Chapter 13

8 4 0
                                    

"M-mommy mo ang iligtas mo Sam" pilit nyang pinapalakas ang boses nya.


"Hindi pede! Kayong dalawang ang ililigtas ko" lumuha nanaman ako.


"Alam kong hindi ako naging mabuting ama sa inyo. Hindi ako naging perpektong magulang. Sorry Samantha. Iligtas mo ang Mom mo" nauutal siya.



"Sorry Anak. Tandaan mona mahal na mahal kayo ni Daddy. Magiging okay lang ako kung mabubuhay ang Mommy mo at magiging masaya. Tandaan nyo ang bilin ko" umiiyak na si Dad.


"Dad hindi pede kaylanga  mabuhay kayo. Hindi kakayanin ni Mommy na wala kayo sa tabi nya. Dad please" nag susumamo na ako.



"Pag wala na ako. Alagaan nyo ang mommy mo, pasayahin nyo sya habang wala ako dahil kayo ang magiging lakas nya. Mahal na mahal ko kayo"



Humarap ako kay Chua
"Ano masaya kana? Makukuha mona ang gusto mo? Ako nalang! Wag na sila" sabi ko.



"Kung iyan ang gusto mo. Sige susndin ko. Pero bago ma mamatay papahirapan muna kita" hayop!


Tumingin ako kay Dad at Mom tumulo ang luha ko habang pinag mamasdan silang tinatanggalan ng tali ang paa at kamay.



"Mom,Dad. Magingat kayo. Ako na ang bahala. Mom mag paka lakas ka. Dad para sa inyo ito, para hindi na kayo mahirapan" sinuot ang aking kamay sa tali kung saan tinali si Mommy.


"No!" Sigaw ni Mom.

"Mom im so sorry. Pero kaylangan nyo pang mabuhay. Mag kikita pa naman tayo sa kabilang buhay Mom. Ililigtas ko kayo at para sa inyo ito" lumuhod ako na sahig na mabasa basa.


"Hawakan nyo ang dalawang iyan! At kayong dalawa pag masdan nyo ang pag hihirap ng Anak nyo!" Si Chua.

Pumuwesto si Chua sa harapan ng muka ko hawak-hawak ang pang laptik.

"Ahhhhhhh!!!!!" Sigaw ko ng ihambalos nya sa leeg ko iyon.

"Samantha!" Sigaw ni Mom at Dad.


Inulet nya ulet inyon hangang sa dumugo ang aking leeg. Pinatayo nya ako at itinali ang kamay ko sa likod. At doon ako pinag papalo sa alak-alakan.

"Maawa ka please! Hindi ko kakayanin kapag nawala ang Anak ko!" Si Daddy.


"Pumikit kayo! Wag kayong tumingin sakin Dad!" Sigaw ko.


Patuloy parin sya sa pag hampas saakin. Gusto kong lumaban ngunit hindi kaya ng katawan ko ang mga latigo nya sa katawan ko. Parang gusto kong sumuko nalamang pero itataya ko ang buhay ko para sa pamilya ko.



Bumukas ang pintuan at iniluea noon ang mga kasamahan ko. Parang nabuhayan ako ng loob. Nakita ko ang isang kutsilyo sa sahig at pasimpleng pinulot iyon. Nang makawala ako sa pag katali ay pinunasan ko ang dugong umagos sa aking leeg.


Justine's POV

Nakatulog si mama at dahan dahan akong bumangon para hindi nya mamalsyan na kumikilos ako.

'Gumising kana. Mahal din kita Justine'

Tandang tanda kopa at na rinig kong sinabi nyang mahal nya din ako.



Tinanggal ko ang mga nakakabit sa aking katawan at nagpalit na parang mukang bumisita lang sa kamag anak. Lumabas ako at pumara ng sasakyan patungo sa sinabi noong babar kanina. Lumabas ako ng kuwarto at wala na doon ang babae.




Tinuro ko ang lugar na pupuntahan ko "Sigurado kaba? Jan ang punta mo? Gabing gabi na?" Tanong saakin noong nag mamaneho.


"Opo dito po. Salamat ho" inabot ko iyong bayad.



