09

47 13 0
                                    

"Putok ng baril ba 'yon?" Pabulong na tanong ko ng mawala na yung mga tunog mula sa kabila.

"Oo." Sagot nito kaya agad naman akong kinain ng takot. Shit! Baril? Bakit may baril? Sino yung ginamitan ng baril na iyon at sino ang gumamit nun?

Bigla nalang nagsindi yung lampara sa may isang gilid kaya lumiwanag ang buong paligid. Naglibot-libot naman ako ng tingin sa buong lugar. Halos ilang minuto rin ang iginugol ko bago tuluyang masaulo ang buong lugar. Nasa isang kwarto na naman kami, ulit, pero iba na ang itsura nito. May mga libro. Mga pagkain, inomin, higaan at iba pa.

Ano na naman 'to?

"Hey Ga--" Napatigil ako ng tuluyang makita ang posisyon namin ni Gatas. Halos nasa two inch na lang yung layo ng mukha namin sa isa't-isa at nakayakap pa ako sa kaniya. Agad akong lumayo sa kaniya at agad na ikinalma ang puso ko.

Baka narinig niya ang tibok ng puso ko? Kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Waaaah!

Narinig ko itong tumikhim saka tuluyan ng lumayo kaya mas lalo naman akong lumayo sa kaniya.

Naglibot-libot pa ulit ako sa buong lugar at tiningnan ang mga gamit na naroroon. Parang gusto kung kainin yung mga pagkain at uminom ng tubig pero nagdadalawang-isip ako, baka may lason. Lalo at at masyadong weird na bakit may nakahain na pagkain sa isang lugar na kagaya nito. Kahit sinong matinong tao ay hindi basta-bastang kakainin iyon maliban na lang kung masyado talagang gutom na gutom. Pinigilan ko na lang ang sarili ko. Naupo na lang ako sa kama pero agad din akong napatingin sa Screen ng Tv ng umilaw ito. nagglitch pa ito ng ilang sandali bago tuluyang umayos at naging klaro at doon na tuluyang nagpakita ang bunny. Ang bunny na kagaya ng kanina.

"Pwede niyong gamitin ang lahat ng gamit na nasa kwarto ninyo. 100 percent safe ang lahat ng mga iyan. Pero huwag hahayaang may makapasok sa inyong kwarto maliban sa inyo. Hindi niyo alam ang pwede nilang gawin habang hindi kayo nakatingin." Paunang saad nito at tumagilid pa muna ang ulo niya na para bang nakikita niya kami ngayon. "Mamili sa dalawa, pagkakatiwalaan ang iyong kapareha o babantayan ang bawat galaw niya. Huwag magpapalinlang sa inyong nakikita baka hindi niyo alam, nililinlang ka na pala." Segunda pa nito kaya nagkatinginan naman kami ni Gatas at sabay na nagbalik ng tingin sa screen ng magsalita ulit ang Bunny na creepy.
"Impostor is waiting and all they want is killing. The Impostor is just in your team." Tumawa ang Bunny at kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nitong tinahi. Bigla na lang nag-glitch ulit yung TV at maya-maya ay tuluyan na itong namatay.

Napatingin naman ako sa gawi ni Bearbrand pero hindi ko inaasahan na nakatingin na rin siya sa akin.

"So...the Impostor is just among us? Anong klaseng laro na naman 'to?" Tanong ko.

Isa sa amin? Eh pareho kaming napunta dito eh. Paano mangyayari iyon? Paanong isa sa amin eh magkakasama kaming lahat simula ng nasa school hanggang dito.

"Yes. That was the bunny said earlier. So, are you the impostor among us, Sugar?"Tanong nito habang nakatingin ng deritso sa mga mata ko.

"No, I'm not the Impostor. Hindi ako at hinding-hindi magiging ako. Pero nasa sa'yo na 'yon kung pagkakatiwalaan mo ako o babantayan mo ang bawat galaw ko." Sagot ko at pumunta sa mesa saka kumuha ng mansanas at kumagat kaagad. Gutom na ako!

"Pagkakatiwalaan kita." Napatigil ako sa pagnguya ng  mansanas nang marinig ang sinabi niya.

"Huh?"

"Pero hindi ako mag-aalangang patayin ka kapag nalaman kung ikaw yung Impostor dito." Sabi nito at kumuha din ng mansanas.

"Sige lang. Gano'n din naman ang gagawin ko. Killed or be killed. I don't want to be killed but If that is my fate, I can't do anything to stop it." Seryusong saad ko at nagpatuloy sa pagkain ng mansanas na hawak.








IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon