Ang bango naman ng unan ko. Nakauwi na kaya ako? Nasa kwarto ko na ba ako? Nasa sariling kama? Pero nag-iba ata ang amoy ng unan ko. May kakaiba...Unti-unti naman akong nagmulat at bigla na pinklang nanlaki ang mga mata ko ng makita yung unan na sinasabi ko. Nakayakap ako kay Gatas at nakadantay din yung paa ko sa kaniya. Shit! Akala ko si Stitch pa, yung hatdog na unan ko.
Lumayo naman kaagad ako kaagad sa kaniya saka hinay-hinay na bumangon.
Sa sobrang pagkagusto kung umuwi ay napagkamalan ko ng unan si Bearbrand.
Agad kung sinuri yung nilagay namin ni Gatas na mga patibong at mukhang wala pa namang nakakapunta dito banda dahil hindi pa nagalaw yung mga patibong.
Bigla namang tumunog ang tiyan ko kay napangiwi na lamang ako saka napanguso.
Napatingin naman ako sa natitira naming pagkain at kung titingnan kasiya na lang iyon para sa ngayong araw at yung tubig ay gano'n rin.
Kailangan din namin ng ilang gamit para masiguradong ligtas kami rito. Kailangan naming maghanap ng pagkain, damit, gamot at iba pang mga gamit na pwedeng makatulong sa amin para makaligtas.
Pero saan kami kukuha?
"Hey. Kanina ka pa ba nagising?" Napatingin naman ako sa kasama ko na nagising na.
"Bago lang rin. Tiningnan ko yung mga traps at itong mga pagkain natin. Mukhang hanggang ngayon na lang 'to." Sabi ko saka naupo sa isang silya.
"Asukal, halika nga rito sandali." Napatingin naman ako sa kaniya ng ilang sandali bago tuluyang lumapit.
"Ano 'yon?"
"Ano 'yan?" Turo niya sa taas kaya napatingin din ako doon at nakita papel na nasa sapot ng gagamba.
"Ewan. Tingnan mo kaya?" Suhestiyon ko.
"Hindi ko abot ang taas."
"Wait. Kuha ako ng upuan." Tumakbo ako papunta sa mesa at hinigit yung upuan pero parang bumigat ito kaya tiningnan ko naman baka kasi nakagapos yung paa or something pero iba yung nakita ko nang pagyuko ko. Isang papel din. May papel na kagaya sa nakita ni Gatas. Dali-dali ko ng kinuha yung upuan at yung papel at dinala na iyon kay Gatas.
"May nakita ako." Inabot ko naman sa kaniya yung papel na parang nahati.
Tinitigan niya pa ito sandali bago siya tuluyang nagsalita. "Mapa 'to kaso mukhang napunit." Ibinigay niya ulit sa akin iyon.
"Kunin mo na 'yang isa para malaman natin kung anong laman niyan." Tumango naman ito saka umakyat sa upuan at kinuha yung papel na nasa sapot ng gagamba bago tuluyang bumaba.
"Mukhang luma pa 'to kesa sa ninuno ko ah." Hindi kona mabasa ang nakasulat piste. Malabo pa sa mata ng dinosaur ang papel.
"Ano laman?"
"Hindi ko mabasa at makita ng maayos ang mga nakasulat eh. Sobrang luma na kasi." Ibinigay ko sa kaniya iyo dahil baka sakaling may makita siya doon. Naghanap-hanap na lang ako ng mga librong pwede mapakinibangan ng bigla akong nakakita ng isang piraso ng papel. Napakunot naman ang noo ko at kinuha iyon. Maitim at mukhang sinunog iyon pero wala namang nasunog na parte, sadyang umitim lang talaga. Kinuha ko naman iyon at pinahiran ang mga itim-itim at doon ko tuluyang nakita ang nakasulat.
Sunugin man ito ng apoy ng impyerno ay mananatili pa rin itong buo.
Agad akong tumakbo pabalik kay Gatas at kinuha yung papel na nasa tabi niya. Kumuha rin ako ng pospro na nasa kabinet.
"Anong gagawin mo, Sugar? Baka mapakinabangan pa natin 'yan."
"I'll try something." Sabi ko saka sinindihan yung pospro at agad na ipinakain sa apoy yung papel na kinuha ni Gatas sa taas kanina at napangiti ako ng hindi ito nasunog, umitim lang ito.
Agad kung ipinahid yung mga itim-itim na nasa papel pa at ng matapos ay agad kung nakita ang mapa. Isang mapa ng kung saang lugar.
Punit...
Kinuha ko agad yung isa pang punit na mapa na nakita ko kanina at ipinagdikit at doon ko na nakita ang mapa ng lugar kung nasaan kami ngayon.
Yes!
"Gatas! May Mapa na tayo papunta sa isang grocery
store!" Masayang sabi ko at tumalon-talon na parang isang bata. "Gatas! Halika rito." Pagtawag ko pa sa kasama dahil gusto kung ipakita sa kaniya ang nagawa ko.Sa wakas! May pagkukuhanan na kami ng pagkain!
BINABASA MO ANG
IMPOSTOR [COMPLETED]
Mystery / ThrillerMATATAWAG MO PANGA BANG KAIBIGAN ANG MGA UNTI-UNTING PUMAPATAY SA INYO? PAANO KUNG MA-TRAP KA KASAMA ANG KILLER? DAPAT KABANG MAGTIWALA? O DAPAT MO SIYANG UNAHAN? IS THERE REALLY AN IMPOSTOR AMONG THEM? Started: December 03, 2020 Ended: December 04...