Chapter 13

0 0 0
                                    

Ito na ang katapusan.

Kahit pasuray-suray, hindi makalakad ng maayos, nagawa kong akyatin ang ilang baitang ng hagdanan paakyat sa matalik na burol. Nasa ituktok nito ang medyo may kalakihang temple shrine. Na ayon rin sa mga research ko, ipinatayo ito noong panahon na Buddhism pa ang religion ng buong angkan ng mga Aragon. Wala pang nakapangasawa sa kanila at nagpaconvert ng pagiging isang kristiyano.

Inisang lagukan ko ang natitirang laman ng hawak kong bote.

"Hik...a-anong kasalanan ko sayo?!" Kahit hindi ako isang Buddhism, nagawa ko pa ring duruin ang malaking estatwa ng buddha sa may bukana ng templo.

"Nagmahal lang naman ako ah!"

Alam ko kabastusan ang ginagawa ko ngayon...but hell I care! Mapupunta naman ako sa impiyerno dahil sa plano kong pagpapakamatay ngayon. Sagarin na natin!

"Pero bakit mo ako pinarusahan ng ganito!?" hindi ko napigilan na sumbatan ang estatwa. "Tanging hiling ko lang ay mapansin ni Papa ang mga effort ko para makuha ang mga pamantasan niya. Pero bakit!?"

Malakas kong ibinato amg hawak kong bote, dumaan ito sa may gilid ng estatwa bago tumama sa may batuhan at nabasag.

"Bakit nila ako itrinato bilang isang basura?...pagod na ako. Alam mo ba iyon?"

Nanghihinang napasalampak ako sa may semento. "Gusto ko na lamang ngayon...ang mawala ang mga boses."

Naagaw ng lumipad na papel na may nakataling pulang sinulid ang atensyon ko. Mas nabiyak at nadurog ang puso ko sa nakitang larawan ng babae.

"Elizabeth...sana naging ikaw na lang ako. Sana maranasan kong maging ikaw na kinagigiliwan ng lahat!" kusang kumawala sa bibig ko ang mga saloobin na kaytagal kong itinago sa mahabang panahon.

Bumagsak sa tapat ng kamay kong nakatuon sa semento ang larawan ni Elizabeth. Kuha ito noong ten years old siya, ang mismong ten birthday niya.

"Ang swerte mo...mahal ka ng lalaking pinakamamahal ko."

Nagdesisyon na akong tumayo at umalis ng templo, hindi ko naman mahanap si Stone sa loob nito. Tanging ang itim niyang kotse ang nakita ko, ginamit na sasakyan paalis ng burol.

Sa naliliyo kong paningin, pinilit kong imaneho pababa sa matarik na burol ang kotse ni Stone.

'Hindi ba gusto mo nang mawala? Ito na ang tamang pagkakataon. Hayaan mo ang kotse na magtuloy sa bangin.'

Napakurap ako ng isang beses nang muli kong marinig ang mahinang boses sa isipan ko. Tama. Gusto ko nang tapusin ang lahat.

"Hindi ka mahal ni Stone, Anastacia. Hindi ka rin mahalaga sa pamilya mo. Kaya tapusin mo na ang paghihirap mo!"

Kinabig ko ang manibela palihis sa tamang linya ng kalsada, hinayaan ang kotse na tunguhin ang direksyon ng bangin.

Isang pink na scooter ang nasa unahan ko, mabagal ang takbo at nag-iingat sa matarik na kalsada. Nilagpasan ng scooter ang gumigiwang ng takbo na kotseng kinasasakyan ko hanggang sa sumampa ang gulong nito sa malaking tipak na batong nakausli.

Sa lakas ng impact, napasubsob ang mukha ko sa manibela. Gumawa pa ng isang mahabang ingay ang busina nang madaganan ng mukha ko.

"Miss?" Isang boses ng babae ang narinig ko mula sa labas ng pintuan ng kotse na nabuksan. Napakapamilyar ng timbre.

"I hate my life...

Hindi ko siya pinansin, nanatili sa maulap kong isipan ang plano ng pagpapakamatay.

"Miss? Bumababa ka na diyan. Mahuhulog na ang kotse mo."

"They hate me...

Papa hates me. Puro na lang kahihiyan ang ibinibigay ko sa kanya at sa buong pamilya namin.

"Miss, ano ba!!"

"He hate me..

Galit sa akin si Stone, hindi niya ako magawang mahalin. Isang basura ang tingin niya sa akin gaya ng lahat...at sobra ko ring sinaktan si Elizarde. "And I hate myself more than they could."

Napaiyak na ako ng tuluyan. "Kung mawawala ba ako? Maayos ba ang lahat? Mawawala na ang sakit?"

Tama. Kapag nawala na ako, hindi na nila ako masasaktan pa.

"Ano bang pinagsasabi mo? Bumababa ka na diyan! Ano ba!!!"

"I don't want to live anymore. No one loves me."

Nilingon ko ang babaeng gusto akong tulungan. Nagkaroon ng tunog ang pag-iyak ko nang makita ang mukha ng babaeng matagal ko nang kinaiinggitan. Dahil siya ang nakakuha ng lahat ng mga hiniling ko, pagmamahal, atensyon at magandang trato.

"Thank you...dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may isang taong nasa tabi ko bago pa man ako mawala sa mundo."

Pero nagawa ko siyang pasalamatan.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nagpumilit ang babae na makapasok sa loob ng kotse. Nagpumiglas ako nang tangkain niyang tulungan na maalis ang suot kong seatbelt.

No! Gusto ko nang mamatay, ang makatakas!

"Alam mo bang hinulaan ako kanina lang? Mamamatay na raw ako? Nakakatawa!"

Nahinto ako sa pagpupumiglas, napatitig ako sa mukha ko.

Hinulaan siya? Mamamatay si Elizabeth nang dahil sa akin?

Pinanindigan ako ng balahibo sa buong katawan sa unti-unting pag-usbong ng ideya na magaganap sa pagitan naming dalawa. Hindi! Magagalit si Elizarde sa akin! Ayoko!!

"Ayoko pang mamatay...marami pa akong gustong gawin sa buhay. Gusto ko pang ayusin ang pamilya ko. Makasama ang kuya ko. Makitang masaya ang tatay ko. Ang makitang ngumiti si Tiyang...at makilala ang taong makakasama ko habang-buhay...

Sinalubong ng malalamig na mga mata ni Elizabeth ang luhaan ko ring mga mata.

"At heto ka? Sinasayang ang buhay mo, ang pagkakataon na mabuhay ng maayos...ano magpapakamatay ka? Iyon ba ang plano mo?" singhal na niya sa akin.

"You cared? Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko!"

Hindi naman ikaw ang pinarusahan ng mundo! Lahat ng mga gusto ko nakuha mo na! Ang lalaking mahal ko, anh pamilya na pangarap ko at ang respeto na mula sa ibang tao...nasa iyo lahat ng mga iyon, Elizabeth. Kaya hindi mo alam ang nararamdaman ko, hindi mo alam ang mga laman ng isipan ko!

"Oo. Tama ka. Wala akong alam sa pinagdaraanan mo. Pero...hindi mo ba naisip na posibleng may taong malulungkot kung sakali mang mawawawala ka? Masasaktan kapag hindi ka niya makita?"

Ang mukha ni Elizarde ang lumitaw mula sa balitanaw ko. Mas napahagulhol ako habang bumabalik sa akin ang mga matatamis na ngiti na mayroon si Elizarde.

"Hindi sapat na dahilan ang mga tantrums mo para magpakamatay! Hindi ba pwedeng mabuhay ka na lang para sa sarili mo?"

Para sa sarili ko? Hindi ko na nga kilala ang sarili ko dahil sa mga nangyayari. "Ayoko na!!!"

"Baliw ka na!!"

Baliw?

"Ikaw ang baliw! Bakit mo tinutulungan ang taong hindi mo kilala?" balik singhal ko sa kanya pero isang matamis na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin bago nagpalit ang posisyon naming dalawa at malakas na sinipa ako palabas ng kotse.

"Hindi ko rin alam." huling narinig ko mula kay Elizabeth bago bumagsak ang katawan ko sa batuhan tyaka nagpagulong-gulong sa matarik na bangin.

Elizarde. Sorry. Nagawa na naman kitang saktan sa mangyayari sa nakakabata mong kapatid na babae.

Ang mabilis na pagdausdos paibaba ng kotse, pagbangga nito sa isang puno at malakas na pagsabog ang huli ko ring narinig bago tuluyan na kainin ng kadiliman ang ulirat ko.

"Elizabeth...

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon