Chapter 14

5 2 0
                                    

Someone's POV

Umalis ako nang ospital dahil uuwi muna ako sa bahay kaya si Carl muna ang pinag bantay ko kay Kristell habang nakahimlay.

"Jayson, mahal na mahal kita" sabi nya at idinikit ang ilong nya sa ilong ko.

"Mahal na mahal din kita kristell. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa ilalim ng asul na kalangitan" hinalikan ko sya ng mariin.

Sana gumising na sya para matupad namin ang mga pangarap namin tulad bg mag ka anak. Kahit yun lang sa aking kaarawan.

Nang pauwi na ako sa condo ay may nakita akong matandang babae na papatawid sa kalsada. Nilalipitan ko sya para tulungan.

"Lola tulungan kona po kayo" binitbit ko ang basket na dala nya.

"Kumapit po kayo sa kamay ko" ginawa nya naman iyon.

Nakatawid na kami sa kabilang kalsada at nailang ang dahil kanina pa sya naka tingin saakin.

"Malapit na, pag dating ng iyong kaarawan. Malapit na ding mabuhay ang patay mong puso" kinuha nya ang mga dala kong basket.

Huh?

11:34 na nang natapos akong magbihis at maligo. Nailagay ko nadin ang ibang mga gamit ko sa bag dahil pupunta na ako sa ospital.


Kristell's POV

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Napa lingon ako sa lalaking naka titigsaakin. Si Justine.



"Justine" tawag ko sa kanya pero tila ba'y nag tataka sya.

"Justine may masakit ba sayo?" Kunot parin ang noo nya.

Gusto kong tanggalin ang mga nasa saksak sa katawan ko at yakapin sya ng mahigpit.

"Kristell? Gising kana" sabi nya at may kinuha sa bulsa nya.

"Kristell? Hindi ako si Kristell. Justine ako to. Si Samantha" di nya ako kilala?



Inilagay nya sa tenganya abg kanyang selpon "Hello? Jayson! Gising na si Kristell" natarantang sabi nya.

Jayson? Sino yun? Wala naman akong tauhan na Jayson. At wala din akong kilalang Jayson.

"Justine sino si Jayson?" Hindi nya ako pinansin dahil lumabas sya para mag tawag ng nurse at doktor.

"May masakit po ba sa inyo?" Tanong ng doktor.

"Wala naman. Pero bakit wala akong nararamdaman na masakit sa likod? Diba nabaril ako ni Chua?" Nag ka tinginan silang lahat.

Nakakapag taka.

"Justine hindi moba sinabi sa kanila?" Tanong ko.

"Huh?" Sagot nya.

"Bakit hindi nyo ako maintindihan?" Biglang may pumasok sa pintuan.


"Kristell!!" Niyakap agad akong lalaking hindi ko naman kilala.

"Hindi ako si Kristell" nakunot ang noo nya.

"Hmmm sir Jayson pede ko ba kayong maka usap?" Sabi nong doktor.

Just A Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon