05

55 11 0
                                    

"Kayo ang magiging susi kaya ingatan ang inyong mga sarili. Ayan yung sinabi ng Nakakatakot na Bunny kanina." Sabi ni Damel.

"Hanapin niyo nga baka nasa bulsa niyo lang." Sabi ko at sinimulang kapkapan ang sarili ko pero wala. Tumalon-talon na ako pero walang nahuhulog. Napatingin ako sa iba na kinakapkapan din ang sarili pero makaraan ang ilang segundo ay wala rin.

"Maghanap tayo dito sa mga gamit-gamit baka andito lang." Tumango naman sila at nagsimula ng maghanap.

Pumunta ako sa table at naghanap ng mga gamit at lahat ng nakikita ko ay tinitipon ko, susubukan ko mamaya baka kasi isa sa gamit na ito ang makakabukas ng pinto.

"Hoy! May letter na nakatago dito oh." Napatingin naman kami kay Chick at tama nga siya, merong letter na nakasulat at natabunan iyon ng isang kulay puting something na kapareha ng itsura ng pinto, kaya pala hindi namin napansin kanina.

"Paano mo nahanap?" Tanong ko.

"Naghahanap kasi ako ng magic button o anong pwede magpabukas ng pinto tapos ito at may nakita akong tupe ng papel kaya hinatak ko tapos ito 'yon." Pinakita niya sa amin ang hawak niyang puting bagay.

"Tingnan niyo din sa iba baka meron din." Sabi ko at tumango naman sila at isa-isang tiningnan ang mg pinto pero makaraan ang ilang minuto ay wala na silang nakita.

"Wala na, totoong pinto na ang iba." Sabi nila at umupo sa kama.

"Z? Anong meaning ng letrang yan?" Kunot-noong tanong ko habang nakatingin dun sa letter na nasa pinto.

"Guys! May something dito sa ilalim ng kama ko na nakasulat."

Agad kaming pumunta sa gawi ni Rosegold. Nasa ilalim siya ng kama  niya at parang mag ginagawa. Hinintay lang naming bumalik siya saka magtanong.

"Anong nakita mo?" Tanong ko kaagad sa kaniya.

"May parang puzzle doon sa ilalim, kailangan mo siyang buoin para makita mo kung anong mabubuo mo. Akin letra."

"Anong letra?" Sabay-sabay na tanong namin.

"Isang malaking B ang nakasulat sa akin eh. Tingnan niyo kaya sa ilalim ng kama niyo baka sakaling meron din." Sabi nito kaya agad naman kaming nagsitakbo sa kaniya-kaniya naming kama.

Agad akong pumasok sa ilalim ng kama. Agad na bumungad sa akin ang isang malaking puzzle. Sinimulan kung ayusin iyon. Naging madali lang ang pagtatagpi-tagpi ko dahil malalaki yung pieces.

Makaraan ang ilang minuto ay nakikita kona ang letter ng akin. Pero sinigurado ko talaga hanggang sa matapos.

Lumabas na ako roon at pumaroon sa iba. Merong nakaupo na sa kama at meron ding naghahanap pa. Nanatili lang akong nakatingin sa  kanila.

Nagsisimula na akong kabahan sa totoo lang. Parang tatalbog ang puso. Naol tumatalbog ang puso, unique puso ko eh.

Nang makita kung nakalabas na sila ay agad ko ng sinabi ang Letra na nabuo ko.

Anong ibigsabihin ng mga letrang nakita namin? Para saan ang mga letrang iyon? At bakit ba nangyayari sa amin ang mga ito. Bakit?

Sa mga nangyayari ngayon, pakiramdam ko ay hindi na ito isang simpleng laro lang. Hindi na ito prank na kagaya ng iniisip ko kanina.

IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon