Chapter 16

4 2 0
                                    

Kristell POV

Isang buwan ang nakalipas

"Besh!!!!! Kamusta kana! Namiss kita!" Nagulat ako sa babaeng yumakap saakin bigla.

"Huh?" Naguluhan kong tanong.

"Opps! sorry na komatos ka nga pala. By the way ako si Ashley Tud" inilahad nya pa ang kamay nya.

"Ako si Sam-Kirstell" ngumiti ako sa kanya at tinanggap ko ang kamay nya.

"Alam mo ba nong highschool tayo? My gad! Ang wild mo kaya non tapos napaka ingay mo para kang sirang plaka! Jusko! Lagi kang napapa office tapos highblood lagi sayo si tanda" ganon ako dati? Grabe naman yun.

"Tapos nagalit ka noon kay Alayza dahil pinag kalat nyang meron kang bagong Jowabels! Galit na galit ka at bigla mo nalang sinugod" pag kukuwento nya.

Kasalukuyang kaming nasa dating school niyaya nya ako lumabas para makilala ko daw sya. Hindi ko alam na ganon pala ako noong highschool. WILD. Pero nagalit kaya saakin ang Mama ko? Si Mama Cara? Sana makaalala na ako. Ang hirap ng ganito. Tahimik sa gilid na parang takot sa tao. Kaylangan ko muna kausapin si Jayson itatalong  ko sa kanya ang lahat lahat.

"Gusto kona sanang umuwi sa bahay" nilingon nya ako.

"Sure! Baka hinahanap nadin ako ni mother ko" tumayo na kami at nag umpisa mag lakad.

"Kumain muna kaya tayo ng tanghalian? Sagot kona to" hinila nya ako sa Mcdo.

"Anong gusto mo?" Tanong nya habang nasa pila.

"Kagaya nalang ng sayo" tipid kong ngiti.

Dumating na ang order namin at nag umpisa na kaming kumain. Nang matapos ay nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang sa makarating sa kanyang sasakyan.

"Pede kabang mag dahan dahan sa pag mamanoho?" Sabi ko.

"Hehe na tatae kasi ako e" sabay utot nya.

"Ang dami mo kasing nakain" tawa ko.

"Buksan mo nalang yang bintana ng maka singaw ang sasakyan ko" sinunod ko sya.

Nakarating kami sa bahay ay agad kami sinalubong ni Jayson. Hindi na pumasok si Ashley dahil sasabog na daw ang tae nya.

"Jayson, pede mo bang sabihin kung sino ako pati na rin ang mga magulang ko?" Tanong ko noong gabi'ng nag ka  usap kami.

"Sige" aniya.

"Ako si Jayson Dela Cruz ako ang kasintahan mo noong highschool palang hanggang ngayon. Pag nag aaway tayo lagi kitang sinusuyo ng ice cream dahil iyon ang paborito mo. Pag galit ka sakin ay kay Tita Cara ka nag lalabas ng inanahin mo sa akin" seryoso nyang sabi.

"Dumating sa point na sinagot mo ako ng matamis mong Oo nong nag lahad ako ng singsing sa iyong harapan. Dahil sa gusto kong ikasal agad tayo dahil sa pagiging mag ka sintahan natin sa higit 13 year's. Nang sumakay ka sa sasakyan patungong simbahan at may nag hihintay sayo sa altar. Nawalan ng preno ang sinasakyan mo kaya bumungo kayo sa puno at tumama ang ulo mo sa matigas na bagay" naluluha syang sinabi.

"Sino si Carl sa buhay namin?" Tanong ko.

"Magiging kuya mona sya" pinahid nya ang luha.

"Kuya? Bakit?"

"Ikakasal na sila ng ate mo"

Ikakasal? Sya yung Justine sa panaginip ko. Sya yung Justine na mahal ko at mahal nya din ako sa...... Panaginip.

"Kelan sila ikakasal?" Naluluhang sabi ko.

"Sa November 7" pumatak ang mga luha ko.

Hindi ko akalain na ganito. Akala ko magkaibigan lang sila. Pero hindi pala. Ang sakit! Sobrang sakit!

"Dapat noong isang taon tayo ikakasal pero nang yari ang malaking problema ko. Nakuha kona ang lahat pero bakit parang kulang padin?" Natigilan ako.

"B-bakit namatay ang Papa ko?" Sana sagutin nya.

"Dahil tinambangan sila ng mga terorista" sagot nya.

"Aalis muna ako" tumayo ako at lumabas ng bahay.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto kong mapag isa! Ang bigat ng pakiramdam ko!

Dinala ako ng paa ko kung saan Sherwood na walang tao.

'Will you marry me, Mariel?'

'yes! Oo papakasalan kita!'

'Papa mahal na mahal kita! Wag kang bibitaw!'

'Telay, Mariel. Alagaan nyo ang Mama nyo. H'wag kayong maging pasaway. Mahal na mahal kayo ni Papa'

'little sister! Ikakasal na ako!'

Napahawak ako sa aking ulo na sumasakit. Naririnig ko nanaman!

"Bakit ako pa?! Bakit kaylangan ako yung nasasaktan! Pede bang ako naman yung sumaya!?" Sigaw ko ng malakas.

"Si Justine nasa panaginip ko at hindi sya totoo! Sapag gising ko nakita ko si Justine na si Carl pala at ikakasal na sila ng ate ko! Putang ina! Ang sakit! Gusto kong sumaya. Gusto kong maging masaya kahit minsan! Yun na lang bakit hindi mopa maibigay?!" Humagulhol na ako.

'Kiss mo ako dali! Para hindi na ako mag tampo! Dito lang naman sa pisnge ei!

'Baby! Ayoko! Ako nga yung nag tatampo e! Dapat ako ikiss mo. Dina kita bati'

'
Ayyy ang Baby ko nag tatampo! HAHAHA! Sige na nga ikaw na ikiss ko'

'Ang lambing mo talaga sakin Jayson!'

'Bakit walang Baby? Dapat Baby Jayson! Ano bayan nakaka turnoff ka!'

'Hehe, sorry na! Joke lang yun'

'Lika nga dito! Yayapin lang kita'

Siguro kaylangan kong ipag patulog ang pag mamahal pero sa magiging Asawa ko. Malapit ko ng maalala ang lahat. Malapit kona din syang mahalin. Totoo yung sinabi ng matanda sa panaginip ko. Ako yung Magigising. Ako din yung Mawawala sa panaginip ko. Kaylangan kong tanggapin kung ano ang totoo dahil kapag hindi ko tinanggap iyo. Patuloy akong masasaktan at makakasakit sa iba.

Babalik ako kung saan ako nag umpisa. Mag mamahal ako at iyon si Jayson.

Alam kong magiging masaya ako kay Jayson dahil nasakanya na ang lahat. Mayaman, pogi, mabait, mapag mahal.

Umuwi ako ng bahay namin na naaalala na ang kaonti sa mga memoryang nakalimutan ko.

"San ka galing ?" Tanong ni Jayson.

"Jayson may sasabihin ako" tinignan nya ako.

"Ano yon?"

"Naaalala kona ang kalahati. Naalala kona kung bakit ako ang pinili mo, at kung bakit kita minahal"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at hinalikan ng mariin.

_________

Ano pang pede panoorin? Comment nyo lang dito. Wag na mahiya. Labyoh muah!

Just A Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon