18

39 11 0
                                    

Makaraan ang tatlong araw ay walang naibalitang namatay at isa lang ang ibig sabihin nun, nakahanap ng lunas yung nalason.

Hindi na rin nagpapakita ang Bunny na naghahatid ng balita.

Pero may problema, si Bearbrand nilalagnat. Napainom ko na siya ng gamot at kinumotan ng makapal na kumot pero nilalamig pa rin siya.

"Hey, may masakit ba sa'yo?" Tanong ko sa kaniya habang nilalagyan siya ng bimpo sa noo. Ang init niya. Bumababa yung lagnat niya kapag nakakainom ng gamot pero bumabalik din kapag nagtagal.

"Wala n-naman. Nilalamig l-lang talaga ako."

"Pero ang kapal na ng kumot mo. Shit! Kapag pinainom naman kita ng pinainom ng gamot na wala sa tamang oras pwede kang ma-overdose. Anong gagawin ko..."

Wala na akong magagawa.

Kaya mo 'to, Sugar. Para kay Bearbrand kayanin mo.

Kinuha ko ang kumot niya saka kinuha din yung damit niya at sunod ko namang hinubad yung akin.

"A-anong ginagawa mo?"

"Body Heat. Matutulungan ka nito." Sabi ko saka niyakap siya.

"Sorry." Mahinang saad nito.

"It's okay."

Makaraan ang ilang sandali ay naramdaman ko na lang na bumagsak ang talukap ng mga mata ko at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.



NAGISING ako ng maramdamang gumagalaw si Stitch ko na yakap-yakap ko. Ano 'to naging bulate na ba si Stitch? Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Ang bango naman ni Stitch ko. Isang taon ng hindi ko nalalabhan 'to ah? Bakit kaya mabango pa rin?

Pagkamulat ko agad kung nakita si Gatas na nakatingin na rin sa akin. Ang lapit lapit niya.

"Bakit andito si Bearbrand sa kwarto ko. Nananaginip pa ba ako. Ang bango naman pala ni Gatas." Saad ko habang nakatingin sa katabi kung Gatas. Ang gandang panaginip naman nito hehe.

"Mabango ako?" Napangiti naman akong tumango-tango pero agad din akong natigilan at nanlalaki ang mata na tumingin sa kaniya. Shit! Agad ko siyang natulak kaya nahulog siya sa higaan.

Taena shit! Akala ko nasa kwarto pa ako at nananaginip.

Wait! May kakaiba.

Tiningnan ko ang sarili ko mula sa loob ng kumot at muntek ng napasigaw. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.

"Anong ginawa mo sakin ah!?" Singhal ko sa kaniya habang nanlalaki pa ang mata pero nginisian lang niya ako saka agad na lumapit.

"Hoy! L-Lumayo ka sa'kin, Gatas! Binabalaan kita! Diyan ka lang." Mas lalo pa itong lumapit kaya nag-unahan naman ang kabog ng dibdib ko.

"Hindi mo na naalala? May nangyari----" Agad ko siyang sinampal ng hindi naman kalakasan saka sinamaan ng tingin pero tinawanan lang ako ng baliw.

"HAHAHAHHA. Para namang pagsasamantalahan ko 'yang stick mong katawan." Lalo ko namang siyang sinamaan ng tingin pero napababa ang tingin ko sa katawan niya pero agad ko ring ibinalik sa mukha niya. Shit! Ba't ang hot ni Gatas?!

Naalala ko na pala. Tsk! Yung body heat pala.

"Naalala ko pa kung paano mo ako gahasain eh." Agad ko naman siyang hinagisan ng unan. Piste iniinis ako ng Gatas na 'to. Ako pa talaga ang gumahasa sa kaniya? Wow! Kapal!

"Hoy! Paano kita gagahasain eh mala botete yang katawan mo. Eww!" Bawi ko saka agad kinuha yung damit ko na nasa gilid saka nagtalukbong ng kumot at mala-flash na sinuot ang damit ko.

"Huwag mo ng ideny, Asukal, nag-enjoy ka naman kaga----"

"Manahimik ka diyan Gatas ah! Sasakalin kita ng kumot pag hindi ka tumigil." Singhal ko sa kaniya at dinuro pa siya.

"Salamat ah. Hindi mo'ko pinabayaan." Nabigla ako ng bigla niya na lang akong yakapin. Pati puso ko nabigla. Shit! Bakit ata bumait ang mo'kong na 'to sa akin? Dati-rati eh ayaw na ayaw niyang magpasalamat o hawakan man lang ako.

Dahil ba sa ginawa ko? Pero matik naman na gagawin ko iyon dahil kaibigan ko siya.

IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon