Dumating na ang takdang oras ng kasiyahan ni ate. Ngayon din ang araw na ikakasal na sya sa taong mahal nya.
"Jayson, gumising kana" sabi ko noong bumangon ako para maagang makapag ayos.
"Hmmmm" ungol nya.
"Bumangon kana jan at mag ayos ng sarili" tinapik ko ang muka nya.
Naalala kona ang lahat. Kung paano kami nag kakilala at kung paano ko sya minahal.
"Baby pa kiss ako" bigla nya akong hinalikan habang nag seselpon.
"Ayan! Ayan! Ang harot mo" pinahid ko yung halik nya.
"Bakit mo pinahid yung halik ko?! Isa pa! Pakiss ulet!" Hinalikan nya ulit ako.
"Ano ba?!" Iniwas ko ang muka ko.
"Baby naman. Please na! Isang kiss lang e" sabay nyuso nya.
Kaya pinayagan ko nalang syang halikan ako sa labi dahil na ngungulit sya. Lagi kaming ganyan dahil ang kulit nya. Pero kahit na ganyang sya mahal na mahal ko yan!
"Baby, anong iniisip mo?" Sabay yumakap saakin sa likod at pinatong ang baba nya sa balikat ko.
"Wala naman" ngumiti ako sa kanya.
"Iniisip mo lang ako dahil ang pogi ko e! Sige na aminin mona" ngumuso naman sya.
Ewan ko ba dito sa lalaking to! Lawyer sya pero sa korte lang seryoso! Tapos sakin para syang baby.
"Maligo kana. Ma huhuli tayo sa kasal ni ate" sabi ko.
"Sige Baby" sabay halik nya saakin.
Habang naliligo sya at inaayos kona ang damit namin. Ako ang bride's mate ni ate at si jayson naman ang grom's mate. Lumabas ng banyo si Jayson kaya ako naman ang naligo. Natapos ako sa paliligo at nadatnan ko syang nag luluto ng agahan pero naka bihis na.
"Baby kakain muna tayo" inilagay nya ang plato sa lamesa.
Umupo ako sa upuhan sa harap ng lamesa. Namangha naman ako sa niluto nya. Adobong manok. Naparami naman ang kain ko dahil paborito ko iyon.
"Dahan dahan naman Baby" awat nya.
"Ayoko ko na. Busog na ako" pinahid ko ang mga amos ko.
Natapos kaming kumain ay umalis na kami sa bahay. Pupunta na kami sa simbahan dahil ayos naman na ako. Dumating kami sa simbahan at nakita ko silang malaki ang ngiti habang sinalubong kami. Nakita namin si Carl na bihis na kaya nilapitan namin sya.
"Congrats men" nag yakapan silang dalawa.
"Kinakabahan ako men" sambit ni Carl.
"H'wag kang kabahan dahil ito na ang pinaka masayang araw mo sa buong buhay mo. Kaya dapat ngiti lang" sabi naman ni Jayson.
"Sige. Salamat men" si Carl.
"Anong oras yung kasal Carl?" Tanong ko naman.
"12:00 ang umpisa" sagot nya.
"Sige pupuwesto na kami. Congrats ulet" ngitian ko sya.
"Salamat" ngumiti sya.
Sa wakas ay naka dating na si ate Mariel sa simbahan kaya umayos na kami ng puwesto. Ka partner ko si Jayson. Kapartner naman ni mama Cara si ate dahil sya ang mag hahatid kay ate sa harap ng altar.
Pumasok na si Carl at sumunod naman kami at ang iba pa. Nang matapos kaming makapuwesto ay bumukas ang pintuan ng simbahan at si mama at si ate ang nakita nakin doon.
Heart, beats, fast, colors and promises how to be brave how can i love when afraid?
Nag tuloy tuloy ang kanta habang papalapit sya kay Carl. Malaki ang ngisi ni ate habang inaabot ni mama ang kamay ni ate kay Carl.
"Sayo na nyang anak ko. Ingatan mo yan ha! Ilagaan mo din yan" sambit ni mama.
"Sige po tita" si Carl.
"Mama na ngayon ang itatawag ko saakin" sabay umalis si mama sa hanapan nilang dalawa para makapag umpisa na ang kasalan.
Natapos ang kasal kaya pumunta na kami sa reception para kumain.
"Kristell ikaw sumambot ng bulaklak ha" si ate.
"Sige ate" ngumiti ako.
Naupo si ate at Carl sa gitna at tumapat sa kanila ang ilaw.
"Kristell Vergara" tawag saakin para mag bigay ng minsahe kay ate.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang mikropono.
"Ate eto na yung pangarap mo na ikasal sa lalaking pinaka mamahal mo. Sayang wala na si Papa siguro masayang masaya sya ngayon. Pero kahit wala sya dito tuwang tuwa yon dahil ikinasal kana. Sana kahit anong sakit ang pag dadaanan nyong dalawa nandito lang kami ni mama para sayo. At ikaw kuya Carl. Kapatid na rin kita kaya ingatan mo si ate. Lagaan mo sya kahit na maarte yan" nag tawanan ang mga tao" im so happy rin na ikaw ang naging asawa ni ate. Congrats" yumakap ako sa kanilang dalawa.
Dumating na ang oras na ihahagis na ni ate ang kanyang bulaklak kaya pumunta kaming lahat sa gitna. Inihagis ni ate ang kanyang bulaklak at ang naka salo noon ay AKO.
"Whaaaass! Ikaw na ang next telay!" Irit ni ate.
Tumalikod ako at laking gulat ko ng makitang naka luhod sa harap ko si Jayson na may dalang singsing.
"Baby, naudlot man noong isang taon kaya ito muli ako sa harapan mo" napa hawak nalang ako sa bibig ko.
"Will you marry me?"
"Yes, i will marry you" niyakap nya ko sya.
Nag hiyawan ang mga tao. Sobrang saya ko dahil sa wakas matutuloy na din ang kasal namin. Wala ng hahadlang, walang kokontra. Salamat sa panginoon at binigay nya saakin si Jayson.
"Kay tagal nag dasal na mapasakin ka, ngayon ay sinagot mona ako. Dahil pag sinabi kong mahal kita kaya kong gawin yon hindi lang salita. Sapagkat ikaw ang nais kong luhuran at suotan ng singsing sa harap ng altar" pinag tagpo namin ang aming mga labi.
"Ehem! Mukang may mauuna pa saamin mag honeymoon" parinig ni ate kaya nag tawanan ang mga tao.
______
BINABASA MO ANG
Just A Dream (COMPLETED)
Teen FictionKaya mo bang tanggapin nasa pag mulat mo ay ibang tao ang makikita mo at hindi ang nasa panaginip mo? At kaya mo bang mahalin ang taong hindi mo maalala dahil sa isang aksidente na ng yare. Ano kaya ang kahihinatnan ng buhay nya? Nag umpisa: 10-31-2...