Malungkot ako ng mga araw na iyon, wala akong iba alam na paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko. Alam kong mali at makasalanan ang gusto kong gawin ng araw na iyon ngunit hindi iyon natuloy. Bakit? Kasi dumating ang isang lalaki na hindi lang sumagip sa buhay ko, kundi nag bigay din ng mas mahirap pang dahilan para hindi ko kitilin ang buhay ko ng mga araw na iyon. Siya si Keifer Sandoval ang lalaking napaka gago sa lahat ng lalaking nakilala ko. We made an agreement iyon ay ang maging things keeper niya, ako naman si tanga na pumayag na lang maging receiver at taga-tago ng mga regalo galing sa mga babaeng nag kakandarapa sa bwisit na lalaking ito. So yun nga, I am Mayumi Reyes, Keifer's things Keeper.