N
" Sam hindi mo ba sinabi kay Justine na birthday mo sa saturday?" Tanong ni kuya.
Hindi kona kaylangan ipaalam sa kanya na birthday ko. Baket? Kaano ano ko ba sya? Tsk.
" Hmmmm hindi" sabi ko na nanguya parin.
" Umakyat ka pala sa kuwarto ko Sam may ibibigay ako" ngiti ni ate.
Ano naman kaya yun? Baka bomba? Joke. Hindi naman sigiro no? Sana hindi sya nagalit sakin dahil na ospital sya. Nang natapos kami kumain ay pinaayos na ni mommy ang pinag kainan naming lima.
Umakyat ako sa kuwarto ni ate dahil may sasabihin daw sya saakin. Bunuksan ko ang pinto ng kuwarto nya at bumungad saakin ang isang malaking box.
" Ano yan ate?" Tanong ko.
" Maagang regalo para sayo. Alam ko namang gustong gusto mo ito kaya binili ko" sabi nya at ibinigay saakin ang kahon.
Bunuksan ko iyon at meron pang isang kahon. Napatingin ako kay ate pero sabi nya ituloy mo lang. Kaya tinuloy ko hanggang sa paliit na ng paliit ang kahon. Ano ba kase toh? Pinapahirapan pa ako e! Binuksan ko ang pinaka maliit na kahon at bumungad doon ang isang papel na para sa bahay.
" Ate ano to? Bat lote ito ng bahay mo?" Jusko po.
" Hindi kona yan bahay. Diba cancel na yung kasal ko? Kaya ibibigay ko nayan sayo bilang regalo" halos lumundag ako sa tuwa ng malaman ko iyon.
Agad ko syang niyakap at doon bumuhos ang aking luha nag pasalamat din ako sa kanya ng sobra.
" Ayan na! Diba yan ang hiling mo bago ka mag 23? Kaya ayan binigyan na kita" sabi nya at umiiyak na din.
" Salamat ate! Sobrang laki ng regalo mo sakin! Thankyou ng sobra" mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya.
Humiwalay ako sa kanyang yakap at nag punas ng luhang umandas sa aking pisngi.
" Pumunta ka kay kuya" sabi nya at agad akong tumugon.
Lumabas ako ng kuwarto ni ate at pumunta sa kuwarto ni kuya. Binuksan ko ang pinto nya at tinuro nya ang maliit pero mahabang kahon na kulay pula na may ribon sa gitna.
" Sana magustohan mo yang regalo ko kahit maliit lang" sabi nya.
Binuksan ko iyon at nanlaki ang mata ko sa susi ng motor na pangarap kong bilhin. Ang R3.
" Thankyou kuya!" Pasasalamat ko.
" Welcome Sam! Magagamit mo din naman yan e" sabay yakap nya.
" Nakapag ayos kana ba ng gamit mo? Diba bukas ang punta natin sa Cebu?" Ay oo nga pala hindi oa ako nakakapag ayos ng mga gamit.
Kumawala ako sa yakap nya at sabi nya na pumunta ako sa kuwarto nila mommy at daddy pero hindi ko ginawa. Galit pa din ako.
Pumunta ako sa kuwarto ko na may nakitang mga nakakalat na picture sa sahig ng silid ko. Pinulot ko ang isa doon na family picture namin namay dugo at may ekis ang muka nila daddy at mommy at ganon din sa mga iba pang picture. Itinalikod ko ang picture na hawak ko at may naka sulat na ' may mawawala '.
Nilukot ko ang picture at itinuloy ang pag aayos ng mga kaylangan sa pag alis. Itinago ko din ang titulo ng lupa at ang susi ng RE ko tapos ay natulog na dahil maaga ang alis namin papuntang airport.

BINABASA MO ANG
Just A Dream (COMPLETED)
Fiksi RemajaKaya mo bang tanggapin nasa pag mulat mo ay ibang tao ang makikita mo at hindi ang nasa panaginip mo? At kaya mo bang mahalin ang taong hindi mo maalala dahil sa isang aksidente na ng yare. Ano kaya ang kahihinatnan ng buhay nya? Nag umpisa: 10-31-2...