"Naka-lock ang mga pinto. Ayaw mabuksan." sabi ni Gucci.
"Malamang hindi mo talaga mabubuksan 'yan. Naka-lock nga, hindi ba?" Sarkastiko kung sabi.
"I agree with you." Tatango-tango pa si White.
"Walang doorknob yung mga pinto. Tanging itong parang scanner lang yung meron." Sabi naman ni Dark kaya napatingin kami sa tinuturo niya at meron nga, lahat ng pinto ay merong scanner.
Biglang bumukas ang isang flatscreen Tv at isang bunny na creepy yung mukha ang lumabas. Isa lang ang mata niya at tinahi ng nakangiti ang bibig nito. Meron ding mga dugong nagkalat sa mukha niya.
Kanina pa talaga ako natatakot pero hindi ko lang iyon iniisip, nagsti-stick lang ako sa positibong side. Ayaw ko sanang mag-isip ng kung ano-ano pero dahil sa Bunny na nasa Screen ngayon, nabubuhay na naman ang takot ko.
Ano ba talaga ang nangyayari? Kung prank 'to ay hindi na talaga nakakatuwa. Imbis, nakakatakot na.
Gusto ko ng umuwi ngayon. Kung panaginip man ito ay gusto ko ng magising. Pero alam kung hindi 'to panaginip. Hindi ito isang panaginip! Nasubukan ko na ang lahat para gisingin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Paano ko pa magigising ang sarili ko, eh in the first place, gising naman kasi talaga ako.
Gusto ko na talagang makaalis dito...
"Kapag may bumukas na pintuan ay meron ding magsasara." Paunang sabi ng Bunny na pati ang boses ay creepy din. Yung ulo niya ay pabaling-baling sa ibang dereksiyon. Shit! Katakot! Ang mukha ng bunny ay parang sa mga horror movies na nakikita ko.
"Kung gusto niyong makalabas sa kwartong iyan ay kailangan niyong hanapin ang bagay na makakapagbukas ng pinto, pero mag-ingat, sa bawat maling desisyon ay may mawawala. Kayo ang magiging susi kaya ingatan ang inyong mga sarili. Mag-ingat sa mga nasa paligid niyo, hindi niyo alam kung sino ang peke at kung sino ang totoo." At bigla nalang na-gglitch at namatay ang Tv.
"Hoy! Kaninong prank 'to? Hindi na nakakatuwa." Sabi ko at tumingin sa mga kaibigan.
"Kung gusto niyong makalabas sa kwarto ay kailangan niyong hanapin ang bagay na makakapagbukas ng pinto." Usal ni Bearbrand.
"Oh, nag-iisip ka?"
"Ay hindi! Kumakanta ako." Sarkastiko nitong sagot kaya inirapan ko naman siya.
"Seryuso na kasi!" Singhal ko.
"Makakapagbukas ng pinto? Ibigsabihin hindi susi 'yon dahil wala namang doorknob." Seryusong saad ni Chick at sumang-ayon naman kami.
"Maghanap kaya tayo ng bagay na pwedeng i-scan dun sa scanner baka sakaling bumukas ang pinto at makalabas tayo." Suhestiyon ni Gucci.
"Agree ako diyan." -Rosegold.
"Ako din, talino naman." -Sand.
"May point si Gucci." - Sun.
"Pero sabi ng Bunny na nakakatakot. Kung gusto niyong makalabas sa kwartong iyan ay kailangan niyong hanapin ang bagay na makakapagbukas ng pinto, pero mag-ingat. Ibigsabihin pwedeng may trap or something diyan sa labas ng pinto." I don't know but I feel something strange.
"Tama si Sugar. Hindi na'tin alam kung ano ang nasa labas ng pinto." Segunda ni Bearbrand. Wow! Naghimala ata at pumanig siya sa akin ngayon.
"Pero mabubulok tayo dito kapag hindi tayo lumabas. Walang tubig, pagkain o ano rito. Tanging yang Tv at mga bagay-bagay yung andito." May point din si White. Shit! Nagsisimula na akong kabahan.
Ano bang nangyayari? Prank lang ba talaga 'to? O totoo na talaga ang mga bagay-bagay na nangyayari dito?
BINABASA MO ANG
IMPOSTOR [COMPLETED]
Misteri / ThrillerMATATAWAG MO PANGA BANG KAIBIGAN ANG MGA UNTI-UNTING PUMAPATAY SA INYO? PAANO KUNG MA-TRAP KA KASAMA ANG KILLER? DAPAT KABANG MAGTIWALA? O DAPAT MO SIYANG UNAHAN? IS THERE REALLY AN IMPOSTOR AMONG THEM? Started: December 03, 2020 Ended: December 04...