Published: April 29, 2019
■▪︎▪︎■
"Anak tumayo kana dyan, kumain kana din baka maiwan kana ng bus" rinig kong sabi ni nanay mula sa kusina
"Opo nay, aayusin ko lang ho itong mga gamit ko"Ngayon ang alis ko papunta sa maynila first time kong pumunta doon,mag hahanap kasi ako ng trabaho para makatulong ako sa aking mga magulang hindi ko nakasi kaya nakikitang nahihirapan sila.
Pumunta na ako sa kusina para kumain.
"Anak hindi na ba magbabago ang isip mo?"malungkot na sabi ni nanay
"Nay...ayuko na kayong makitang nahihirapan sa trabaho, ako na dapat ang bumubuhay sainyo tumatanda na kayo..hindi ko na kayang nakikita ko kayong ganyan"
Mangingisda kasi si itay, si nay naman ay nagtitinda ng isda sa palengke, sa isang isla kami nakatira.Gusto kong bigyan ng magandang buhay aking mga magulang, pagnakahanap ako ng trabaho ay magpapatayo ako ng bahay dito saamin dahil kubo lang ang bahay namin dito, mukhang hindi nadin tatagal itong bahay namin.
Tapos naakong kumain aalis na ako mamaya naligo muna ako at inayos ang iba kong gamit.
"Inay, itay mag-iingat po kayo 'pagnakahanap na ako nv trabaho magpapadala agad ako, at kung maari po 'wag na kayong magtrabaho ako na ho ang bahala sa mga gastusin dito sa bahay" kinuha ko ang wallet ko mula sa bag ko at kinuha ko ang ibang ipon ko kinuha ko ang kamay ni inay nilagay doon ang naipon kong pera "ito ho ang ipon ko 'yna na muna po ang gamitin niyo habang wala pa akong naa-aplayan na trabaho" saad ko kay nanay at tatay ipon ko iyon dahil nagbebenta din ako ng mga kwintas na gawa sa shell.
"Anak..mas kailangan mo 'to"
"Inay, tanggapin niyo na mas kailagan niyo 'yan ni itay sige na" pagpupumilit ko
"Salamat...ang swerte namin dahil may ganito kaming kabait na anak" naiiyak na sabi ni inay
"Anak mag-iingat ka dun, ito ang unang sampa mo sa maynila, baka maligaw kapa ha" sabi naman ni itay
"Si itay talaga oh, ako paba kahit saang sulok man ako pumunga hindi ako mawawala dahil lahat ng bagay ay nagagawan ng paraan" Mami-miss ko din ang kakulitan ni itay dahil madalas kaming magbonding sa tabing dagat
Doon na ako pinanganak sa isla kaya mahal na mahal ko ang lugar na iyon, doon na ako lumaki marami akong naging memories sa lugar na 'to kaya kapag nakapag ipon na ako, uuwi talaga agad ako.
"Hindi na ba magbabago ang isip mo anak?nabubuhay naman tayo dito ng maayos kahit papaano," malungkot na sabi ni inay
"Inay naman..baka hindi na ako makaalis nito e, may edad na kayo ni itay para magtrabaho" napanguso tuloy ako
"Oh sige na...basta mag-iingat ka 'dun ha?wag mong papabayaan ang sarili mo, uminom ka palagi ng tubig para hindi mag dry ang balat mo" bilin ni inay
Kahit kasi sa isla kami nakatira ay maganda ang balat ko, natural na maputi ang kulay ng balat ko kaya nga minsan ay napagkakamalan ako ng ibang tourists na days din ako.
"Opo inay hindi ko papabayaan ang sarili ko lalo na't may iniingatan mahalagang tao sa buhay ko" nakangiting sabi ko "at ikaw naman itay huwag kayong magpapagod masyado bawal na po sainyo diba, 'wag matigas ang ulo araw-araw akong tatawag kay inay para makamusta kayo"
May sakit kasi si itay sa puso, isa ito sa dahilan kung bakit gusto ko agad makahanap ng trabaho para maoperahan siya at malaking halaga ang kailangan namin hindi na din kaya ng pera namin ang mga gamot niya kaya naisipan kong magtrabaho sa maynila, yinakap ko si inay at itay at nagpaalan na ako baka hindi pa ako makalis
