"C yung akin." Sabi ko.
"Wait, ano bang connect ng letrang nakuha natin sa letra diyan sa pinto? Hindi naman natin 'yan maii-scan diyan sa scanner." Biglang saad ni Sand.
"Kayo ang magiging susi, ayan yung sinabi ng Bunny. Baka yung nakakuha nung Letra 'yon ang makakapagbukas ng pinto. Like eescanin siya gano'n?" Pabalang na sabi ni Dark pero parang tama siya.
"Oo nga no! So sino ang nakakuha ng letrang Z?" Tanong ko pero walang sumagot. "Wait nasaan si Orange?" Tanong ko at hinagilap si Orange. Kanina ko pa hindi naririnig ang boses ng dalawang kulay na 'yon eh.
Tumigil ang paningin ko sa isang kama na parang may nagtatalukbong. Shit! Kinakabahan ako.
"Puntahan mo, Sun." Utos ko.
"Ayaw ko, natatakot ako." Sabi niya dahilan para mapairap na lang ako. Putek, kalalaking tao eh.
"Ako na. Nahiya ako sa bakla." Singhal ko sa kaniya at nagsimula ng maglakad papuntang sa kama ni Orange.
"Hoy! Hindi ako bakla ah. Natatakot lang ako eh baka mamaya white lady pala yung andiyan."
"Reason pa, piste ka." Singhal ko ulit sa kaniya at nilakas na ang loob ko ng makarating na ako sa harapan ng kama.
Dahan-dahan ko namang inilapit ang kamay ko para kunin ang kumot. Kumakabog ng malakas yung dibdib ko. Shit! Nakikita kung may gumagalaw dun na nakakapagbilis lalo ng pintig ng puso ko. Pero dapat huwag matakot. Huwag matakot, Asukal! Kaya mo 'to.
Nang makalapit na ang kamay ko, dahan-dahan kung hinawakan ang kumot, nanginginig ang bagang-este kamay ko. Tumingin muna ako sa mga kasama ko saka huminga ng malalim, unti-unti ko ng kinuha ang kumot at nasa kalagitnaan na ako ng..
"Ahmmmmmm!" Nakita ko si Orange na merong busal sa bibig. Shit! Halos tumakbo ang puso ko ah.
"Bakit ka may busal?"
"ahm ahm ahm!"
"Tangina huwag kang umungol!" Sita ko sa kaniya.
"Ahm ahmmm Ahm."
"Hindi kita maintindihan, bwesit ka! Ano ba 'yon?" Sigaw ko sa kaniya. Ungol ng ungol eh.
"Ahm ahm!" Balak kona sana siyang sigawan ulit ng biglang may kamay na kumuha sa busal ni Orange at ng tingnan si Gatas pala.
"Paano mo maiintindihan eh hindi mo kinuha ang busal. Abno ka abno?" Napanguso naman ako.
"Nalimotan ko eh. Kinakabahan pa kasi hanggang ngayon."
"Tangina kanina pa ako humihingi ng tulong dito habang kayo puro tsismis lang diyan." Singhal ni Orange habang habol-habol ang hininga.
"Ngayon tinulungan kana, happy?" Tanong ko habang nakangiti pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Depota ka!" Sigaw ni Orange sa akin.
"Oy! Depota ka daw Gatas oh!" Pagtuturo ko kay Gatas. Sinipa ko si Bearbrand na ngayon ay nasa ilalim na pala ng kama pero ang gago sinipa din ako pabalik.
Ayaw talagang magpatalo sa akin eh. Isip bata talaga ang Gatas na 'to kahit saang banda tingnan. Gawin ko kaya siyang baby ko, no? HAHAHAHA hakdog ang mga naiisip ko.
Makaraang ang tatlong taon ay bumalik na si Bearbrand. Nakatingin ito kay Orange, sana all nagkatinginan. Ilang taon pa ang makalipas ay tuluyan na nga siyang nagsalita.
BINABASA MO ANG
IMPOSTOR [COMPLETED]
Mystery / ThrillerMATATAWAG MO PANGA BANG KAIBIGAN ANG MGA UNTI-UNTING PUMAPATAY SA INYO? PAANO KUNG MA-TRAP KA KASAMA ANG KILLER? DAPAT KABANG MAGTIWALA? O DAPAT MO SIYANG UNAHAN? IS THERE REALLY AN IMPOSTOR AMONG THEM? Started: December 03, 2020 Ended: December 04...