13

46 9 1
                                    


Naghahanda na kami para umalis. Nasa alas sais na ng gabi. Hindi kami kanina nakalabas ng umaga dahil may nakikita kaming mga taong dumadaan sa labas ng kwarto namin. Hindi namin makita ang mukha nila dahil meron silang suot na parang maskara pero alam kung mga kasama namin sila dahil yung damit nila ay kagaya din ng sa amin.

"Mas mabuti na itong itim yung suot natin kesa sa puro sa puting damit natin kanina. Madali tayong mahahanap kapag iyon ang suot natin."

"Pero wala na tayong kumot." Natawa na lang ako sa sinabi ni Bearbrand. Tinahi ko kasi yung kumot namin para gawing bagong mga damit at mabuti nalang nagkasiya para sa aming dalawa iyon.

"Maghahanap nalang tayo mamaya." Dinala ko na yung baril at si Gatas naman doon sa patalim. Gumawa din kami ng patalim na yari sa kahoy pero merong lason iyon at matulis din kagaya ng sa isang tunay na patalim.

"Tara na. Medyo madilim na." Tumango naman ako saka sinuot yung bonet para matago ang mukha namin. Mukha kaming kidnapper slash kawatan dahil sa suot naming dalawa.

Tahimik kaming nakalabas at medyo madilim na nga. Isinarado namin yung pinto at nagsimula ng maglakad.

Ginawa naming walang ingay yung paglalakad namin para masiguradong walang makakarinig sa aming dalawa. Sinaulo na namin ni Gatas yung mapa at hindi iyon dinala. Baka kasi makuha ng iba mula sa amin. Itinago namin iyon sa lugar na walang may makakakita at tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Nasa pinto na kami ng library na madadaanan pa namin bago makapunta sa Grocery Store. Ewan kung anong lugar 'to.
Basta parang nasa iisang building lang kami at parang paikot-ikot lang yung lugar. Hindi ipinakita sa mapa kung anong building eh basta ang alam ko building siya. Siguro mall? Pero hindi eh.

"Buksan na ba natin?" Tanong niya kaya pinisil ko naman siya sa balikat bilang sagot.

"Sunod tayo sa plano." Sabi ko saka unti-unting binuksan yung pinto. Kagaya sa dinaanan namin ay wala ding ilaw dito. Mabuti na lang at pareho kaming sanay ni Gatas sa dilim. Noon kasi palagi kaming nanghuhuli ng gagamba sa kalagitnaang ng gabi sa kahit saan-saang lugar sa village namin.

Agad akong yumuko at gumapang na gano'n din ang ginawa ni Gatas nang matapos isara ng walang-ingay yung pinto. Kailangan naming mag-ingat baka mamaya may patibong sila.

Dahan-dahan na akong tumayo para mas mabilis na makapaglakad at agad ko namang tinulungan si Gatas. Basi sa calculation ko ay wala pa kami sa kalahati nitong library.

Napatago agad kami ni Gatas  nang marinig na bumukas yung pinto na pinanggalingan namin kanina. Nagtago kami sa mahabang kurtina dito sa pinakagilid ng Library. Merong kurtina pero walang bintana. Ang ganda din ng pwesto namin kahit papaano dahil hindi kami makikita sa pwesto namin pero makikita namin kapag may dumaan sa harap namin. May butas kasi sa pinakataas kaya yung sinag ng buwan ay tumatagos dun.

Makaraan ang ilang sandali parang nasa malapit lang yung mga yabag. Kinuha kona ang baril ko mula sa bewang ko kung sakaling kailanganin. Pareho kaming hindi gumagalaw at hindi gumawa ng kahit anong ingay.

Pinakinggan ko kung meron bang tao malapit sa amin at may naririnig ako pero hindi klaro. Mukhang nasa gitna ng library yung mga taong pumasok kanina. Hinawakan ko si Gatas gamit ang isang kamay ko at dama ko yung pawis niya. Ang init ng kinakataguan namin. Shit! Napapisil ako sa braso ni Gatas ng marinig yung mga tunog na narinig ko. Tagaktak ang pawis ko kaya napapakit nalang ako habang naririnig yung mga ingay.

Shit! Sa dinami-dami ng oras ngayon pa nagparamihan ang mga demonyong 'to.

Makaraan ang ilang minuto ay nawala na yung mga ingay pero sigaw naman ang pumalit.

IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon