Buong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para sa binata. Subalit nabago ito nang minsan niyang tangkain na kitlin ang buhay niya. Ito rin ang naging dahilan kaya nagkita silang muli ng itinuring niyang matalik na kaibigan na si Elizabeth. At paglitaw ng tunay na nararamdaman ni Elizarde Cornelio-ang lalaking lihim na nagmamahal sa kanya. Paano nga ba niya matatagpuan ang tunay na pagmamahal gayung nababalutan ng liwanag ang mundo niyang kinahantungan?