10

49 10 0
                                    

"Kailangan nating masigurado na walang makakapasok sa kwarto natin." Sabi niya kaya napatango-tango naman ako.

"Ano ang gagawin natin?" Tinuro niya naman ang libro na nasa kama kaya pinulot ko naman iyon at binasa kung tungkol saan iyon at napatingin sa kaniya ulit. "Traps?"

"Yeah. Iyon lang ang magagawa natin dahil wala namang lock o anong klaseng pangsara  dito. Wala din susi dito para sa doorknob."

"Meron bang gamit dito para makagawa ng traps?" Tanong ko naman habang nakatitig sa kaniya. Hindi ito nakatingin sa akin kaya malaya ko itong natitingnan.

"Oo. May nakita ako ng nakaraan."

"Sige. Sige. Ano ba pwede kung maitulong?" Tanong ko sa kaniya. Gusto kung makatulong sa kaniya dahil gusto ko pang mabuhay.

Alam kung hindi na isang simpleng biro ito. Kaya kailangan ko na talagang sumeryuso dahil baka kamatayan ko ang makukuha ko kapag hindi ako nag-seryuso.

"Kumuha ka ng itim na sinulid, nylon, mga pako, yung sirang upuan dun sa gilid, tapos dalawang mansanas."

"Sige. Hintayin mo na lang sandali." Tumalikod na ako at agad na hinanap ang sinabi ni Gatas.

Habang naghahanap ako sinulid sa drawer ay pakanta-kanta pa ako pero napatigil ako ng may makitang kakaiba. Nanlaki ang mga matang makatingin sa laman ng drawer. Baril at kutsilyo iyon. Nanginginig na hinawakan ko iyon at tiningnan at napanganga nalang ako ng makitang may mga bala yung baril.

Bakit may ganito dito? Shit!

Napatingin ako bigla kay Gatas nang bigla niyang isinara ng walang ingay ang pinto at sumenyas ito na huwag akong gagawa ng  kahit anong ingay. Sinarado ko ang drawer at walang-ingay na lumapit sa kaniya.

"Anong nangyayari?" Pabulong na tanong ko.

"Patayin mo yung ilaw." Tumango naman ako at unti-unting hinipan yung lampara na nasa mesa saka bumalik kay Gatas.

"May tao sa labas." Sabi nito kaya napatango naman ako.

"Sino?"

"Hindi ko alam."

Tumahimik kaming dalawa saka nagmatyag lang sa nangyayari sa labas. May naririnig akong yabag at mukhang nanggagaling iyon sa isang tao. Pero maya-maya ay may narinig akong panibagong yabag na halatang tumatakbo.

Makaraan ang ilang minuto ay nawala na yung mga yabag at ingay. Kaya pumunta na ako ulit sa mesa at sinindihan ang lampara.

Tagaktak ang pawis ko at ganon rin si Gatas na nakatingin sa akin.

"Mukhang hindi ligtas na lumabas kapag gabi." Seryusong asik niya kaya napatango-tango naman ako.

"Talagang hindi." Sang-ayon ko saka kumuha ng tig-kakalahating baso ng tubig. Kailangan naming magtipid lalo na at papaunti na ang pagkain namin. Bumalik na ako at ibinigay ko kay Gatas yung baso na may tubig na walang-alinlangan niya namang ininom.

"Hoy, ganiyan na ba kalaki tiwala mo sa akin?" Sita ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Ininom mo agad yung binigay ko eh, paano kung nilason kita, aber? Huwag kang magtitiwala agad. Jusko." Iiling-iling na sabi ko pa.

"Bakit? May balak ka bang lasunin ako?"

"Wala ah. I mean paano kung ganoon yung ginawa mo kapag nakasama mo yung Impostor, oh edi tigok ka agad."

"Hindi ko naman gagawin yun kung iba kasama ko eh." Sabi nito kaya napatigil ako.

"Eh b-bakit sa akin ay ginawa mo?"

"Dahil pinagkakatiwalaan kita." Simpleng sagot nito saka nagkibit-balikat. Naalala ko naman yung nakita ko.

"Gatas, may nakita ako doon sa drawer." Sabi ko at lumapit sa kaniya.

"Anong nakita mo dun?"

Hinawakan ko naman siya sa kamay at hinigit papunta sa drawer. "Ito." Binuksan ko ang drawer at tumambad sa paningin namin yung baril at patalim.

"Bakit may ganiyan diyan?" Tanong niya at kinuha yung baril at tiningnan kung may bala.

"Ewan. Nakita ko 'yan kanina habang naghahanap ako ng sinulid."

"So kaya pala," sabi nito kaya napakunot naman ang noo ko. "Kaya pala kanina may narinig tayong putok, it means lahat ng may kwarto ay ganito rin. Tsk! Mas delikadong lumabas kung gano'n nga ang sitwasyon."

Kaya siguro may narinig kaming putok kanina...

Para akong mababaliw dahil sa mga nangyayari.

Bakit ba ginagawa sa amin 'to? Gano'n na ba kami kasama para danasin namin ang mga nangyayaring ito? Parang sobra-sobra naman ata 'to lalo na at buhay na namin ang nakataya. Ang isipin may mamamatay at may pumapatay sa mga kaibigan ko ay natatakot na ako. Kahit ayaw kung isipin ay kusa talaga iyong pumapasok sa isip ko.

Gusto ko ng umuwi...

IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon