I HEART YOU BY:@c_sweetlady Sina Daint at Chariee ay nagkakilala dahil sa kanilang mga magulang na pinilit silang pag-lapitin. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang plano ng kanilang mga magulang ang salitang kasalan. Kahit tutol man ang mga kapatid ni Chariee sa plano ng kanilang mga magulang ay pawang wala itong nagawa para sa kaniya, kaya tiniis na lang ni Chariee ang lahat ng panlalait sa kaniya ng iba dahil may kasunduan sila ng kaniyang mga magulang. Mula noon ay kinilatis nina Chariee at Daint ang isa't isa hanggang sa naging matalik na magkaibigan ang dalawa, at hanggang sa na-inlove sa isa't isa. Pero paano kung sa isang araw ay bumalik ang taong mahalaga kay Daint? Matutuloy pa ba ang kasal nila ni Chariee, o pipiliin nito ang babaeng minsan na niyang minahal? Ano kaya ang nararamdaman ni Chariee kapag hindi siya ang pinili ng taong mahal niya? Halina't sabay-sabay nating subaybayan ang kuwentong I HEART YOU, Nina Daint, at Chariee.