Kahit na masakit ang opera sa akin ay pinikit kong puntahan sya. Narinig kong may nag babarilan kaya sinundan ko ang putok ng baril kung saan nag mula. Nakarating ako sa abandonadong bahay.

Pinasok ko iyon at nakita ko ang kapatid ni Sam na nakahiga sa sahig na parang pagod na pagod. Nilapitan ko si Renz.



"Renz halika tumayo ka jan" binuhat ko sya.

"Iligtas mo si Sam parang awa mona" binigyan nya ako ng baril.

Pumasok ako sa isang pintuan at nakita ko ang nanay ni Sam na nakayapos sa kanyang asawa habang umiiyak. Tinigna ko si Samantha na pinipilit tumayo habang ang mga kakampi nya ay nakikipag barilan.





Nakita ako ng isang armadong lalaki at humugot agad ng baril ngunit na unahan ko sya.

Samantha's POV




Kami nalang ni Chua ang nakatayo dahil ang nga tauhan ko ay patay na at ganon din naman ang kanya.


"Handa kana ba?" Tinapon nya ang kanyang hawak na baril at kinuha ang kutsilyong naka saksak sa katawan ng tauhan nya.


"Kaya moba ako?" Inayos ko ang pag hawak ko sa kutsilyo.


Sinugod nya ako pero naka ilag ako. Siniko ko ang kanyang ulo dahilan para maliyo ito at mabitawan ang kutsilyo nya tapos ay tumalsik iyon sa malayo. Tinadyakan ko din ang kanyang paa para mawalan sya ng balanse at sumubsob sa sahig.

Tinignan ko ang puwesto nila Mom at Dad pero wala na sila doon siguro ay inilabas na sila ng mga tauhan ko.

Tumayo si Chua at sinalubong ko ang kanyang mga suntok. Hindi ako nakanilag kaya natamaan ang ang aking pisnge at napa upo ako. Napatingin ako sa pintuan at nakita kong hawak ng isang tauhan nya si Justine. Nanlaki ang mata ko.


"Justine!" Sigaw ko.



Inapakan ni Chua ang noo ko at pana galaw galaw nya ang sapatos nya doon. Kinapitan ko ang kanyang isang paa at inangan para maihagis ang kanyang paa. Napa ubo ako tapos may nakita ako baril na malapit sa kamay ko. Ginapang ko iyon habang si Chua ay iniinda ang sakit.




Nilingon ko si Jusine na nilalabanan ang tauhan ni Chua.

Tumayo ako ay itinuntong ang isang paa kahit na masakit ay pinilit ko padin. Nanghihina na sya kaya hindi kona pintagal pa ay pinutok kona ang baril.



"Justine!" Lumingon sya saakin sabay hiinagis ko ang baril sa kanya. Pinaputokan nya din iyon.


Lumapit sya at niyakap ako ng mahigpit "Hindi ko kakayanin pag napahamak ka"



"Justine mahal na mahal kita. Ngayon ko lang na intindihan kung bakit mahal kita" hinawakan ko ang pisnge nya at mariin syang hinalikan.


May tumama sa aking masakit na bagay dahilan para maramdaman ko ang pagod.


"Samantha!" Sigaw nya ng paunti unti akong bumagsak.


Binaril nya si Chua dahil sya ang bumaril sa akin.

"Wag kang bibitaw please! Mahal na mahal kita" tumulo ang luha nya.



"Im sorry. Pagod na pagod na ako  Justine. Gusto kona lang matulog habang buhay. Kaya sana payagan mona ako. Tama na sigurong nailigtas ko ang pamilya ko at tapos na ang lahat" lumabas sa aking bibig abg dugo.


"Sam, pano naman ako? Mahal na mahal kita!"


"Im sorry. Mahal na mahal din kita pero hanggang dito nalang ata ako. Paalam" tuluyan akong napa pikit.


"Susunod ako sayo. Pangako." Naramdaman ko pang hinalikan nya ang noo ko pag katapos ay wala na akong maramdaman.



__________________

Sorry sa late UD! Buys lang sa party ko kahapon dahil kaarawan ko. Pasensya na po! Labeyoh! Muah! Wag na galit plss. Next Chapter maiintundihwn nyo na!!







Just A Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon