Lahat na yata ng hinahanap ng babae sa isang lalaki ay na kay Kiel Alvarez na. Matalino, gentleman, may pangarap, mabait, guwapo, masayang kasama, at higit sa lahat ay loyal sa babaeng iniibig niya. Unfortunately, ang kaisa-isang babaeng iniibig niya ay hindi iyon nakikita, or let's just say na hindi lang iyon sapat upang makuha ang puso nito, si Kayla. Abala man sa sariling pangarap at sa pagiging tagapagmana ng kaniyang pamilya ay hindi nagkulang si Kiel na ipadama kay Kayla ang pagmamahal na deserve nito, na siyang hindi naman nito nakukuha sa nobyo. As respect ay palagi lang nandoon si Kiel para sa kaniya pero hindi niya nililigawan si Kayla. He's finally moving on, dahil hindi naman siya ganoon katanga para maghintay sa babaeng wala rin naman ipinapangako sa kaniya, and moving on became much easier when Jai Elle came into his life. For the first time after loving Kayla for so long, he found himself falling in love again to someone else. Ngunit hindi nagtagal iyon dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin, Kayla pulled him back and he left Jai Elle hanging...