Nagising ako sa hindi ko kilalang silid. Agad kung nilibot ng tingin ang buong lugar at puro puti lang ang nakikita ko. Ano 'to? White room na nasa loob ng isang white house?
Nalaglag ang tingin ko sa mga nakahigang tao sa kama, yung mga kaibigan ko. Agad akong tumayo at naglakad-lakad. Napansin kung puro puti na ang suot kung damit. Ano to party ni White? Bakit puro puti ang lahat dito?
Dahil nga wala akong alam. Pumunta ako sa mga kasama ko at nakita ko si Bearbrand na gising na at ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko.
"Malamang. Kanina ko pa nakikita ang mga katangahan mo eh. Para kang nawawalang tuta." Sinamaan ko naman kaagad siya ng tingin.
"Naglakad lang naman ako ta's katangahan na yon? Grabi ka talaga sa'kin, Gatas. Ang pangit ng ugali mo. Parang kagaya ng mukha na sobrang pangit."
"Pagkagising, agad na naglibot-libot ng tingin tapos tatayo at maglalakad na parang nasa plaza para sa isang fashion show. Dagdagan pa ng mukha mong parang kamote." Jusko kung wala lang akong gusto sa Gatas na'to matagal ko ng sinakal 'to eh.
"Eh ano ang gagawin ko? Pagkagising magbubudots? Ta's pagnaglalakad, ano? Aakyat ako sa dingding na parang aswang? Tsaka, huwag mong idadamay ang mukha ko ah, kasi yung mukhang 'to, maganda, hindi kamote, piste ka." Sa haba ng sinabi ko inirapan lang ako ng piste. Argh! Sarap talaga sakalin nitong Gatas na 'to
"Oo, alam kung masarap ako." Napanganga na lang ako. Bakit niya nalaman ang iniisip ko? Anong nangyayari? Magugunaw na ba ang mundo?
"Ano sabi mo?" Tanong ko rito.
"Huwag kang sumabat, hindi ikaw ang kinakausap ko." Sabi nito kaya napatingin naman ako sa kamay niya, may langgam na pula. Piste, akala ko nakababasa na si Gatas ng utak. Sana all, nababasa yung utak.
"Bakit tayo andito? Anong lugar to?"
"Itanong mo sa langgam baka sakaling alam niya." Ay pota! Argh!
"Tinatanong kita ng maayos, Bearbrand!"
"Sinagot naman kita ng maayos."
"Maayos na 'yon? Animal ka, maayos 'yon?" Nakapamewang na tanong ko habang dinuduro pa siya.
"Sa maliit mong utak, isipin mo 'tong sasabihin ko. Paano ko malalaman kung pareho lang naman tayo, kagaya mo ay nagising lang din ako sa isang kwarto na hindi din pamilyar sakin, ngayon paano ko malalaman?"
"Oo nga noh? May point ka dun Gatas. Pero teka, hindi maliit utak ko! Malaki kaya. Kasing laki ng jolens."
"Abno."
"Ano sabi mo?" Kunot-noong tanong ko.
"Huwag ka ngang sumabat. Yung langgam yung kausap ko at hindi ikaw."
"Sinong baliw ang kakausap sa langgam, aber?"
"Nagsabi yung kinakausap yung manok nila." Ay depota! Sarap talaga sakalin nitong si Gatas eh.
"Atleast manok lang yung akin eh sayo, langgam. Langgam! Langgam!"
"Nyenye kwento mo sa pusang voilet."
"Nyenye baliw si Bearbrand."
"Nyenye alien si Sugar."
"Nyenye supot si Bearbrand."
"Pakita ko pa sayo eh. Oh ano ha, oh ano?" Depungal talaga 'tong Gatas na'to parang bata ang timawa.
"May ipapakita ka kaya, Oh ano, oh ano? Sasagot kapa? Ha! May ipapakita ka? Ah?" Hindi ako magpapatalo sa Gatas na 'to akala niya ah.
Mabagsik na kalaban ang isang Asukal na kagaya ko. Hindi ako magpapatalo sa isang hamak na Gatas na kagaya niya.
"Oy! why you're so maingay naman? Why naman gano'n. Inaantok pa ako eh." Maarteng saad ni Rosegold at nagunat-unat kaya napa-ikot nalang ako ng mata.
Patulugin ko na kaya ng panghabang-buhay si Rosegold? Hindi naman siguro mahirap na gawin 'yon, diba?
"Alam mo, kasing arte ng pangalan mo yung ugali mo." Sabi sa kaniya ni Bearbrand kaya nagsimula namang mangilid ang luha ni Rosegold.
"Sunnnnn!!! Inaaway ako ni Gatas! Sun, gumising ka! Sunnnn!" Depota ang tinis nung boses niya! Parang lalabas eardrums ko, yawa.
"Ano, ano, may sunog, may sunog! What happened?" Isa pa tong animal na 'to na parang speaker yung bibig. kaya ayon at nagising lahat ng mga natutulog.
Hinayaan ko muna sila na magtsismisan doon. Tiningnan ko kung nasaan kami. Ang tanging nakikita ko ay puro puti, mula sa kama, kumot at unan, pader, mga gamit na kaunti. Wala ring bintana yung buong lugar pero merong sampung pinto na kulay puti rin.
Napaluhod ako ng bigla akong may marinig na matinis ma tunog. Lahat kami hawak-hawak ang mga ulo at tenga namin habang iniinda ang matinis na tunog na iyon. Napakatinis ng tunog at parang mababasag yung eardrums ko kapag nagpatuloy pa. Parang hinalungkat ang utak at sikmura ko.
Nagtagal pa ng ilang minuto iyon bago tuluyang tumigil. Halos mawalan ako ng hininga dahil sa sa tunog na iyon. Habol-habol ko ang hininga at napasandal na lang sa kama habang nakapikit ang mga mata.
Gusto ko ng umuwi...
BINABASA MO ANG
IMPOSTOR [COMPLETED]
Misteri / ThrillerMATATAWAG MO PANGA BANG KAIBIGAN ANG MGA UNTI-UNTING PUMAPATAY SA INYO? PAANO KUNG MA-TRAP KA KASAMA ANG KILLER? DAPAT KABANG MAGTIWALA? O DAPAT MO SIYANG UNAHAN? IS THERE REALLY AN IMPOSTOR AMONG THEM? Started: December 03, 2020 Ended: December 04...