sa aking buhay pag-ibig. Ating tunghayan ang pag-ibig na umusbong mula sa isang pagkakaibigan, kabarkada, at pagiging mag kasintahan.






------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ako nga pala si Grei, 18 na taong gulang at kasalukuyang nasa kolehiyo sa kursong Hotel and Restaurant Management sa Unibersidad ng Baguio. Sabi nga nila, madami daw magaganda at gwapo sa department na to. Pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit ko kinuha ang kurso na ito. Mahilig ako mag luto. Passion ko nga sabi ko sa sarili ko at sa aking mga magulang. 

Highschool pa lang ako eh desidido na akong kumuha ng kursong ito. Actually gusto ko talaga ang culinary pero sabi nila mama eh mag HRM na lang ako tutal eh mas diverse yung course na yun pag dating sa makukuhang trabaho at kung gusto ko maging chef eh kukuha na lang ako ng Major in Culinary arts. Nasa third year na ako ng course ko at sobrang dami na naganap. 

"Kelangan ko kumuha ng full load units. Culinary 3, HMGMT6, BUSENG2, HSKPNG3. naku iba ha ang dami ko pala major subjects ngayon" Ang sabi ko sa sarili ko habang sinusulat ang mga ieenroll ko sa registrar na subjects.

"Hoy! Kanina ka pa jan? Anu na mga kukunin mong mga subjects? Patingin nga para kahit papaano eh magkaroon tayo ng schedule!" Ika ni Yeth na aking kaibigan at ka batch sa college. 

Isa siya sa barkada namin at sampu kami sa grupo. Ngayong enrollment day eh umaasa akong makita ko pa ang iba naming kabarkada para maikumpara ang mga ieenroll naming mga subjects at sa gayong paraan ay mag kakasama pa kami sa ibang mga subjects. 

"Naku pareho pala tayong may CULINARY3 at siyempre sinamahan ko si Edward kanina para mag enroll din!" Ika ni Yeth. 

"Huh? Si Edward? asan siya? Di mo siya kasama?" Ika ko.

"Heller, nakauwi na kaya. Nag mamadali nga eh at may pupuntahan daw." Ika ni yeth. 

"Ganun? eh nasaan yung iba? Di pa ba nag eenroll?" ako.

"Ay si Geng eh luluwas pa galing tarlac mamayang gabi. At si Eph at Glenn eh bukas pa daw mag papaenroll. Nasa boarding house si Edna at Unity. Tinext ko na sila at sinabi ko na mag kasama tayo! Dalian mo at papasyal pa tayo sa Boarding house!" Ika ni Yeth. 

"Ok ok! Atat ka eh noh! saglit lang. Kakarating ko pa lang dito sa school e" Ako. 

"Oh sige dalian mo ah. Tapos na ako ilista lahat ng subjects ko. Sana may mga open slots pa." Sagot naman ni Yeth.

Tumungo na siya sa registrar habang ako ay kinukupleto pa ang mga units na kukunin ko. Nang matapos ako ay tumungo na rin ako sa registrar para ienroll lahat ng aking mga subjects at sa kabutihang palad eh pasok lahat ang mga ito at nakuha ko lahat ng subjects para sa semester na ito. 

Nakakatuwang isipin na ang mga barkada ko ay may kanya kanyang katangian na swak na swak sa aming barkada. Anjan si Yeth na isa sa pinaka maingay na babae sa grupo namin. Kwela at kung makatawa eh wagas. Si Unity naman ang pocket book lover at si Eph ang tahimik sa umpisa ngunit kwela pag ka close ka niya.

 Anjan din si Edna, siya lang ata ang hindi HRM saamin. Nursing student siya pero dahil sa iisang boarding house ang tinutuluyan ng mga babaeng friends namin sa grupo eh naisali na siya sa pag kakaibigan namin at feeling niya HRM na rin siya. 

Andito din si Apple na taga Baguio kaya hindi siya nakatira sa boarding house ng barkada naming mga babae pero kasama siya sa aming pagkakaibigan. 

Para mabuo ang barkada namin, andito din si Glenn, ang lalakeng fashionista, si Ron na napaka seryoso sa buhay, Si William na Chef wannabe, at si Edward, ang artistahin at habulin ng chicks at mga bading sa University.

Matapos ako sa Registrar ay nag text na ako kay Yeth kung nasaan siya. 

Ako: Hoy! Asan ka na ba? Tapos na ako!

Yeth: Andito sa Kubo nag memeryenda. Kasama ko si Apol. Wait ka namin dito dalian mo!

Ako: Ok wait lang anjan na.

Ilang saglit pa ay nag tungo na ako kung nasaan sila Yeth at Apol. Tapat lang kasi ng University ang Kubo kung saan may maraming kainan at budget meals na tinitinda para sa mga estudyanteng tulad namin. 

Ang boarding house din ng mga babaeng barkada namin eh walking distance lang mula sa University at nag silbi na itong tamabayan ng barkada. Buti na lang mabait si Manang Caretaker. 

"Andito lang pala kayo. Penge nga ako ng kinakain mo at nagutom ako sa pag eenrol! haha!" Ika ko kay Yeth. 

"Anu ka! Bumili ka ng sa'yo noh! Patay gutom ka talaga hahaha!" Sagot naman ni Yeth.

"Uy Grei anu na? Patingin nga ng mga inenroll mo!" Sabat naman ni Apol. 

"Oh ayan. Check mo nga kung may pareho tayong subjects!" Ako. 

"Ay magkakasama tayo sa Culinary oh! Pati si Yeth at Edward magkakapareho tayo ng schedule sa Culinary3! Saya saya naman!" Ika ni Apol.

"Ay talaga? Di nga? Weh? Pati si Edward?" Ako. 

"Oo nga! Heto oh tignan mo pa!" Apol.

"Hay naku Grei napapansin ko matanung ka pag dating kay Edward ha? Type mo siya noh? Exclusive kasi ang dating niya sayo pag nababanggit namin ang pangalan niya hahaha!" Sambit ni Yeth.

"Ikaw Yeth issue ka. Duh! Si Edward tahimik yun. At hello. Di ako mag kakagusto dun noh. Sa kwela kong toh. Ni hindi nga nakiki ride on sa mga jokes ko eh. Puro na lang siya ngiti. No way. Di ako mag kakagusto dun ahaha wag kang ano jan!" Sagot ko. 

"Hay naku wag ka kasi pahalata. Tignan mo masyado kang affected ngayon para binibiro ka lang eh. Alam ko naman na maganda yang Girlfriend mo!" Ika ni Yeth. 

Alam naman ng barkada ko kung anu ang tunay kong sexualidad. Di ko naman tinatago sakanila ang pagiging Bisexual ko. Meron akong Girlfriend sa kasalukuyan na nag ngangalang Charm. Nursing ang course niya sa parehong University namin. Nakilala ko siya nung field trip namin sa Bicol at talaga namang maganda, maputi at matangkad. Pang model ika nga nila. Nag rereact ako pag nababanggit si Edward sa usapan lalo na at nalaman ko na mag kakapareho kami ng schedule sa culinary dahil sa lahat ng miyembro ng barkada namin eh sakanya ako medyo naiilang dahil sa pagiging tahimik niya at pagiging seryoso.

Bumili na ako ng sarili kong meryendang turon at green ice tea at umupo na katabi nila Yeth at Apol. "Sino yang katext mo Apol at parang busying busy ka naman jan!" Ika ko. 

"Etong si Edward katext ko. Papunta na daw dito." Sambit niya. 

"Ah ganun ba? Eh sabi ni Yeth nakauwi na ah?" Ika ko. 

"Oo nga daw pero papunta ulit dito sa town para kunin yung padala sakanyang pera ng Ate niya sa america para i full na ang tuition niya ngayon semester. Sabi ko andito tayong tatlo kaya pinapasunod ko siya dito" Sagot ni Apol.

"Ah ok ok. Eh diba pupunta pa tayo sa boarding house nila Yeth?" ako. 

"Oo nga at isasama na natin yang si Edward sa boarding house. Matutuwa si Eph at Unity. The more the merrier!!!" sabat ni Yeth.

"Oh malapit na daw siya dito sa kubo nag lalakad na papunta dito" Ika ni Apol.

Nag daan ang 5 minutong pag hihintay namin sa Kubo ay dumating na ang taong inaasahan namin. "Oh......Edward!"

Wala ng IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon