Ang tanging gusto ko lang naman ay mahalin mo.
What the hell is your doing here?!" ang pag-alingawngaw ng puno sa galit at pagkadisgustong boses ni Stone ang nagpagising sa akin.
Gising na siya. At mukhang hindi niya nagustuhan ang makita ako na kayakap siya sa ibabaw ng kama niya.
Marahan akong napabangon mula sa pagkakahiga, maingat na tinakpan ang kahubdan ko. Inaasahan ko na ganito ang magiging reaksyon niya, na magagalit siya na makita akong katabi niya, wala kahit ni isa na suot na damit.
"Answer me, ANASTACIA CLARKSON!" alam mo pala ang pangalan ko pero kahit ni minsan bakit hindi mo ako magawang mahalin? O tingnan man lang?
"Amhh...
"You stupid woman!" galit nga siya.
"Babe?" ang paglingon ni Stone sa may pintuan ng silid niya ang nagpasunod rin sa paglingon ko. Dapat maging masaya ako sa nangyayari. Dapat nga galingan ko ang pag-arte ko pero bakit?
Natatakot ako sa naging resulta ng nagawa ko kaninang umaga? Na nakokonsensya sa sakit na pwede kong mailikha sa puso ni Ziffany. Pareho lang kaming nagmahal sa taong hindi pa nakakarekober sa past hearbreak niya. Kaya alam ko kung gaano kasakit ang makita ang mga ganitong sitwasyon.
"Hindi pa ba ako sapat? How dare you!" malakas na naibato ni Ziffany ang hawak niyang supot. Nang tumama sa katawan ni Stone, napag-alaman kong mga lutong pagkain.
"Wait, Ziff! Let me exlplain"
Katulad rin ng inaasahan ko, naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto ni Stone. Tahimik na iniinda ang lantarang pambabalewala ni Stone. Na lantaran niyang ipinamukha sa akin ang katotohanan na kailanman hindi niya ako magagawang magustuhan.
Kahit masakit pa ang buong katawan ko, pinilit kong makaalis ng condo ni Stone. Lumayo sa lugar kung saan muling nasugatan ang puso kong walang ginawa kundi ang mahalin si Stone at umasa sa isang panaginip na kailanman hindi na matutupad.
Nahinto ako sa paglalakad nang matanaw si Elizarde. Nakaupo siya sa nakaparada niyang motor. Nasa magkabilaang bulsa ng suot niyang varsity jacket ang dalawang kamay niya. Deretso siyang nakatanaw sa direksyon ko.
Alam ba niya ang plano ko kaya siya nandito?
Hindi ko alam kung saan nagmula ang luhang pumatak sa mga mata ko. Hindi ko rin alam kung dahil ba sa nangyari sa loob ng condo ni Stone kaya ako nasasaktan ngayon. O dahil sa unti-unting pagsampal sa akin ng reality na kailanman hindi ako magagawang mahalin ni Stone.
Ang mahinang pag-iyak ko, nagkaroon ng tunog habang nakatanaw ako sa direksyon ni Elizarde. Nanghihina na napaluhod sa semento habang kinukusot ang sumisikip kong dibdib.
Nasasaktan at nahihirapan na ako ngayon. Pero kapag sa tuwing nakikita ko ang mga malulungkot na mga mata ni Elizarde, ang matatamis na ngiti na hindi umaabot sa mga mata niya...mas higit na nasasaktan ako.
"Asia." ang malamig na boses niya sa tuwing tatawagin ang pangalan ko, may bahid ring kalungkutan at sakit.
"A-Am I s-stupid?" gumaralgal ang boses ko.
Sinapo ng palad ko ang luhaan kong mukha, itinago sa paningin ni Elizarde.
Ang pagyakap sa akin ni Elizarde ang nagpalakas ng pag-iyak ko. Tanging siya lang ang may kakayahan na paiyakin ako kapag niyayakap. Na tanging siya lang ang may kakayahan na iparamdam sa akin na wala akong ginawang mali o kasalanan, na nagmahal lang ako.
"Z-Zarde. Pagod na ako." humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Elizarde. "P-Pagod na akong masaktan." sinubukan kong wag mautal sa kauna-unahang pagkakataon. Pero gaya ng sawi kong pag-ibig kay Stone, nabigo rin ako.
BINABASA MO ANG
BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)
RomanceBuong buhay ni Anastacia, naghahanap siya ng tunay na pagmamahal-mula sa kanyang ama na walang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya. At kay Stone na paulit-ulit na sinasaktan, pinapaasa, at binabalewala ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para...