Chapter 28

0 0 0
                                    

Masaya na ako.

A N A S T A C I A
"Pagpasensyahan mo na, dude ang regalo ko sa kasal niyo." ngisian ako ni Byron Navarro nang mapasulyap siya sa direksyon ko.

"Sira-ulo ka talaga!" Nakita ko ang biglaang pamumula ng buong mukha ni Elizarde.

Sinulyapan niya pa ang mukha ko bago nag-iwas ng tingin. "Wala ka na talagang pag-asa na magbago, Navarro." Elizarde hissed.

Pasimple niya pang ibinulsa ang isang maliit na kahon na ibinigay ni Navarro. Ilang beses na napapalunok tyaka mapapabuntong hininga.

"Hindi ko gagamitin 'to, Navarro.  Mas gusto ko ang natural na pamamaraan."

Pinag-uusapan ng dalawang 'to?

Naagaw ng papalapit na sina Denver at Elizabeth ang atensyon ko. Natawa pa ako ng mahina nang matanawan si Stone na ang sama kung makatingin sa likuran ni Denver.

"Just let him be, Asia." malamig na pagkakasabi ni Elizabeth. Eh?

"Hayaan mo si Stone sa kung ano ang trip niya. Congrats, sister in law."

Ang paghila sa akin ni Elizabeth para sa isang mahigpit na yakap ang hindi ko napaghandaan. "Welcome to our family, and it's your family now."

"Alagaan mo ang bestfriend ko, Cornelio. Wag mo na siyang papaiyakin pa." seryoso naman na wika ni Denver.

Itinaas niya pa ang hawak na baso sa harapan ni Elizarde. Umarko ang sulok ng labi ni Elizarde bago iniuntog ang hawak na baso sa baso ni Denver.

"Hindi ako ang nanakit sa kanya, Denver. Taga salo lang ako ng sakit at kalungkutan na mayroon siya noon. Pero tapos na 'yun...kahit paulit-ulit na mangyari ang nangyari sa nakaraan?" Napababa ang paningin ko sa kamay ni Elizarde na humawak sa kamay ko.

"Hindi ako magdadalawang isip na gawin ang mga nagawa ko na. Ang hayaan na gamitin ako ni Anastacia bilang emotional luggage niya."

Nagulat si Elizarde gayundin ang dalawang kaharap namin nang dukwangin ko ang mukha niya. Inabot ang nakaawang na labi niya.

"Hindi ko na rin hahayaan na malungkot ako dahil ayokong makita kang nalulungkot."

"Tsk. And corny niyo." Pumihit na paharap si Elizabeth sa mga kumakain na bisita ng kasal.

Kinuha ang hindi ko pa nagagamit na kutsilyo tyaka pinaingay ang hawak na baso. "Listen, everyone." pangkukuha niya sa atensyon ng karamihan.

"I never speak too much specially in public. But...in this hour? I want to express my whole gratitude to have this kind of a woman in our family." Bumalik nasa akin ang paningin ni Elizabeth, ang paglitaw ng isang matamis na ngiti sa labi niya ang nagpamasa ng mga mata.

"Thank you." Nagpasalamat lang siya pero bakit pakiramdam ko, marami nang nasabi si Elizabeth sa akin. "Salamat dahil pinili mo ang kuya ko. Salamat dahil...

Bumagsak na ang paningin niya sa sahig pero kaagad rin na napabalik sa mukha ko. "You made me realize na kahit anong gawin kong paraan para ilayo ang sarili ko sa taong mahal ko...hahanap pa rin ang puso ko na makabalik sa kanya. Kaya sana, ingatan mo rin ang kuya ko gaya ng pag-iingat niya sa'yo. Sobra ka niyang mahal."

Itinaas na ni Elizabeth ang hawak niyang baso sa ere. "Cheer to the newly weds!"

"Cheers!" And everyone chants a cheerful greeting on us.

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko, kahit kailan...hindi ko naiisip ang mangyayari ang ganito. Ang makaranas ng napakainit na pagtanggap sa akin bilang miyembro ng kanilang pamilya. Malayo sa naging trato sa akin ng mga pinsan ko na ipinaramdam nila noon ang mga kakulangan ko.

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon