Kristell's POV.
Sinundo ako ni ate Mariel dahil sasamahan ko daw sya sa pamimili ng kanyang gown na gagamitin sa kasal nya. Nag paalam din naman ako kay Jayson na aalis ako kasama si ate kaya okay lang daw.
"Ano kayang magandang gown?" Si ate.
"Ayun oh" tinuro ko ang isang puting gown na maganda at may kurba na bagay na bagay sa kanya.
Lumapit sya doon at hinawakan iyon.
"Hmmm ang ganda! Tamang tama sa hugis ng katawan ko" malakas na sabi nya.
"Ma'am gusto nyo po bang isukat?" Tanong ng sales lady saamin.
"Sige miss!" Umalis ang sales lady para maisukat ni ate ang gown.
"Telay halika pumili ka din ng sayo bili!" Hinili nya ako sa mga gown.
"Ate hindi pa naman ako ikakasal e" pilit kong kumawala sa kanyang kamay.
"Ano bayan! Mag sukat ka lang! Malay mo ikasal na kayo!" Sigaw nya.
"Ate naman" napa hawak nalang ako sa noo ko.
Dumating ang sales lady bitbit ang gown. Kinuha naman agad iyon ni ate at pumunta sa loob ng isang kuwarto. Mayamaya pa ay lumabas si ate na malaki ang ngisi sa kanyang labi. Lumakad sya papunta saakin at umikot ikot pa.
"Omg!!! Ang ganda ko dito!! Char!"
Yun ang dream gown ko. Yun ang gusto kong isuot noong bata ako. Yun ang pangarap kong isuot sa harap ng altar kasama abg aking mapapangawa.
"Ang ganda mo ate" biro ko.
"Ano ba! Ako lang to! Wag kana mahiya mag papicture saakin!" Ngumuso nguso pa sya.
"Hehe" hehe.
"Mizz kukunin kona to dahil saktong sakto sa katawan ko. My ghashhh im so happy" arte.
Nang matapos kami sa pamimili ng gown ay dumarecho kami sa Walter Mart dahil may bibilhin daw sya ng pasalubong. Ang arte nya kase.
"Pag tapos natin dito ay dadaan tayo ng 7/11 dahil ako ay bibili ng beer" kumindat pa sya.
Bumuntong hininga nalang ako at sinundan sya sa bilihan ng mga pang baby damit. Kinuha nya ang mag ka pares na sapatos ng baby. Dinampot ko din ang mag kapares.
"Eto ang regalo ko kay Carl" kumendeng kendeng pa sya.
"Ang liit naman nyan" nag patuloy ako sa pag titingin ng mga pang baby na sapatos.
"Hindi mo ba gets?" Tinignan ko sya kasabay ng pag irap nya saakin.
"Hindi" hehe.
"Buntis ako" natigilan ako.
"A-ano? Paki-ulit nga ate" nabingi ata ako.
"Buntis ako. Magiging mommy na ako at magiging daddy na si Carl" pag uulit nya.
"Alam nya na ba?" Sabi ko.
"Hindi pa. Mamaya kona sasabihin" ngumiti ang maarte.
"Congrats ate" niyapos ko sya kahit nahihirapan ako humginga.
"Thankyou Kristell" niyakap nya din ako pabalik.
"Tara na ate. May pupuntahan kapa diba?" Anyaya ko.
"Sige babayaran ko lang to" tumalikod sya para mag bayad.
Hinintay ko sya sa labas. Dumating din sa wakas si ate at pumasok na sa kotse.
"Wag na pala tayo dumaan sa 7/11 dahil napapagod na ako chaka baka kung anong mangyari sa baby namin" sumang ayon ako.
Dumating kami sa bahay nila ate at nadatnan namin doon si Carl na liligo sa poll nila.
"Carl! May ibibigay ako sayo" umahon naman sya doon at kitang kita kung gaano sya kakisig kaya umiwas ako ng tingin.
"Ano yon" umpisa nya.
Kinuha ni ate ang dalwang parrs ng sapatos para sa baby at binigay kay Carl.
"Ano naman gagawin ko dito?" Naguguluhan sya.
"Hindi mo din mag gets?" Tumataas ang boses ni ate.
"Y-you mean..... Buntis ka?" Nanlaki ang mata nya.
"Yes! Im going to be mommy!" Tili ni ate.
"I-im going t-to be daddy?!" Hindi sya makapaniwalwa.
"Yes nga!"
Nag yakapan silang dalawa habang ako ay nakatayo lang doon at tinitigan sila. Gusto ko'ng umuwi na!
"Ate uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Jayson"
"Ihahatid kana ni Carl" sambit ni ate.
"Hindi na. H'wag na ate kaya ko naman" nginitian ko sya.
"Sure ka ha?!" Tumango ako.
"Bye ate. Bye Carl" kinawayan kona sila at lumabas ng gate.
Minsan ang daming tanong sa isip natin kung bakit tayo nasasaktan? Kasi umaasa tayo sa mga bagay na wala nama'ng kasigaraduhan, nag hintay tayo sa nakaraang hindi na pedeng balikan at nag mamahal tayo ng tao'ng hindi naman tayo kayang panindigan. Minsan naiisip ko pano kung totoo yung panaginip ko at kasama ko si Justine. Magiging masaya ba ako? Magbabago ba ang takbo ng istorya ko? Mag babago ba ang lahat? Pero.... Paano kung hindi ako naaksidente? May anak naba ako? May masayang pamilya? Kasama kona ang mahal kong asawa? Sabi nila. Sa buhay ng isang tao masasaktan,sasaya,malukungkot. Pero pag naging malungkot ka mayamaya ay sasaya kana.
Nakarating ako ng condo ni Jayson ay agad nya akong sinalubong ng yakap nya.
"I miss you baby" hinalikan nya pa ang ulo ko.
"Kamusta ang trabaho mo?" Tanong ko.
"Ok lang baby. Medyo napagod ako dahil sa mga kasong hinahawakan ko ngayon pero nawala na yung pagod ko dahil nakita kita" sinubsob nya ang kanyang muka sa leeg ko.
"Wala ka namang pasok ngayon e" tumingin sya saakin.
"Baby na tra-trabahon din kaya ako dito sa bahay" ngumuso sya.
"2:53 na pala ng hapon" sabi ko nung naka tingin ang sa orasan.
"Oo nga baby. Halika dito muna tayo sa kuwarto" kinunutan ko sya ng noo.
"Ayan ka nanaman ha!" Sigaw ko.
"Joke lang baby! Hindi ka naman mabiro" niyapos nya ulit ako.
"Miss na miss mo ako" hinila nya ako sa sofa at dinaganan.
"Dahil na miss kita. Dito ka lang" ngisi pa sya.
"Tumigil ka nga! Mag papalit muna ako ng damit" dumarecho ako sa kuwarto at sumunod naman sya.
"Wag kana mag palit" ayan nanaman sya.
"Ayan ka nanaman ha" sabay pasok ko sa banyo at nag simula magligo ulit.
Pag ka labas ko ng banyo ay nadatnan ko syang nakahiga sa kama tapos naka hubad ang pang itaas kaya kitang kita ang ABS nya.
"Come here baby" tinapik nya ang tabi nya.
Ipinakita ko ang kamao kong naka handa na sa pag suntok habang sya ay tumatawa.
_____________
Sorry po. May ginawa lang importante kaya hindi nakapag Update.
Twitter:NovemberAlone
Instagram:Jhaninanana
BINABASA MO ANG
Just A Dream (COMPLETED)
Teen FictionKaya mo bang tanggapin nasa pag mulat mo ay ibang tao ang makikita mo at hindi ang nasa panaginip mo? At kaya mo bang mahalin ang taong hindi mo maalala dahil sa isang aksidente na ng yare. Ano kaya ang kahihinatnan ng buhay nya? Nag umpisa: 10-31-2...