Labis na nagtamo ng sugat ang puso ni Sabel nang mamatay ang kaniyang asawa at anak. Nalunod siya sa matinding lungkot at binalot ng dilim ang buhay niya. Akala niya ay hindi na siya makaaahon hanggang sa nakilala niya si Rafael, na tulad niya ay namatayan din ng asawa at anak. Kahit muli siyang nagmahal, ipinangako niyang hahanapin niya ang taong nakapatay sa kaniyang mag-ama para maibigay ang hustisya sa mga ito. Maibibigay kaya niya ang katarungan sa kaniyang mag-ama kapag nakilala na niya kung sino ang taong hinahanap niya?
37 parts