Papatayin ko sila kapag nasaktan ang pamilya ko. Mag uumpisa na ang delubyo.
Tinawag ko si Ken "Ihanda ang mga kailangan" sabay patay ko.
Umuwi ako ng bahay at nadatnan ko ang mga tama ng balir sa bintana pati sa mga tauhan na nag babantay. Puno ng dugo ang garahe ng bahay at wala ng hangin ang mga gulong ng sasakyan.
Mautak kayo ha? Pero mas mautak padin ako. Kala nyo ba yan lang ang sasakyan ko? Mga BOBO! meron pa.
Umakyat ako sa kuwarto para mag palit ng damit na itim. Doon ko nalabg susuotin. Kinuha ko din ang susi ng motor ko na R3 para mas mabilis akong makarating don.
Pag dating ko dumarecho ako sa C-R para mag palit ng damit na itim chaka nag suot din ako ng bonet na itim para hindi ako makilala. Itinali ko sa binti ko ang lalagyanan ko ng baril. Inilagay kona din ang kutsilyo sa sapatos ko at pag katapos ay lumabas na ako.
"Sumakay na kayo sa kotse nyo. Siguraduhing malilugtas natin sila ng maayos. Jade mag pa iwan ka para may mag bantay sa ospital" sabi ko at sumakat na sa motor ko.
"Sige Sam. Pero mag papasama ako ng isa kong tauhan para may lead kayo sa kinaroroonan nila" sabi ni jade at tina nguan ko nalang.
Sinoot ko ang helmet ko at sinimulan ng umandar. Nauuna ang sasaktan nila Ken sumunod ang sila Deng, Keifer, Kendrick na naka kotse. Nasa likod naman ako ni Kendick.
Lumipat ako ng kabilang linya ng kalsada para maunahan ko ang tatlo para maging pangalawa. Sinundan ko si Ken hangang makarating kami sa lungga nila.
Bumaba ako ng motor at tinanggal ang helmet. Kinuha ko ang isang baril sa compartment ng motor ko. Nilagyan ko silencer ang dulo noon para walang makarinig at ganon din sila. Pumasok kami sa gate na makinis. Inakyat yon ni Kevin. Pumasok kami isa isa na tahimik.
Pinaputukan ko agad ang nag tangkang bumunot ng baril."Ang tinik mo talaga Sam" sabi ni Kevin.
"Walang maingay aakyat ako sa bubong. Pasukin nyo ang pintong iyon. At ikaw Keifer isama mo ang mga tauhan mona kumilos patungo sa likod" sabi ko at umakyat sa hamba ng isang pintuan paakyat sa taas.
Agad akong gumulong nang may namataan akong isang tauhan. Pinutukan ko sya sa tiyan at hindi na sya nakasigaw pa. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Sumilip muna ako para tignan kung merong tao. Hindi ako nabigo dahil meron ngang tatlong tauhan. Inasinta ko muna ang pag papatama ng baril ko sa mga katawan nila.
Nang umaliw ang dalawang tauhan at isa nalang ang naiwan ay pinatamaan ko siya at natumba naman sya. Lalabas na sana ako ang pintuan ng may tumama saaking ulo na matigas na bagay at doon na nag dilim ang paningin ko.
Justine's POV
Nagising at tumambad saakin si mama na naka ubob saaking higaan. Pero bakit ako nandito? Naalala ko na may van na humarang saamin at nag pa putok ng baril.
Si Samantha
"M-mama, saan si Sam? Ok lang ba siya?" Nagising si mama.
"Anak gising kana! Umuwi muna si Samantha para makapag pahinga-" naputol ang sasabihin nya nang may pumasok na babae.
"Huwag muna kayong lumabas dito. Lalo kana Justine dahil yun ang utos ni Samantha" sabi nya.
"Nasan si Samantha?" Tanong ko.
"Gumagawa ng delubyo" simpleng sagot nya.
"Hindi kita maintindihan" sabi ko.
"Nilooban sila Samantha at dinukot ang mga magulang nya. Kaya mahigpit na pinag babawal nya na walang lalabas kaya ako nandito" sabay upo nya.
BINABASA MO ANG
Just A Dream (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsKaya mo bang tanggapin nasa pag mulat mo ay ibang tao ang makikita mo at hindi ang nasa panaginip mo? At kaya mo bang mahalin ang taong hindi mo maalala dahil sa isang aksidente na ng yare. Ano kaya ang kahihinatnan ng buhay nya? Nag umpisa: 10-31-2...