17

35 9 0
                                    

Nagising agad ako ng marinig na tumunog ang patunog na ginawa ko. Agad kung kinuha ang baril at balak sanang gisingin si Gatas pero gising na rin pala ito.

Pumunta ako sa pinto at binuksan ang ginawa kung silipan at tiningnan kung ano ang nangyayari sa labas. Nanlaki ang mga ko ng makitang may tao sa labas ng pinto pero medyo nasa kalayuan sila....oo sila. Naka-mask at puro dugo ang puting damit nila. May hawak ang isa ng palakol at ang isa ay shotgun.

"Sila ba 'yon?" Walang tunog na tanong ni Gatas.

"Hindi ko alam." Sagot ko pabalik na walang nililikhang tunog.

Napatingin kami ulit sa labas mula sa isang napakaliit na butas na ginawa ko, makikita mo ang nasa labas pero yung sa loob ay hindi kapag tumingin ka sa butas. Halos manlaki ang mata ko ng may mata akong nakita na nakasilip din at nanlilisik pa ito pero hindi iyon nagtagal dahil pumunta sa ibang gawi yung mga mata niya. May pumipihit din sa doorknob namin  pero maya-maya lang ay narinig na namin na may humiyaw. Nice!

Narinig ko ang papaalis na yabag at maya-maya lang ay natahimik na ang buong paligid.

"Wala na sila." Sabi ko saka kinuha ang susi at binuksan ng kunti ang pinto. Nasa sahig na ang mga kutsilyong nakatago sa taas nitong harapan ng pinto, kinabit ko iyon kagabi. May dugo na ang dalawa sa mga kutsilyong iyon. Kita ko ang patak ng dugo sa  sahig.

"Napakadelikado nitong mga traps mo, Sugar. Pero epektibo naman pala. Paano kung  tayo ang mapatay ng mga yan?"

"Hindi iyan, sinigurado ko na hindi tayo masasaktan hangga't alam mo yung mga gagawin, ito yung traps doon sa pinakahuli ng librong binasa natin." Nakita naming tumaas na ulit ang mga kutsilyo papunta sa taas at pumasok sa ginawa kung parang grill na may mga butas para dun lumabas at pumasok ang mga iyon.

"Paano 'yan? Nahawakan ng isa sa kanila yung dooknob---"

"Kapag hindi sila nakahanap ng lunas makaraan ang 24 oras ay mamamatay ang taong iyon." Putol ko sa sasabihin niya.

"What if hindi naman talaga sila Impostor? Paano kung gusto lang nila humingi ng tulong?" Tanong niya pa ulit.

Kailan pa naging matanong ang lalaking 'to?

Sinarado ko na ulit ang pinto saka ini-lock iyon. "Sila yung nasa library kahapon, Gatas. Kung hihingi sila ng tulong bakit hindi sila nanghingi o ano? Ikaw na ang nagsabi na Impostor sila, wait, bakit ba nagbabago ang isip mo, Gatas? Huwag mong sabihin na isa ka din sa kanila? Papatayin mo din ba ako?" Kunot-noong tanong ko habang seryusong nakatingin sa kaniya.

"Nagbabago ang isip ko kasi naguguluhan na ako, Sugar. Hindi ko na alam kung sino ang totoo at kung sino yung nagkukunwari." Naupo siya sa kama saka hinilot ang ulo.

"Gano'n din naman ako. Hindi ko alam kung sino ang totoo at kung sino ang hindi pero sa ngayon ang nasa isip ko ay lahat ng nasa labas ay hindi dapat pagkatiwalaan, hindi natin alam ang galaw nila, wala tayong alam sa plano nila, sa mga ginagawa nila. Minsan kahit anong tagal ng pagsasama niyo meron talagang nagpapanggap sa inyo. Oo, matagal na natin silang kilala pero, Gatas, hindi natin alam ang mga tumatakbo sa isip nila."

"What about me, pinagkakatiwalaan mo ba ako or you see me as one of those Impostors too?" Napatingin naman ako sa kaniya ng ilang sandali bago ngumiti.

"Ofcourse, I trust you. You are my crewmate so I trust you. And you said you trust me too so it's just fair, right?" Sabi ko at nagtimpla ng kape pero kagaya noon ay hindi maiinit iyon. Naglagay ako ng kape sa dalawang baso at binigay sa kaniya ang isa. "Gatas, matutulog ka pa ba?"

"Hindi na. Alas-sais naman na ng umaga."

"Magbasa na lang tayo." Suhestiyon ko at tumango naman siya bilang pagsang-ayon kaya inubos ko yung kape ko at kumuha na ng librong babasahin.

IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon