15

40 8 0
                                    

"Sobrang tahimik." Bulong ko.

"Walang tao dito. Simpleng hallway lang 'to papunta sa Grocery Store." Saad naman ni Gatas kaya napatango naman ako.

Tumakbo na kami papunta sa isang pader kung saan nakatago ang grocery store. Pininturahan at mukha talagang pader 'to pero sa likod nito ay Grocery Store na. Nalaman lang din namin ito ng tingnan sa mapa. Dead end yung nakasulat sa mapa kung nasaan ang entrance ng Grocery eh.

Hinanap namin yung button o something para mabuksan ito. Tagaktak na ang pawis ko mula pa kanina.

Siguro dahil sa kaba at sa pagtakbo mula kanina.

Bigla akong may natapakan na medyo matigas kaya tiningnan ko naman iyon at isang bricks pala iyon na puma-ilalim pero may nagpakita pang isang bricks sa harapan ko kaya tinulak ko iyon at at bigla na lang tumaas ang ang pader at doon na unti-unting bumungad sa paningin namin ang Grocery Store.

"Nice!" Sabay na sabi namin ni Gatas at pumasok na sa loob.

Nang makapasok na ay agad ko  ring itinulak yung bricks na nakausli sa me gilid kaya bumaba ulit yung pader.

Pinakiramdaman pa muna namin ang paligid. Walang ingay.

"Walang makakapasok dito kung wala silang mapa." Dinig kung saad ni Gatas.

"Oo nga naman." Sabi ko saka hinanap na ang switch ng ilaw. Ilang sandali lang ay natunton na ng kamay ko. Bumukas ang ilaw at kita ko ang iba't-ibang uri ng pagkain at mga bagay.

Napakatago ng lugar na ito. Tanging mapa lang talaga ang pag-asa mo. Andoon sa likod ng mapa ang mga tips para makapasok ka dito, kaya hindi namin dinala 'yon para walang makaalam na may Grocery Store  dito. Maliban na lang kung nakabuo o nakahanap din sila ng mapa.

"Gawin lang natin 'to ng walang ingay. Baka mamaya may makarinig sa atin mula sa labas." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Bearbrand.

Una kaming pumunta sa mga gamit banda. Kailangan namin ng bag na pagsisidlan ng mga kukunin namin dito.

"Ayon oh." Turo ko sa mga bag at agad na pumunta dun. Pinili ko ang itim na malaki.

"Ikaw sa mga gamit, Sugar. Ako naman ang bahala sa mga pagkain." Saad niya pa ulit.

"Basta samahan mo akong manguha ah? Natatakot akong mag-isa eh." Sabi ko at tumango naman siya at ngumiti.

Nagsimula na akong manguha ng mga kinakailangan naming gamit. Mula sa flashlight, lighters, gas, damit, kumot, gamot, personal na mga kailangan at iba pa.

"Tubig talaga ang importante at pagkain. Iyon ang dapat na damihan natin para hindi tayo labas ng labas lalo na ngayon na nakita na natin ang buhay sa labas ng kwarto." Saad ko habang patuloy sa pagkuha ng mga gamit.

"Tama ka." Pangsang-ayon nito saka naglakad na papunta sa mga pagkain banda.

Mabuti nga hindi pa expired yung mga pagkain at gamit dito eh. Hanggang sa susunod pa na mga taon kaya pwedeng-pwede at safe na safe pa.

Kumuha ako ng mga can goods na hindi na kailangan lutuin. Tinapay. Prutas at iba pang pagkain na pangmatagalan. At inilagay ko naman iyon sa bag ni Gatas.

Pagkatapos nun ay naghanap na ako ng ibang bagay na magagamit namin. At inilagay lahat sa bag ko. Kumuha ako ng sobrang dami na kutsilyo mula sa maliit hanggang sa malaki at agad binalot ng mga damit saka inilagay sa bag.

"Sobrang rami naman nun." Napatingin naman ako sa likod ko.

"Sa nakita ko kanina? Kailangan na natin mag-ingat sa kahit anong paraan. Walang-awa yung taong pumatay kay Gucci. Hindi man lang siya nagdalawang-isip na patayin ang kaibigan natin. Walang awa niyang ginanon yung katawan ni Gucci na tila ba isang hayup yung kinakatay niya." Seryusong saad habang nakakuyom ang mga palad.

Hindi na tao ang makagawa ng ganoong klaseng bagay.

"Tama ka. Kailangan nating mag-ingat..." Seryusong saad din ni Bearbrand na halatang galit din dahil sa nakita kanina.

IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon