16

42 11 0
                                    

Nakabalik na kami sa kwarto. Maayos kaming nakabalik kanina, ewan pero napakatahimik ng library kanina ng papabalik na kami. Nakarating kami dito kwarto namin ng walang sugat o ano. Wala na rin kaming narinig o nakakitang mga tao.

"11:34 PM na tayo nakabalik rito. Halos sobrang limang oras tayong nasa labas." dinig kung sabi ni Gatas na kakalabas lang mula sa banyo.

Tapos na rin akong maligo kaya presko na ang pakiramdam ko kahit papaano.

Balak ko na sanang sumagot ng biglang bumukas yung TV kaya napatingin kami doon at mukha ni Gucci kaagad ang bumungad sa paningin ko.

"Gucci Ferrer is an Impostor. Nine person left. Good job for finding the Impostor.  But you still need to be careful because some of the Impostor is still their. Huwag hayaang linlangin nila kayo." Saad pa ng creepy na Bunny na ngayon ay wala ng mga mata at natuyo na ang dugong luha nito. Namatay  ang TV kaya nagkatinginan naman kami ni Gatas saka sabay na lang na napabuntong-hininga.

"If Gucci is one of the impostor among us, bakit siya pinatay? Dapat siya yung pumapatay, hindi?" Naguguluhan na ako sa mga nangyari.

"I think that person we saw earlier who killed Gucci is another Impostor. Maybe that person didn't have a little bit of idea that Gucci is impostor too." Sagot ni Gatas na napailing na lang.

"Tsk! Tara na nga gumawa na tayo ng traps. Sisiguraduhin kung walang may makakapasok dito maliban sa ating dalawa." Tumayo ako at kinuha ang mga gamit na kakailanganin ko saka pumunta sa pinto.

Kapag nanatili akong walang ginagawa ay baka maalala ko na naman ang nangyari kay Gucci.

"Gatas? Paki-bantayan mo nga yung likod ko, ako na mag-aayos ng traps." Tumango naman siya saka kinuha ang baril.

Nagsimula na akong gumawa. Sana wala ng gumagala ngayon. Hating gabi naman na.

Kinuha ko ang mga pininturahan kung mouse trap saka inilagay sa gilid ng kwarto namin. Naglagay din ako ng nylon na pininturahan ko kagaya ng kulay ng pinto na nakakonekta sa loob ng kwarto na kung saan nakalagay ang bell na siyang mag-iingay kapag may taong gustong pumasok. Yung doorknob ay nilagyan ko na run ng lason. Isang maling hawak lang ng ibang tao rito at hindi na sila masisikatan pa ng araw. Dahil lason iyon na pumapasok sa pores kaya kahit wala kang sugat ay papasok pa rin sa katawan mo ang lason. At kayang pumatay ng isang elepante ang lason na iyon. Gumawa din ako ng ilan pang traps na magpapanatili ng kaligtasan naming dalawa ni Bearbrand.

Nang matapos ay agad na kaming pumasok at ni-lock yung pinto mula sa loob. Tanging iyong doorknob lang sa labas ang nilagyan ko ng lason. Nahanap ko na rin yung susi na nasa isa sa mga libro lang din.

Agad na kaming naghugas ng kamay bago naghanda ng pagkain. 1:45am na ng umaga. Wala pa kaming tulog!

"Kain na tayo." Aya ko kay Gatas. Tumango naman siya saka nagbukas ng potato chips at kumuha ng mansanas.

"Mabuti na lang at napakaraming tubig ang nadala natin at walang naging sagabal sa daan."

"Kapag dumating ang panahon na kailangan mong pumatay para mabuhay, kahit kaibigan mo ba sila ay papatayin mo?" Biglang tanong sa'kin ni Gatas.

"Kung kaibigan ko sila hindi nila ako sasaktan o papatayin kagaya ng nakita natin kanina. Sino ang kaibigang magagawang saktan ang kaibigan niya? Kapag nalaman ko na peke lang sila, wala akong kaaawaan. Papatayin ko sila gamit ang sarili kung mga kamay" Sagot ko saka kinain yung tinapay na natitira sa kamay ko.

"Hindi ko alam bakit tayo napunta sa sitwasyon na'to. Bakit nga ba?" Mahinang tanong niya pa sa bumuntong-hininga. Napatingin naman ako sa kaniya matapos niyang sabihin iyon at nagtagpo ang aming mga mata pero agad din siyang nag-iwas.

"I don't really have an idea but I think this is a set up or something that the impostor planned but, I'm not sure about it though. It's just a theory of my small brain." Natawa na lang ako. "Bakit ba nangyayari sa'tin to? May ginawa ba tayo para ganituhin tayo?"

"Maybe yes, maybe no, I don't know anymore.  Ewan ko nga kung may totoong kaibigan pa ako sa labas, kung sila pa ba yung mga kaibigan ko mula pagkabata o isa na lang silang Copy."

"Gatas!" Napasigaw ako ng kunti ng may maalala. "What if, what if ko lang ito ah pumasok lang 'to bigla sa isip ko eh." Lumapit naman siya saka tinuon ang atensiyon kaya nagpatuloy na ako. "What if wala ng makain yung nakita natin kanina? What if pinapatay nila ang iba para iyon ang kainin? Nahalata ko kasi kanina na yung klase ng pagchopchop niya diba? Tapos yung dugo din ay kinuha niya. Feeling ko ay wala na silang makain o ano, kagaya na'tin baka kunti lang yung pagkain nila ng nakaraan at naubos na nila."

"Tapos wala silang mapa o hindi pa nila nahahanap kaya ginawa na lang nila iyon, dahil iyon na lang ang nakikita nilang paraan para hindi magutom, ang kainin ang kasama din nila. Para lang mabuhay ay gagawin nila iyon." Dugtong naman ni Gatas sa sinabi ko.

"Wala na sila sigurong pakialam sa iba basta ay maligtas lang nila ang mga sarili." Naiinis na saad ko saka napailing na lang.

IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon