20

40 9 0
                                    


Tumatakbo ng tumatakbo kami ni Gatas sa gitna ng dilim nang bigla akong nakabunggo ng isang bulto ng tao agad ko siyang tinutukan ng baril pero nakilala ko agad sila dahil wala silang maskara.

Nasa labas kami ni Gatas dahil hahanapin namin yung main switch nitong kuryente. Kailangan namin ng kuryente para hindi kami maisahan ng ibang nagtatago sa dilim.

Nagkatutukan kami ng baril nina Chick at Sun pero kita kung may tama si Sun.

"Impostor ba kayo?" Nagkasabay kami ni Chick ng pagtatanong.

"Kayo ba yan, Sugar? Bearbrand?" Tanong nito. Tila yata nakilala ang boses namin.

"Oo. Teka, bakit nasa labas pa kayo? Gabing-gabi na ah?" Tanong ko sa kanila habang sinusuri silang dalawa mula ulo hanggang paa.

"Wala na kaming kwartong matutulugan dahil may nakapasok na roon, dito na kami sa labas nagtatago at natutulog simula ng nakaraang mga gabi----" Senenyasan ko silang  manahimik ng may marinig na yabag.

Nasa isang Bodega kami ngayon, sa tingin ko. Maraming nagkalat na mga gamit na sira dito.

Makaraan ang ilang sandali ay nawala na ang mga tunog at naging payapa na ulit ang paligid pero nagulat na lang ako ng may tumamang maliit na palakol sa isang mesa sa gilid lang namin at may tumatakbong panibagong bulton ng tao papunta sa gawi namin kaya agad na kaming tumakbong apat. Tinulungan namin si Sun. Bahala na, tutulungan na lang muna namin sila sa ngayon.

"Takbo! Bilisan niyo!" Sigaw ko at nauna na sa pinto at agad na bumunot ng isang palaso mula sa likuran ko saka inasinta ang tumatakbong tao at agad na binitawan ang palaso. Nakita kung nakaiwas ito pero huli na kaya natamaan siya sa balikat.

Pero hindi iyon naging hadlang para sa taong iyon. Tumatakbo pa rin ito papunta sa amin. Shit! Para itong gutom na gutom na Leon na gusto kaming lapain.

Nasa isang hallway na kami. Napakadilim na pero dahil sanay na yung mata ko sa dilim ay nakikita ko pa yung humahabol sa amin. Kumuha ako ulit ng isang palaso at pinana ang tumatakbong tao pero hindi ko na siya natamaan ulit.

Malapit na kami sa susunod na pinto kaya mas binilisan ko na ang pagtakbo.

"Gatas tulungan mo wkong itulak ang pinto. Bilis!" Iniwan niya naman muna kay Chick si Sun at tinulungan akong itulak ang kalawanging pinto.

"Bilis! Bilis! Bumukas ka!" Usal ko at ibinuhos ang pwersa ko sa pagtulak at bumukas na ito ng tuluyan kaya pumasok kami ni Gatas at pumunta sa magkabilang pinto para agad na isarado ang pinto kapag nakapasok na ang dalawa.

"Bilisan niyo!" Sigaw ko kaya tumakbo naman sila papunta sa amin pero nasa tatlong metro na lang ay bigla na lang natumba si Sun at meron ng nakabaon na palakol sa likod niya.

"Chick! Tumakbo ka na! Iligtas mo ang sarili. Mahal din kita..." Napatulo na lang ang luha ko at agad na kinuha si Chick na nakatulala na lang. Agad na naming isinarado ang pinto pero kita ko pa ang huling ngiti ni Sun kay Chick bago tuluyang sumarado ang pinto.

Damn...





IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon