Samantha's POV
Ang gulo naman nila! Si Justine? Panaginip ko lang? My gad! Totoo sya! Baka naman sila ang nag kakamali?
"Unti-unti kong ipapaalala sayo ang nakaraan natin" sabi ni Jayson.
Hindi ko na sya kinibo at natulog nalang ako.
Pagka gising ko ay nilingon ko agad si Jayson pero wala na sya doon sa puwesto nya kagabi. Napansin ko ang lalayanan ng pagkain sa lamesa kasama ang sulat.
"Babalik ako, may pinuntahan lang ako. Kumain kana. I love you'
-jayson
Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa noon si Cara na Mama ko daw.
"Anak kumain kana. May inasikaso lang si Jayson na kaso" sabi ni Cara.
"Sige po" sagot ko naman.
Kinain ko ang nasa lamesa at pag tapos ay nilikom nya iyon.
"Nasan po si Justine?" Tanong ko.
"Hindi totoo si Justine iha. Panaginip mo lang sya" sabi nya habang nililigpit ang mga pinggan.
Hindi sya totoo? Panaginip ko lang sya? Ang gulo!!!
Kinausap kami ng doktor na pede na daw ako ilabas kasi maayos naman na daw ako pera babalik na din daw ang alaala ko pag lipas ng tatlong buwan.
"Sumakay kana sa likod ng kotse Kritell" malamig na tugon ni Jayson.
Sumakay naman ako pero bigla nalang sumakit ang ulo ko. Napa hawak ako sa ulo ko.
'Nawalan ng preno ang sasakyan! Kumapit kayo miss Kristell!'
Ang sigaw na iyon.....
Lumapit agad sa akin si Jayson"Ayos kalang?" Nag aalala nyang tanong.
"A-ayos lang ako" unti ng nawala ang sakit.
Nakarating kami sa condo ni Jayson. Dahan dahan akong bumaba sa sasakyan nya. Pinagmasdan ko ang kanyang condo na parang pamilyar saakin.
'Baby! Ano ba? Kumain kana kaya!'
Napa pikit nalang ako sa narinig ko. Inalalayan ako ni Jayson na tumaas sa condo nya. Binuksan nya ang silid at tumambad doon ang malinis at mabangong amoy na halatang nakakapag pagaan ng pakiramdam.
"Ilan ang kuwarto rito?" Tanong ko.
"Apat, hindi muna ako tatabi sayo matulog, marahil gusto kong maka pag pahinga ka ng maalwan" ngitin nyang sabi.
"Sige pasok na ako sa kuwarto" kinuha ko ang mga damit ko at inilagay ko ng maayos sa lalagyanan.
'Baby gusto ko kambal ang magiging anak natin ha!'
'Sige! Pero bago yan mag pakasal muna tayo. Kasi ayoko ng hindi tayo kasal'
'Ayieeee! Ang kyut mo jan. Pa kiss nga ako sa Baby girl ko'
'Mabaho pa ako! Mamaya nalang Baby HAHAHA'
Bakit may naririnig akong ganon?
Hapon na ng natapos ako sa pag aayos ng mga damit ko. Niyaya ako kumain ni Jayson sa labas pero tinanggihan ko iyon. Gusto kong maalala kung bakit at saan kami nag umpisa. Pero handa na nga ba akong tanggapin sa sarili ko na paniginip lang yung at walang katotohanan?
Napalingon ako sa pinto at nakita ko doon si Jayson "Telay, may bisita ka" malamig nyang banggit.
Bisita? Sino naman kaya yun? Teka nga't matignan.
Lumabas ako ng kuwarto at nagulat ako ng may yumakap saakin na babae na siguro ay 20's lang.
"Kristell! Omo finaly gising kana!" Gulat ko syang tinignan.
"A-ate Mariel wala pa syang maaalala" banggit ni Jayson.
Pilit ang ngiting binigay nya saakin sabay kumawa sa pag kayakap at ibinuka ang dalwang daliri na parang nag sosorry.
"Hmmm, sino ka?" Tanong ko.
"Ako si Mariel Vergara. Ako ang kapatid mo" ngiting-ngiti nyang sabi.
Marahan akong tumango at pilit na ngiti. Gusto ko ng umalis doon para maligo para makapag pahinga na pero ayokong maging bastos sa bisita.
"Kamusta ka Kristell?" Mayamaya ay tanong ni ate Mariel.
"Ok lang. Maayos na ako" ngiti kong banggit.
"Sabi ng doktor h'wag muna daw pwersahin ang pag papaalala sa kanya pati narin ang nakaraan" si Jayson.
"Hmm gusto kona sana mag pahinga" paalam ko.
"Sure mag pahinga kana" sabi ni ate Mariel at tumango naman si Jayson.
Dumarecho ako sa kuwarto para maligo at matulog. Inayos ko muna ang isusuot ko. Natapos akong maligo ay nag bihis na ako bago tuyuin ang buhok ko at matulog.
Jayson's POV
Ang sakit. Napaka sakit na iniiwasan ka nya at ilag sya sayo dahil sa ng yari. Wala din syang kakibo kibo at hindi man lang nag sasalita kung hindi mo tatanungin.
"Naging ilag sya sa mga tao. Hindi rin sya pala ngiti katulad dati" naka yuko kong sabi.
"Oo nga. Siguro dahil sa aksidente kaya na coma sya" sabi ni Mariel.
"Alam mo ba na Justine ang tawag nya kay Carl noong sya muna ang pinagbantay ko dahil inayos ko yung case ng kliyente ko"
"Justine? Bakit naman Justine ang tawag nya kay Carl?" Tanong nya.
"Siguro yun kamuka ni Carl sa panaginip nya. Pero na sasaktan ako dahil hindi nya ako kilala" malungkot kong banggit.
"Nga pala. Iniba ko ang date ng kasal ko at mas lalo ko pang pinadali. Kaya sa November 7 ang kasal ko" kinikilig nyang sinabi.
"Atat na atat ka naman ata ma dutdut? Gustong gusto mona din ata mabuntis" tawa kong sabi.
"Hayyy nako! Gusto kona nga bukas agad e! Alam mo yun? Yung pa fuck na fuck kana? HAHAHAHA!" Bastos talaga.
"Buti nalang at mag ka iba kayo ng kapatid mo. Ikaw? 27 year old na tapos ganyan parin ka bastos ang dila mo?" Diniinan ko ang salita ko.
"By the way. Alis na ako dahil baka hinayanap na ako ni mother earth. Kita kits sa Lunes" kumaway sya at lumabas ng pinto.
Naiwan akong nata tulala doon at mag isa. Kaylangan kong ipaalala sa kanya bukas kahit na umpisahan ko sa simula kung saan kami nag ka kilala.
Tumayo na ako at sinilip ko kung tulog na sya at hindi ako nabigo dahil mapayapa syang nag papahinga. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko ang ulo nya.
"Goodnight. I love you"
Pumasok na ako sa kabilang kuwarto dahil ayoko muna sya tabihan dahil baka mailang sya. Kaya ako na ang nagkusa.
Natapos akong maligo ay nag bihis na ako at natulog.
__________
Kung may problema kayo sa buhay pedeng pede nyo akong kausapin sa:Twitter:NovemberAlone
Instagram:Jhaninanana
Facebook: Jhanina fhaye Geverola
![](https://img.wattpad.com/cover/240557345-288-k284584.jpg)
BINABASA MO ANG
Just A Dream (COMPLETED)
Novela JuvenilKaya mo bang tanggapin nasa pag mulat mo ay ibang tao ang makikita mo at hindi ang nasa panaginip mo? At kaya mo bang mahalin ang taong hindi mo maalala dahil sa isang aksidente na ng yare. Ano kaya ang kahihinatnan ng buhay nya? Nag umpisa: 10-31-2...