19

36 10 0
                                    

Sa kusina kami nagtatago ngayon ni Sun. May humahabol sa amin kanina na isang taong may dalang chainsaw at shotgun na naka-maskara.

"Chick ang sakit na ng kamay ko." Napatingin naman ako kay Sun ng bumulong ito. Natamaan siya sa braso ng isang palaso na naggaling sa taong may dalang pana na may lason na nakasagupa namin kanina. May dala kaming tig-iisang baril at alam kung natamaan ko ang isa kanina.

Hindi namin alam kung sino ang tunay na Impostor. Wala kaming malapitan sa iba naming kaibigan dahil baka Impostor din sila.

Tanging ako at si Sun lang ngayon ang magkasama at nagtutulungan para mabuhay.

Nabalitaan na rin namin yung nangyari kay Gucci. He is an Impostor but still he got killed by someone that I didn't know if it's one of those Impostor too.

Mabuti nga at may pagkain sa kwartong napasukan namin kaya may nakain kami ng tatlong araw na nakalipas pero ang problema ay may pumasok na roon kaya hindi na ligtas kaya ito nagpakalat-kalat na kami ni Sun dito sa buong lugar na walang kaming kaalam-alam kung saan.

"Kaya mo yan Sun, kung hindi magpapakatatag---mamamatay ka." Tumango naman siya at ngumiti sa akin.

"You are the girl here but you are the powerhouse of the two of us. Thanks for not leaving me behind, Chick."

"A true friend won't leave a friend." Sabi ko at tinulungan siyang makatayo at nagkatinginan pa kami pero nauna akong nag-iwas.

Pasalamat talaga ako dahil may napulot akong relo kanina kaya alam namin yung oras. 9:26 na ng gabi. Ito ang oras na nagsisilabasan na ang mga killers para maghanap ng makakain. They eat all they see that is moving and have a fresh flesh. Sa mga araw na nagdaan palaka at daga ang kinakain namin ni Sun. Naghahanap lang kami ng lugar na pwedeng pagtaguan na ligtas saka doon kakain at matutulog.

Hindi ko rin alam kung Impostor o hindi si Sun pero hanggang ngayon ay wala pa naman siyang ginagawa kaya ayos pa ako sa kaniya. At kaibigan ko pa rin naman siya.

Bigla na lang umilaw ang napakalaking Tv sa gilid at lumabas na naman yung Bunny na nakakatakot. Wala na ang dalawa nitong mata at napupuno na siya ng dugo. "Ano ang gagawin niyo kung malalaman ng isa ang sekreto ng iba?" Tumawa ang Bunny sa isang nakakatakot na paraan habang tumutulo ang dugo mula sa bibig niyang naka-tahi. "Don't make any noise while D-Impostors is just in your place, they will eat your hearts and suck your brains." Then the Tv died.

Tss. They've really lost their minds.

Natahimik na ang buong lugar. Balak na sana naming umalis sa kinatataguan namin ng bigla kung narinig na lumagitnit yung kalawanging pinto. Ipinahid ko ang pawis sa noo ko saka binantayan lang muna ang galaw ng kung sino mang pumasok.

Tumutunog ang isang metal na bagay na kinakaladkad sa sahig na nasa tantiya ko ay nasa medyo malayo pa. May kalawakan kasi itong kusinang pinasukan namin. Andito kami na nagtatago sa gilid sa may tumpok na upuan, kung sakaling makita kami dito ay makakalusot pa naman kami sa ginawa naming butas dito sa dingding sa likod.

"Little diamonds in the sky. Can you see me trough those eyes? Twinkle Twinkle you can't hide, I'm the real Impostor that will take your lives." Pagkanta pa ng taong pumasok. Nagsimula namang lumakas ang pintig ng puso ko habang nakahawak ng mahigpit kay Sun na nasa tabi ko.

"Boo!" Bigla na lang bumulaga ang isang nakamaskarang tao sa harapan namin mabuti na lang at natabunan ko ang bibig ko at bibig ni Sun kaya  napigilang kung makagawa kami ng ingay pero yung puso ko halos tumakbo na dahil sa gulat.

"Tsk! Walang tao." Sabi nito at tumalikod na.

Narinig ko pa ang papaalis na yabag  at pagsara ng pinto bago tuluyang nakahinga ng maayos. Halos lumuwa ang puso ko kanina dahil sa gulat. Shit! Akala ay nakita niya na talaga kami.

"Sun ayos ka lang?" Nakita kung nag-thumbs up naman siya kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"Medyo hindi ko na maramdaman yung kamay ko, Chick." Sabi niya kaya nag-alala naman ulit ako.

"Okay. Hawak ka sa kamay ko. Huwag kang bumitaw sa akin Lalabas na tayo rito." Tinulungan ko siyang makalabas sa tinataguan namin. "Bulaga!" Bigla na lang may humila  ng paa ko mula sa butas sa kabila  kaya agad  ko itong pinagsisipa hanggang sa mabitawan niya ako at agad na lumusot sa linusutan ni Sun saka agad siyang inakay at tumakbo papalayo.

Puta! Paano niya kaming nakita? Paano niyang nalaman ang butas?

Halos mamatay ako sa kaba dahil sa pagkagulat. Lintek na 'to. Gusto ko ng makaalis sa impyernong lugar na ito.

Pero ang dapat ko ngayong isipin ay kung paano ko maililigtas si Sun...

IMPOSTOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon