11

41 12 0
                                    

"Ayan tapos na." Napatingin naman ako sa lalaking kasama ko. Pawis na pawis na siya at halatang pagod na rin. Kakatapos lang naming ilagay yung mga trap na ginawa namin. Kinuha ko naman yung patalim sa mesa at humiwa ng kunting piraso sa kumot saka ibinalik yung kutsilyo sa mesa at kumuha ng kunting tubig at bumalik kay Gatas.

"Inom ka muna oh. Pawis na pawis ka na rin." Ibinigay ko sa kaniya ang baso na may lamang tubig saka pinahiran na yung pawis niya sa noo hanggang sa leeg. Huli ko na lang na-realize yung posisyon naming dalawa. Nasa gitna ako ng mga bisig niya at malapit na naman yung mukha ko sa mukha niya. Agad naman akong napaatras at nag-iwas ng tingin.

"Oh! Pahiran mo yung pawis mo." Balak ko sanang tumalikorld pero hinawakan niya ako bigla sa siko at hinigit papunta sa kaniya kaya napasubsob naman ako sa dibdib niya. Shit!

Ang bango niya kahit pawis na pawis na.

Ano ba 'tong iniisip ko! Erase. Erase. Erase. Mag-isip ng iba. Mag-isip ka ng iba, Sugar! Hayop na utak 'to kung ano-ano naiisip.

"Pakipahiran naman ng likod ko." Tumango na lang ako saka tahimik na kinuha yung kaperasong tela. Tumalikod na siya kaya tumagilid din ako, my insolent--este innocent eyes. Tumingin lang ako sa dingding o kahit saan habang pinapahiran yung likod niya. "Tapos na." Kapatid ako ni Flash eh. 

"Thanks." Tumango lang naman ako pero hindi pa rin nakatingin sa kaniya. Kumuha ako ng mga librong pwedeng basahin saka pumunta sa higaan.

"Hindi ka pa inaantok?" Tanong niya sa akin saka tumabi.

Waaahh! Lumayo na nga ako! Huwag ka dito, Gatas! Hayop ka, pinapabilis mo tibok ng puso ko!

"Hindi pa eh. Magbabasa muna ako nito." Pakita ko sa mga librong hawak ko. Pero hindi ko pa rin sinalubong ang mga tingin niya. Nagkunwari lang akong tutok sa binabasa.

"Gusto mong matutong bumaril at gumamit ng patalim? Gumawa ng lason? At mga patibong?" Kunot-noong tanong niya at tumango naman ako saka sumeryuso na.

"Oo. Sa sitwasiyon natin ngayon dapat marami kang alam para ma-iligtas mo yung sarili mo. Yung sa baril at patalim kailangan ko iyon dahil baka mapunta ako sa sitwasyon na kailangan kung gamitin ang mga bagay na iyon. Sa lason naman, kailangan ko rin iyon, example, may nalason sa ating dalawa, so, dahil may kaalaman akong gumawa ng lason syempre alam ko din magtanggal o gumamot nun. At sa patibong naman, dapat hindi lang ikaw yung marunong nun dapat ako din para masiguradong safe tayong dalawa. Naisip ko kasi na kailangan talagang dalawa tayo ang may kaalaman sa mga bagay-bagay. Para kapag napunta sa delikadong sitwasyon ang isa sa atin, alam pa ng isa kung ano ang gagawin." Pagpapaliwanag ko. Napatitig naman siya sandali sa akin bago ito ngumiti at lumapit.

"Good idea. Let me read too. Mas mabuti ngang may alam tayong dalawa tungkol sa mga iyan. Para kung sakaling may mangyari sa isa ay kaya siyang bantayan ng isa." Pinagpag ko naman ang tabi ko saka binuksan yung libro. "Hindi kapa ba nagugutom? Mansanas at tinapay lang yung kinain mo kanina." Tanong niya pa sa akin.

"Kailangan nating magtipid. Mula sa pagkain hanggang sa tubig." Iyon lang ang naisagot ko.

"Pero baka gutom kana?"

"Okay lang yan. Bukas na lang natin ikain 'yang gutom na 'yan." Natawa naman siya kaya nahawa na rin ako. Yung isang 'to minsan ko lang makitang nakangiti o tumatawa. Kaya mahahawa ka talaga once na ngumiti o tumawa na siya.

Natahimik na kaming dalawa at nagsimula ng magbasa. Una naming binasa ay tungkol sa mga baril, kung paano gamitin at sunod ay yung sa patalim. Nagpratice rin kami kung paano gamitin iyon at kung paano sanggain. Pero buong ingat naman kami dahil baka masugatan namin ang isa't-isa.

May orasan naman sa kwarto kaya nai-istimate namin kung ilang oras ang gugugulin namin sa pagbabasa ng ganito at pagbabasa ng ganiyan.

Nasa paggawa na kami ng lason at kung paano ito gamutin ng maramdaman kung inaantok na ako pero sinampal ko lang ng dalawa kung mga palad yung mukha ko para manatiling gising.

"Bakit mo sinasaktan sarili mo?" Tanong niya habang masama ang tingin sa akin.

"Iyon ang naisip kung paraan para hindi ako makatulog. Kailangan pa nating magbasa." Sabi ko saka pinalaki ang mata at tumayo saka kumuha ng isang stick ng kape at inilagay lahat sa kunting tubig at lumaghok. Sobrang pait! Tangina, parang laway ko lang kapag gigising ako sa umaga.

Naglakad ako papunta kay Gatas at ibinigay sa kaniya ang natitirang kape.

"Ano 'to?" Tanong niya habang nakatingin sa akin bago bumaba sa hawak kung tasa.

"Kape." Napatango-tango naman siya at inimom yun pero napangiwi rin dahil sa pait.

Nagsimula naman ulit kami na magbasa tungkol sa mga lason. Minsan nagtatanong ako sa kaniya kung ano ito, ano iyon. At siya naman ay sagot lang ng sagot sa mga tanong ko. Naging enjoyable naman kahit paano ang mga oras na iyon hanggang sa natapos na namin ang huling libro.

"10:54 na ng gabi." Sabi niya kaya napatingin ako sa orasan.

"Kailangan nating matulog para may lakas tayo para bukas." Napahikab pa ako at nagkusot-kusot ng mata saka nahiga na sa pinakagilid. "Tulog na tayo."

"Dito nanlang ako sa baba."

"Malamig diyan, baliw. Hindi ka nga mamamatay sa tama ng baril o ano pero mamamatay ka naman sa lamig." Nakangiwing sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

"Okay lang sayo diyan ako matulog?" Turo niya sa tabi ko.

"Oo naman. Parang hindi naman tayo nagtabi noon. Halos hindi ko na nga mabilang kung ilang beses kitang nakatabing matulog eh lalo na kapag may camping." Natawa na lang ako nang maalala ang mga sandaling iyon. We used to fight for useless matters back then. Gano'n na talaga kami simula pagkabata. Himala nga ngayon ay magka-ayos at magkasundo kaming dalawa.

Ibinigay ko na sa kaniya ang isang unan at ipinikit ko nw ang mga mata ko. "Share na lang din tayo dito sa kumot, nag-iisa lang din to eh."

"Sige." Sagot nito at maya-maya lang ay naramdaman ko ng nahiga na ito sa tabi ko.

"Goodnight. Inaantok na talaga ako." Saad ko pa. Hindi ko alam kung sumagot o nagsalita pa si Gatas. Hindi ko na narinig pa dahil tuluyan na akong kinain ng antok.

IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon