Pagbukas ko ay agad kung tinutukan ng baril ang mga bumungad saakin at ganoon din sila sa'kin pero sabay lang din kami na nagbaba ng armas pero napabaling ang tingin ko sa ibang tao.
"Bakit niyo sila kasama? Hindi ba sila Impostor?" Agad na tanong ko.
"Ayos ka lang ba? Saan ka nanggaling?" Tanong ni Gatas at agad na pumunta sa akin.
"Huwag kang lalapit sa kaniya!" Sigaw ni Orange kaya napatigil si Gatas sa paglapit sa'kin.
"Ano 'to? Anong nangyayari rito." Naguguluhang tanong ko.
"Huwag ka ng magpanggap. You are one of those impostors among us!" Sigaw ni Orange.
"Huwag niyong baliktarin ang sitwasyon! Kayo ang Impostor." Sigaw ko nang hindi na matiis ang pagtuturo nila sa akin.
"Alam na naming lahat kaya wala ka ng maloloko." Napatingin naman ako kay Chick pero umiiyak na nag-iwas lang ito ng tingin. Bumaling ako kay Gatas at sa pagkakataong to nakatingin na rin siya sa akin pero umiiling na siya.
"Gusto mong ipaghiganti ang pagkamatay ng Daddy mo, hindi ba? You planned this. Ikaw ang nagdala sa amin dito. Ikaw ang nagplano ng lahat. Namatay ang Daddy mo dahil sa sunog, iyan ang alam ng lahat pero alam mong hindi totoo iyonn. Alam mong nasa grupo natin ang totoong pumatay sa Daddy mo. Kaya ginawa mo'to para maparusahan ang may gawa. And yes, naparusahan mo nga. Rosegold Clover and Dark Mellerio is the other Impostor here in game. Sila kasi yung pumatay sa Daddy mo kaya gusto mo talaga silang mapatay. Si Gucci Ferrer ang nakakita ng pangyayari tungkol sa Daddy mo kaya naging Impostor din siya rito sa loob ng game. Pero sa totoo...You are the one and only impostor here inside this building." Naka-tanga na lang ako habang nakatingin kay Orange na ngayon ay umiiyak na.
"P-paano mo nalaman. Si Daddy? Sunog? Sina Rosegold at Dark? Ako...Impostor?" Halos maging bulong na lang iyon. Hindi ma-proseso ng utak ko ang sinabi ni Orange.
"Aminin mo, ikaw din ang taong may chainsaw, hindi ba? Ikaw rin iyon!" Parang amy bumabara sa lalamunan ko habang naririnig ang boses ni Orange na sinisisi ako.
"Yes, siya iyon. Nakita kong hinubad niya yung maskara niya kanina. Nakita ko lahat, kung paano niya patayin si Rose at Dark." Segunda ni Sand na ngayon ay nakayakap na kay White. Umiling naman ako ng umiling habang umaagos ang luha ko sa pisngi ko.
"Pinutulan mo ng ulo si Rose at si Damel naman ay gano'n rin. Nakita ko mula umpisa hanggang wakas." Sigaw ni Sand kaya napailing naman ako.
Si Sand iyong humigit sa aming tatlo sa library kanina.
"H-hindi ako iyon." Sa dami ng gusto kung sabihin ay 'yon lang ang lumabas sa bibig ko.
"Lahat ng impormasyon ay ikaw ng itinuturo, Sugar. Huwag mo ng ikaila pa." Sigaw ni Orange ulit.
"Hindi nga ako 'yon!" Sigaw ko at tumayo pero agad nila akong tinutukan ng baril. Lahat sila.
"Bakit ayaw niyong maniwala sa'kin!? Gatas? Chick? Magkasama tayo all this time oh. Bakit naman kayo ganito sa akin?" Sigaw ko habang ummaagos na ang luha sa pisngi ko.
"Gusto kung maniwala sa'yo pero ikaw ang tinuturo ng lahat ng ebedensiya. Ikaw ang tinuturo eh..." Pahina ng pahina ang boses ni Gatas habang sinasabi iyon at ang tanging nagawa ko lang ay umiyak.
"Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari dito. Hindi ko alam na may kinalaman sina Rose at Damel ang p-pumatay sa Daddy ko. Bakit ako walang alam samantalang kayo--napakarami? Bakit niyo itinuturo sa akin ang lahat? Bakit? Bakit!" Kasabay nun ay umalingawngaw ang isang putok ng baril at namalayan ko na lang ay natumba na ako sa sahig at kinakain ng sakit. Napatingin ako sa may gawa nun at napailing na lang ako at tumulo na naman ang luha ko.
They fooled me...
Nakita kung naglalakad ng masigla sina Sun, Gucci, Rosegold at Dark habang nakangiti.
"Happy April Fools Day, Sugar!" Sigaw nilang lahat habang nakangiti pero lumapat sa iisang tao ang mga mata ko pero madurog lang ang puso ko ng makitang kahalikan niya si Sand.
"Kahit saan ka talaga ilagay Sugar ay tanga ka. Hindi mo man lang naalala na April na oh. HAHAHAHAHA." At nagtawanan silang lahat sa harap ko mismo.
"B-Bakit niyo ginagawa 'to?" Tanong ko habang nakatingin sa kanila. Nakita ko namang lumapit at naupo sa harapan ko si Gatas. "B-bakit kayo pa?"
"Bakit namin nagawa 'to? Because we hate you. Bakit kami pa? Because our Queen want us to do it. Huwag mong sabihing naniwala ka ng sabihin kung mahal kita? HAHHAHA napakabobo mo naman siguro para maniwala doon. Sinong magmamahal ng kagaya mong tanga." At nagtawanan naman silang lahat. Parang dinudurog ng ilang milyong beses ang puso ko. Ang marinig iyon sa mismong mahal mo, I just want to die.
"And for the final show." Sigaw nilang lahat at lumuhod pa. "Representing......THE QUEEN." And I heard a familiar laugh.
"Kagaya ka talaga ng ama mo. Tanga!" At umalingawngaw na naman ang isang putok ng baril at sa pagkakataong ito ay tuluyan na akong bumigay.
Mommy...
BINABASA MO ANG
IMPOSTOR [COMPLETED]
Misteri / ThrillerMATATAWAG MO PANGA BANG KAIBIGAN ANG MGA UNTI-UNTING PUMAPATAY SA INYO? PAANO KUNG MA-TRAP KA KASAMA ANG KILLER? DAPAT KABANG MAGTIWALA? O DAPAT MO SIYANG UNAHAN? IS THERE REALLY AN IMPOSTOR AMONG THEM? Started: December 03, 2020 Ended: December 04...