Ito na talaga ang katapusan, isang pagtatapos na malayo sa kapighatian at kalungkutan.
A N A S T A C I A
Marami na akong pinagdaanan na masasakit na pangyayari sa buhay ko. Nagawa kong sumuko at isipin na takasan na lang ang mabibigat na problema na kinaharap ko, ang iwan ang mga taong nanakit sa 'kin.Subalit hindi ako pinabayaan ng panginoon na makagawa ako ng isang malaking pagkakamali na pwede kong pagsisihan sa bandang huli.
Binigyan niya ako ng mga taong sasagip at tutulong na makaahon ako mula sa putikan.
Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, ipinagpatuloy ang paglalakad sa pulang tela na inilatag ng mga Aragon sa buhanginan.
Inihahagis nina Arabella at Morgan ang mga talulot ng pulang rosas sa nilalakaran ko.
Hindi ko lubos na inaasahan na mangyayari ang ganito, ang maikasal kay Elizarde, hindi kay Stone.
Napasulyap ako kay Stone na may mapaglarong ngisi ang labi habang katabi si Elizabeth. Napansin ko pa ang paniniko ni Elizabeth kay Stone nang may sinabi ang huli sa kanya. Magkahiwalay ang upuan ng mga abay na lalaki at babae pero hindi napigilan si Stone na maupo sa mismong tabi ni Elizabeth na tumayong bridesmaid ng kasal ko.
Mas napangiti ako sa nasaksihan na tanawin, natagpuan na rin nila ang bawat isa. Umaasa ako na darating din ang chances na sila naman ang makikita ko na ikinakasal. Na mabigyan rin ng happy ending ang hindi pa natatapos nilang love story.
Napabalik ang paningin ko sa lalaking nasa harapan, may hawak ng mikropono at kasalukuyan na kinakanta ang paborito kong kanta. Ang 'One Last Song ni '
Bumabagay sa timbre ng boses ni Papa ang kanta. Kahit na nagkakaroon ng panginginig ang boses ni Papa habang kumakanta, hindi ko pa rin maiwasan na hangaan ang kagandahan nito.
Hindi ko napaghandaan ang regalo na 'to ni Papa sa mismong araw ng kasal ko. Na siya mismo ang kakanta ng wedding song ng kasal namin ni Elizarde.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Papa nang mapagawi sa direksyon ko ang kakadilat niya lang na mga mata.
Ang boses ni Papa ang gustong-gusto ko na marinig bago ako matulog sa gabi. Ang unang musika na naging paborito until now. Kaya mas pinupuno ng kaligayahan ang puso ko sa ginawa ni Papa ngayon. Wala akong ideya na magagawa ni Papa ang ganito, malayo sa nakasanayan kong personalidad na mayroon siya.
Gumawi ang paningin ko sa dalawang babae na nakahawak sa magkabilaang braso ko. May ngiti sa mga labi, at namumulang mga mata habang deretso na nakatingin sa naghihintay na lalaki na katabi nina Papa at Denver.
"Wag kang umiyak, Baby Asia. Masisira ang make-up mo." Hindi ko napigilan na matawa sa sinabi ni Grandma.
Mas nag-aalala talaga siya sa make-up ko na ilang oras na pinaghirapan nina Mandy at Spanide.
"Napakasungit pa naman ng dalawang make-up artist na kinuha ng mga Aragon para sa'yo. Mahirap pikunin." Natawa na rin ng mahina si Grandma.
"Ang baby ko...
"Ma...kasal ko po ngayon. Walang iyakan, hindi po ba?"
Kanina ko pa nakikita si Mama na iyak ng iyak habang inaayusan ako nina Mandy at Spanide. Kahit nga noong picturial ng prenuptial namin ni Elizarde. Umiiyak rin si Mama na pinapanood kami habang nakaharap sa camera.
"Pero bakit umiiyak ka?" nang-aasar na naitanong ni Grandma sa 'kin.
Natawa ulit ako ng mahina, ipinahid ang hawak kong tissue sa luhaan kong mga mata. "Masaya lang po ako, Grandma. Masaya po ako nasa kabila ng mga masasakit na pangyayari na naganap sa buhay ko...I found the right path to back on him."
BINABASA MO ANG
BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)
RomanceBuong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para...