"Kailan tayo babalik sa Cavite?" Tanong ko.
"Sa isang linggo" si ate.
Sumapit ang gabi at dumating na din sila tito kasama si Brix ang isa kong pinsan.
"Kamusta naman ang pinsan kong maganda?" Pang aasar nya.
"Ok lang" malamig sa sabi ko.
"Sasama kaba mamaya?" Kulit.
"Saan ba?" Hindi ko parin sya tinitignan.
"May regla kaba? Bat ang sungit mo?" Tinitigan ko sya.
"Meron, gusto mo ipahid ko sa muka mo?" Pang iinsulto ko.
"Chill naman" sabay taas ng dalawa nyang kamay.
Tinalikiran ko sya at pumunta sa kusina para tulungan si Lola na ayusin ang kinainan namin.
"Sam pumarito ka't may ibibigay ako sa iyo" pumunta ako sa kanya.
"Ano po iyon?" Pag tataka ko.
Kinuha nya ang kamay ko"Itago mo iyan at alagaan. Iyan ang sumisimbulo na mahal ka namin ng Lolo mo. Hindi habang buhay ay makakasama mo kami" niyakap nya ako.
Napa luha ang aking mga mata at inantindi ang mga sinasabi nya. Tila ba nag papaalam na. Pero malakas pa sya diba? Sya nalang ang Lola kong buhay pa. Kaya hindi sya mamamatay.
"Nanay aalis na po kayo papuntang bayan" sabi ni tito Jin.
Tinanaw ko sya habang paakyat sa sasakyan patungong bayan. Ano kayang pahiwatig nya kung ganon? Bahala na basta pro-protektahan ko sila.
Dumating na ang panahon para bumalik kami sa Cavite. Sabi ni Mommy dun daw muna ako para makapag bigay sila ng oras saaming mag kakapatid pero na aawa din naman ako kay Justine. Wala syang kasama pag umuwi na sya sa appartment na tinutuluyan nya.
"Sam ilagay mo na ang gamit mo sa balsa at aalis na tayo" ani ni Daddy.
Tumango nalang ako at sinunod sya. Well wala naman akong magagawa dahil sya na ang nag utos.
"Ate tara na aalis na daw. Mag paalam kana kay Lolo at Lola" sabi ko at tumalikod na.
Pumunta ako sa puwesto kung saan naka upo si Lola at upupo sa tabi nya.
"Lola, magingat po kayo dito ha" sabay halik ko sa pisnge nya.
"Ay kabait namang bata nito" niyapos nya ako.
"I love you Lola" sabay kalas sa pag kakayakap.
Nag paalam na din kami kay Lolo na aalis na sinabi nya na mag ingat kami sa aming distinasyon na pupuntahan.
Nang makarating kami sa bayan ay sumakay kami ng van papuntang airport. Niligay ko ang headphone sa aking tenga at natulog.
Justine's POV.
"Ma, aalis na po ako" sabi ko at nag mano sa kanya.
Kasalukuyang uuwi na ako ng appartment dahil alam kong ngayon uuwi si Sam. Bat nga ba ako sabik na sabik sa kanya? Inaamin ko. Matagal kona syang gusto. Simula nong first year highschool palang ako.
Sumakay ako sa jeep papunta sa palengke dahil bibili ako ang lulutuin ko mamaya. Mag luluto ako ng Adobo na paborito nya.
Umuwi ako sa appartment at nag bihis para mag luto. Nag suot ako ng sandong puti at naka boxer na red para maaliwalas sa katawan.
"Dadating pa kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko nang 11:23 ng gabi ay wala pa sya.
Nagugutom na din ang mga dragon sa tiyan ko. Kumain na ako dahil parang nag hihintay ako sa wala. Parang gusto kong itapon nalang ang ulam na niluto ko para sa kanya. Naligo ako at nag bihis na para presko ang katawan ko sa pag tulog. Tinignan ko ang selpon ko at kahit isa ay wala manlang syang text o kahit tawag man lang. Humiga ako at natulog na.
Samantha's POV.
Bukas nalang ako pupunta kay Justine. Sana ay kanina pero hindi ako pinayagan nila Mommy at Daddy kaya no choice kung di manahimik sa bahay.
Kinabukasan ay agad akong bumangon para maligo at mag bihis dahil pupunta ako kay Justine. Siguradong galit yon dahil hindi ako nag sabi sa kanyan na uuwi ako sa appartment nya. Nyayon ako babawi.
"Daddy aalis ako mamaya at sa isang lingo na ako babalik dito" sabi ko.
"Saan kanaman pupunta?" Seryosong tanong ni ate.
"Sa kaybigan lang" sabay subo ko ng kanin na may kasamang ulam.
"Baka makipag sex kalang" sabi ni kuya.
Napaubo ako sa sinabi nya.
"Hindi ah! Mabait naman si Justine! Hindi sya ganong lalaki! Duh!" Sigaw ko sa kanya.
"Tama na yan at baka kung saan pa mapunta iyang giitan nyo" si Mommy.
Nang natapos kaming kumain ay inayos ko na ang mga gamit ko dahil maya maya ay aalis na ako.
"Kuya ihatid mo ako" sabi ko.
"Sige Osang" pang iinis nya nanaman.
Osang ang palayaw ko. Bakit? May angal ka?
Hindi ko nalang sya pinansin at kinuha kona agad ang mga gamit ko.
"Mom,Dad alis na ako. I love you" sabay halik sa kanilang pisngi.
Umandar na ang sasakyan na minamaneho ni kuya. "Bat hindi mo ginamit yung motor mo?" Tanong nya.
"Kuya tanga kaba? Wala kayang Gas! Bobo neto. Aandar bayun ng walang Gas?" Sabay sapo ko sa ulo ko.
"HAHAHA sorry naman" hagalpak nya.
Nang makarating kami sa appartment ay bumaba agad ako at nag paalam kay kuya. Umakyat ako sa taas patungo sa tutuluyan namin at binuksan ko ang pinto. Nag iinom si Justine at nakaka labing dalawa na syang bote.
"Bat ka nag iinom?" Panimula ko.
"Bat ka nandito?" Pabalik nyang tanong.
"Hello! Nakabalik na ako tapos ganyan ka sasalubong saakin? Abay punyeta!" Sermon ko.
"Bakit ikaw? Hindi ka manlang nag sabi saakin na hindi makakauwi kahapon diba? Tapos wala kang text o tawag manlang kahit isa!" Sigaw nya den.
"Hindi kona sinabi dahil hindi ako makakapunta dito! Dahil hindi ako pinayagan!"
"Sayang yung niluto ko para sayo! Tapos nag hintay ako sa wala?" Sabi nya.
Nag luto sya? Nag hintay sya? OMG! Ang sama ko!!!!
"Sorry hindi ko alam na pupunta ka dito. Pasensya na ha,Godbless" sabay lapit ko sa kanya.
"Godbless?" Kunot noo nya.
Kinuha ko ang baso nya may lamang alak "Tama na ngayan. Nandito na ako oh"ani ko.
Nagulat ako dahil biglanya akong niyakap ng mahigpit.
"Wag kana umalis,dito kanalang. Ayokong mawala ka" ano kayang pinag sasabi neto?
"Tumayo kana nga jan! Matulog ka muna doon sa kama" sabay inalalayan ko sya papuntang higaan.
________________________________
Opsss! Alam nyo naba ang mangyayari? Comment nyo dito. Siguro naman alam nyo nayon diba? Thankyou sa vote and sa read. Godbless sainyo! Muapss!
BINABASA MO ANG
Just A Dream (COMPLETED)
Novela JuvenilKaya mo bang tanggapin nasa pag mulat mo ay ibang tao ang makikita mo at hindi ang nasa panaginip mo? At kaya mo bang mahalin ang taong hindi mo maalala dahil sa isang aksidente na ng yare. Ano kaya ang kahihinatnan ng buhay nya? Nag umpisa: 10-31-2...